FAN-FICTION: "Na-ilista mo man lang ba ako?"

16.5K 700 166
                                    


FAN-FICTION: "Na-ilista mo man lang ba ako?"

(by DMFVelasco | Edited by: Filipina) 2016


"Ano?! Kasalanan ko na naman ba, Princess?!"

"Palagi ka na lang ganyan! Galit pag nagtatanong ako!"

"Palagi ka nalang kasing nagdududa! Sawa na ko!"

Naghintay ako ng ilang segundo pero wala na akong sunod pang narinig mula sa labas. Kung kaya, lumabas na ako ng C.R.

Paglabas ko nakita ko si Princess na umiiyak.

"Okay ka---" bago ko pa matapos yung tanong ko ay umalis na siya.

Binalak ko siyang sundan pero ang bilis niya.

Pero mabilis nga ba siya o mabagal lang talaga ako?

Agad rin akong pumunta sa sakayan ng bus para makauwi agad.

Pero ewan ko, ang malas ko lang talaga.

Bakit?

Kasi yung lagi kong hinihintay na kasabay umuwi , wala ngayon. Ang bagal ko kasi eh. Kaya naisipan kong dumaan muna doon sa cafe na parang library din (na malapit lang).

Pagpasok ko, agad kong nakita si Princess sa may sulok na gawi. Hindi naman ako nagulat kasi madalas, ditto siya pumupunta.

Umorder ako ng kape at agad na umupo sa gawing likuran niya. (Bali magkatalikuran kami).

Habang nagbabasa ako, naririnig ko siyang humihikbi at umiiyak. Kaya sabi ko sa sarili ko, lakasan na ng loob 'to.

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Miss, you are very pretty. Don't waste your beauty by being sad," sabi ko sabay abot sa kanya ng tissue.

Hays, nakakainis!

Kung may lakas lang talaga ako ng loob na gawin yun sa kanya, mas okay sana! Kaso wala eh!

Kaya ang ginawa ko na lang, sinulat ko 'yun sa papel tapos sinabi ko sa waiter na paglabas ko doon ay ibigay 'tong sulat at tissue kay Princess. Syempre dinescribe ko at tinuro siya ng pasimple, baka naman kung kanino i-abot eh.

"When love is lost, do not bow your head in sadness; instead, keep your head up high and gaze into heaven for that is where your broken heart has been sent to heal." sulat ko na naman sa kanya na pinaabot ko doon sa waiter nung sumunod na araw.

"Don't worry about losing. If it is right, it happens. The Main thing is not to hurry. Nothing good gets away." sulat ko ulit na lugi na ako kasi binibigyan ko pa ng tip si kuyang waiter.

Pero ayos lang, alam ko kasing ito na lang ang magagawa ko para kay Princess.

Malungkot siya eh. Ilang araw siyang ganun dahil palagi silang nagaaway nung boyfriend niyang si Ervin.

"Mabuti pang maghiwalay na tayo!" rinig ko na naming sabi ni Ervin.

Bakit ba ang hilig nilang mag away sa public place?

Napansin ko namang wala nang nasabi pa si Princess. Wala na siyang nagawa kundi ang umiyak na lang.

Ang sakit tingnan na umiiyak siya.

Hindi ko nga alam kung ano ang sumapi sa akin nun pero hinabol ko 'yung Ervin na 'yon at sinuntok ko.

Halata kong nabigla 'yung Ervin sa pagsulpot ko at kita kong nainis siya sa'kin.

(Oneshot) "Bakit Hindi Mo Ako Nilista?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon