Just Happened 1

24.8K 386 26
                                    




***

                 

It's been almost two months.

Forty days to be exact. Apatnapung araw mula ng mawala si Ethan sa akin. It was really hard for me and until now mahirap pa rin siyang tanggapin but I am moving on, sabi nga ni Ethan sa five stages of loss and grieving, acceptance ang pinakamasarap na pakiramdam. I'm almost there,na tanggap na tanggap ko na. I have to go on with my life, yun ang ipinangako ko sa kanya, ang mabuhay at magpatuloy sa buhay para sa anak namin.

Sabi nga nila ang pinakamasakit ay ang mawala sayo ng tuluyan ang minamahal mo. But I am accepting it, yun ang itinakda ng Itaas, I don't have any regret at all na makilala ko siya, dahil sa kanya meron akong isang buhay na inaalagaan sa sinapupunan ko.

Halos araw araw akong pumupunta sa himlayan ni Ethan, I still find my comfort there, sa kanya ko pa rin sinasabi ang mga importanteng ganap sa buhay ko o ng malapit sa kanya.

I became closer with his siblings especially Eliza. Para akong nagkaroon ng instant na kapatid na babae na mas bata sa akin. Mabait ang pamilya ni Ethan, lagi nila akong isinasama sa mga family events nila kahit simpleng family dinner lamang iyon. Madalas din ang pangungumusta nila, I find comfort with them bukod sa sarili kong pamilya ng panahong nagluluksa ako.Palagay ko ay ganundin din sila sa akin na dala ko ang nagbibigay ng koneksyon sa kanila kay Ethan.

"Are you ready anak?" tanong ni Mommy ng nakagayak na ako.

"Opo" sagot kong kinuha ang handbag ko.

"Sorry anak, hindi kami makakapunta ng Daddy mo" ani ni Mommy na humawak sa magkabilang braso ko. Ngumiti ako.

"It's okay 'My, naintindihan ko" sagot ko. Yumakap ako, sa kabila ng lahat ng naganap sa akin ng mga nakaraang buwan, nagpapasalamat ako sa pagmamahal at suporta ng pamilya ko sa akin. They were with me the whole time na nagluksa ako hanggang pagaalalay sa pagbubuntis ko.

"Nag alay na kami ng dasal sa simbahan this morning and tumawag na rin ako kay Neri para humingi ng dispensa" aning muli ni Mommy.

Tumango ako.

"Maaga rin akong bumisita kay Ethan 'My, sinamahan ako ni Ate Serena bago siya pumasok ng duty niya" ani ko pang muli.

"Nakuha mo na ba lahat ng kailangan mo?" tanong ni Mommy na inabot ang isang tote na overnight bag ko.


Medyo malayo ang ancestral house nina Ethan, kaya pumayag akong doon magpalipas ng gabi para hindi na ako mapagod sa biyahe pabalik ng Maynila.

"Andyan na ang sundo mo" ani ni Daddy na pumasok rin sa kwarto ko.

"Ang aga ni Rico" ani kong nagmadaling tumingin sa salamin.

"Si Caleb ang nasa ibaba" sagot ni Daddy na tinanguhan ko. Ang alam ko si Rico ang susundo sa akin, madalas ko ring nakakausap si Rico, at medyo madalang kay Caleb, ang alam ko lamang ay masyado siyang abala sa Construction business nila na siyang namamahala magmula ng nagkasakit si Ethan.

Bumaba akong nadatnan itong nakaupo sa sofa. Ngumiti ako ng tumingala ito ng tingin.

"Tara?" tanong kong tumayo ito na inabot na kinuha ang dala kong overnight bag kasama ang pinadala ni Mommy na pagkain para kina Tita Neri.

Nagpaalam muna siya kina Daddy bago kami tuluyang lumabas.

Iginiya ako nito sa harapan.

"Thank you" ngiti ko ng pinagbuksan niya ako ng pinto. Tumango lang itong seryoso muli. Napailing ako, mukha siyang laging pinagsakluban ng langit at lupa. Siguro stress sa maraming trabaho.

Just Happened (sequel of You Happened )Where stories live. Discover now