Dahil sa mga sinabi ni Glaiza, na isip ni Coleen na baka ito na ang tamang panahon para sabihin kay Glaiza ang nararamdaman niya.

"I think this is the rigth time, para malaman niya na mahal ko siya. Coleen this is it, this is the rigth time tell her kung gaano mo siya kamahal."-She talked to herself. She's now composing herself para sabihin kay Glaiza ang nararamdaman niya.

"Zai may dapat kang malaman. At matagal ko na rin gustong sabihin to sayo."-she said at kinakabahan.

"Ano yon?"-Glaiza.

"Uhmm ... Zai I ... I ..."-hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil biglang nagring ang phone ni Glaiza.

Ring ...
Ring ...

"Wait lang Coleen."-agad niyang kinuha ang phone sa pocket niya. Napakamot naman ng ulo si Coleen dahil naudlot ang pag amin niya.

"Si Rhian?"-Coleen

"No, its Tita Claire Rhian's mom. Sagutin ko lang."-Glaiza

At kaagad niyang sinagot ang tawag.

"Hello Tita? Po? Sige po pupuntahan ko siya, alam ko po kung saan siya pupunta. Sige po ako ng bahala. Okay Tita, bye po."- bakas sa mukha ni Glaiza ang pag aalala na di niya maitanggi kay Coleen.

"What happening Zai?"-Coleen

"Umalis daw si Rhian sa bahay nila ng walang paalam. Kaya kailangan ko siyang puntahan kila Paulo."-Glaiza

"Tara samahan na kita."-Coleen

Kaya agad nagmamadaling umalis ang dalawa para puntahan si Rhian.

Malakas ang buhos ng ulan, nasa labas ng bahay nila Paulo si Rhian. Hindi siya mapakali kaya agad niyang pinuntahan ang ex para makipag ayos.

"Paulo! Paulo please talk to me! Babe kausapin mo ko! Give me another chance!"-sigaw ni Rhian.

Basang basa na siya at halos naliligo na siya sa ulan. Hindi siya tumitigil sa pag sigaw at pagmamakaawa kay Paulo.

"Paulo hindi ako aalis dito hangga't di mo ko kinakausap!"-sigaw niya ulit.

Lumabas ang guard para pagsabihan at pauwiin si Rhian dahil nakakagulo na ito.

"Miss umuwi ka na, wala na dito sila Sir Paulo nag out of town sila."

"Manong saan daw sila pumunta?"

"Walang sinabi pasensya na Miss. Umalis nalang po kayo dahil nakaka abala na kayo sa mga kapitbahay."

When True Love Comes Arrived (COMPLETED)Where stories live. Discover now