Chapter 14

11.8K 293 1
                                    

Bumalik ang mga sakit na naramdaman ni Georgina noong bigla-bigla na lang hindi sya pinansin ni Tristan. Noong narinig nya ang pagpupustahan nila ng mga kaibigan nya. Noong sinuko nya dito ang pinakaiingatan nya sa kabila ng iniisip nito. All of it, hurt her deeply. Kaya siguro nagbunga ang ginawa nila so that may aagapay sa kanya. Ang alam nya nakamove on na sya sa sakit na dulot ng nakaraan. Pero ito, bumabalik ang lahat.

Tahimik syang umiyak na nakaupo sa kama. Maya-maya naramdaman nyang yumakap sa likod nya si Tristan. And he was sobbing! Umiiyak ito?!

Ganoon lang sila. Basa ang kumot nya sa sipon at luha. Basa din ang shoulder nya sa luha nito!

Hanggang sa kusang humopa ang pag-iyak. Tahimik lang sila. Sya nakakapit ng mahigpit sa kumot. Si Tristan nakayakap sa likod nya, hindi naman mahigpit pero hindi rin maluwag. His chin is still resting on her shoulders pero di naman nagpapabigat.

"I was very busy on that night. Kung kanikanino ako pinakilala ni Dad. Sa mga kaibigan, investors, other businessmen, at iba pa. I did everything para makaalis agad sa kanila. Then Jessica sent me a picture of you and Jake. Nakangiti kang pumasok sa kotse nya. I was so jealous kaya kahit tinawag pa ako ni Dad sa pag-alis ko, hindi ko na sya pinakinggan. I looked for you. I saw Jessica and she told me that kanina pa kayo nakaalis. I immediately called you pero hindi ka sumasagot. Hanggang sa out of coverage ka na. And then pumunta ako sa tinutuloyan mo pero I saw Jake's car. Naghintay akong bumaba ka doon because I know nandoon lang kayo dahil nakaandar ang kotse nya! But you dis not come oit of that goddamn car! Kung ano-ano na naman ang iniisip kong ginawa nyo sa loob! My whole being is soccumb with jealousy! Hindi ako nagpakita sayo because I want to kill what I felt for you. Then I realized you are avoiding me. Then I saw you with Jake again. You were always happy with Jake so hindi ko na pinagpatuloy ang plano kung suyoin at kalimotan ang gabing iyon. And bytheway, nagkatuwaan ang barkada sa pustahan na iyon pero wala naman talagang nagseryoso. Kinalimotan lang iyon ng mga kaibigan ko. Pinagtripan lang ako. At nakalimotan ko na rin ang pustahan na iyon. How did you know?!"

"Jessica." Mas okay na iyong inamin nito na may naganap talagang pustahan na usapan kaysa naman ideny nito gayong dinig nya ang ebidensya noon.

"So where were we? Oh, you were always with Jake and Jessica were always there for me. Not that Im glad at it, pero kumbaga, talo na ako, pride na lang meron ako, and Jessica was there to help, or so I thought. And then her parents and my parents decided to engage us on a party. Hindi naman ako makatanggi agad sa party na iyon dahil ayaw ko namang may mapahiya. After the party I talk with Jessica and told her that I won't get married. Kaya iyon, para maisalba din nya ang pride ng pamilya, nagpapublic display ng relationship nya daw sa isang artista. It was okay with me. Lot's of interviewers want to interview me, minsan naiiwasan, minsan nakakalusot din sila. But Bae, gusto kung ipaalam sayo, I don't have or I didn't have a girlfriend. Gusto kong e-categorize yong sa atin na gf-bf stage pero wala ding ganoon dahil hindi ako kailanman nakapagsabi sayo. Naduduwag ako."

Hindi nya maiwasang mapangiti sa sinabi nito.

"Ang daming rumored gf mo na models or artista. Kung saan-saan kayo nakikita. Minsan pa nga talagang kissing scene nyo pa ang cover ng magazine!"

"Should I be glad that you stalked me?!"

"Hmp!" Irap nya dito kahit nakatalikod sya dito.

"I stalked you for awhile. Kahit pa sinabi ni Jake na magkakanak na kayo, I still stalked you. Pero noong kitang-kita na talaga sa IG posts mo na malaki na ang tyan mo, I stopped. Kasi I saw you smile on that picture. Sabi ko sa sarili ko stop na. Because if you love a person you are happy if she is happy. And I saw you're genuine smile that made me stop. I did stop stalking but I never stop loving you. Kahit alam kong wala namang katugon iyon."

Bachelor's Series 3: TristanWhere stories live. Discover now