"Tandaan mong hindi ka pa pwedeng mawala dahil gagabayan mo pa silang dalawa sa mga haharapin pa nilang mga problema sa buhay. Hindi ko 'to kayang mag-isa, kailangan mo pa 'kong tulungan." pampalakas-loob ko sa kanya.Malungkot na ngiti lang ang isinagot niya sakin at pagdaka'y nauna na siyang umalis. Pabalik na sana akong muli sa kusina nang makasalubong ko si Ellaine na may dala-dalang mga papel.

"San ka pupunta Ellaine hija?"

"Kay Tristan po, may ididiscuss lang po ako sa kanya about sa company."

Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sinagot.

"Ellaine, may ginagawa pa ngayon si Tristan."

Nakita ko kung pano siya tumingin sa may direksyon ng pool area na para bang alam na alam niyang naroon si Tristan at base sa itsura niya ay parang gusto niyang ipaalam na wala namang kwenta ang ginagawa ng huli.

"P-Pero urgent ho ito Nang, kailangan na ho----"

Hinawakan ko lang siya sa mga kamay niya at seryosong tumitig sa kanyang mga mata.

"Mamaya mo na lang sabihin sa kanya 'yan. Sa ngayon, may pinagkakaabalahan pa si Tristan, Ellaine. Mas mahalaga pa kaysa sa kompanya at kahit na anong pang materyal na bagay sa buhay niya."

Kita ko sa mga mata ng kaharap ko ang pinaghalong lungkot at hinanakit ng sabihin ko 'yun sa kanya, nang mahalata niya siguro na napansin ko 'yun ay nagmadali na itong umalis. May halong pagdududa na napasunod na lang ang mga paningin ko sa palayong direksyon niya.

Sa loob ng ilang dekadang paninilbihan ko sa pamamahay na 'to ay alam ko na ang bawat karakter ng mga nakatira dito. Alam at ramdam ko kung sino ang nagsisinungaling at kung sino ang may inililihim. At kung sino at ano man iyon,ay 'yun ang aking oobserbahan at aalamin.

   

Allison's POV

Pagkatapos naming maligo ng sabay at magbabad ng matagal sa pool ay umahon na rin kami dahil baka raw sipunin pa ako sabi ni Tristan. So pagkabihis namin ay kumain na kami ng tanghalian dahil alas-onse ymedia na noon. Dahil wala kaming pasok na dalawa ay marami pa kaming ginawa maghapon, katulad na lang ng pagbe-bake ng mga cookies sa kusina, naglaro rin kami ng playstation, nagtakbuhan pababa at paakyat sa hagdanan kapag nagkakapikunan, naglaro rin kami ng scrabble 'yun nga lang tawanan kami ng tawanan dahil kung ano-anong kalohokang word ang inilalagay niya, at nang bandang pa-hapon na ay nagpahinga na rin kami. Tila kapwa pagod na magkatabi kaming humiga sa kama at doon masayang nagkulitan, naroong nangingiliti siya at maya't-maya ang pagpugpog niya ng halik sa iba't-ibang parte ng mukha ko. Nakakatuwa lang na maghapon naming kasama ang isa't-isa, na walang minuto na hindi kami magkasama, 'yung tipong naghihiwalay lang kami kapag magsi-cr kaming dalawa.

   

Sana ganito na lang kami araw-araw,pero imposible dahil nagtatrabaho siya habang ako naman eh nag-aaral kuno. Tulad ngayon, nagpaalam siya sandali sakin para pumunta raw saglit sa office room niya dahil may aasikasuhin daw siyang urgent, pano kasi, umepal na naman si Ellaine slash palakang kokak! 'Yung babaeng 'yon, malapit na talaga 'kong mapuno sa kanya! Masyado niyang ipinahahalata na ayaw niya kaming makitang masayang magkasama ng asawa ko. Inggiterang palaka! Ang sarap niyang tuhugin at iihaw sa nagbabagang uling tapos gagayat-gayatin ko siya ng pino at ipapakain sa pusa! Naudlot ang pag-iimagine ko nang biglang mag-ring ang phone ko. Tumatawag si Cassie.

"Oh? Napatawag ka?" bungad ko sa kabilang linya. Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko nang marinig ko ang malakas na tili ni Cassie na para bang kilig na kilig. Nabasag yata eardrums ko.

"Hoy Cassie! Tumawag ka lang ba para tilian ako! Baliw ka ba huh? Huh? Naka-drugs ka yata eh."

   

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Место, где живут истории. Откройте их для себя