34. Unang Hakbang

Start from the beginning
                                    

“Nga pala, would you know kung luluwas si Nile dito sa sembreak? Kita-kita naman tayo,” paanyaya nito at sa tono ng boses ay tila nangungulila na rin ito sa dating samahan nila. “Kinukulit na rin ako ni Aaron eh.”

“Sa’n pala nag-aaral si Aaron?” usisa ni Clarisse.

“Sa Ortigas. Sa UA&P,” sagot naman ni Ray. “Kailan pala ga-graduate sila Charlie?”

“Sa Sabado na,” tugon niya saka nangahas na magtanong. “Pupunta ka?”

Nag-isip muna nang mataimtim si Ray bago sumagot. “Most likely. Siyempre, ga-graduate na rin si idol. Gusto kong personal na i-congratulate siya. Hindi naman kasi nagre-reply sa text ko eh. Buti nga nakita kita.”

Tumango lamang si Mase at hindi na umimik pa. Hindi rin kasi niya alam kung ano ang bagong numero ni Louie. Sinubukan na rin kasi niyang kamustahin ito matapos niyang dalawin ang dalaga sa ospital subalit nang tinawagan na niya ang numero, hindi na ito nagko-connect. Ayaw rin naman niyang tanungin sa bunso ang number ni Louie dahil baka kung anong isipin nito.

 

“O, pa’no? Text-text na lang ha. Sabihan mo na rin si Nile na umuwi naman. Baka naging taong-bundok na ‘yon,” biro pa ni Ray bago nagpaalam sa kanila ni Clarisse upang sundan ang dalagang sinusuyo nito.

Sinundan pa nila ng tingin ang binata hanggang sa makalapit ito sa kasama bago nagsalita si Clarisse. “Hmm… parang ang laki ng pinagbago ni Ray, ‘no?”

Nagkibit-balikat na lamang si Mase at nagtungo sa mesa kung saan naka-display ang mga librong naka-sale.

Ang totoo niyan, simula nang aminin niya sa sariling unti-unti na siyang nahuhulog kay Louie, binabagabag siya ng isipan sakaling malaman iyon ni Ray. Batid kasi niyang matindi ang tama nito sa dalagang iyon at baka mas lalong mapalayo ang loob nito sa kanya.

Malaking bagay para kay Mason ang malamang naka-move on na si Ray kay Louie.

---

Dumating ang araw ng pagtatapos ng bunsong si Charlotte at tila isang batalyong sumugod sa Uste ang pamilyang Pelaez. Agaw-pansin din ang mga nakatatandang kapatid niya na maya’t-maya’y sinusulyapan ng mga kababaihan. Subalit sa kanilang lima, si Mark lamang ang nagpapaunlak sa pagkaway ng mga dalaga at sinusuklian ang mga ito ng matamis na ngiti.

“Umamin ka nga, ano ba ang ipinunta mo dito? Si Prinsesa o ang pagpapa-cute sa mga babae?” mahinang suway ni Marcus.

“’Ya, tapos nang sabitan ng medalya at bigyan ng award si Charlotte. Anong gusto mong gawin ko? Isa-isang palakpakan ‘yung mga kaklase niya? I’m just being nice to the girls,” katwiran nito bago kumindat sa kung sinumang babae.

“You’re not being nice. You’re just a flirt,” puna ni Chino at sumang-ayon naman si Chad dito.

You’re just envious ‘coz you committed yourself to a girl early than enjoy the bachelor life like me.”

From A DistanceWhere stories live. Discover now