"Oh well! Buhay may pagibig, ganun talaga eh. Anyways matagal na din yun. It's been what? 2 or 3 years ago? Ahahaha" napatawa nalang bigla si faye

"2 years. Antagal na nga, eh ikaw naman tong nagopen-up. Bwiset ka! Haha"

"Sigh! Gusto ko nang magkaboyfriend ulit" sabay tingin ni maris sa paligid at tiyak na naghahanap ng isda sa dagat (gwapo) 🙄

"Heh! Mas masarap maging single no!... pero kung fling, okay lang ahahaha!" bigla kong sabi

"Damn right! Haha!"


At nagtawanan kami ni maris na para bang feel at home kami sa bar at para bang kami lang ang tao sa lugar na iyon. Chill and open place kasi talaga ang Honey's bar, hindi tulad sa iba na for party talaga na may sayawang nagaganap. Anyways, Over a year na ata naming kilala yung bar na yun, madalas din kasi kami tumambay at uminom sa bar na yun. Pati mga crew duon, nakasabay na naming uminom at medjo close na namin sila kaya sobrang komportable talaga kami doon.


Time Checked: 10:37am
-->At Inn

"Maris gumising kana! 10am na pala" sabay hawak ko sa ulo ko habang hinahanap ang bag ko, "Shet ansakit ng ulo ko!"

"Fudge! Bat di moko ginising! Naghihintay na pala daddy ko sa mall. Shet!" sabay suot ng shoes si maris

"Luh! Ayaw mo kayang gumising! Lagot ka! Tara na!"

Si maris, isa sa mga barkada ko na sobrang available pagdating sa inuman. We were classmates back then, sa George University, kaso nagtransfer ako ng school dahil sa financial problem that time. Lima kaming magbabarkada na nabuo nuong 1st year college kaming lahat sa GU, sina maris, sarah, jessie, bea at ako. And itong si bea nagstop ng pagaaral dahil sa financial problem at nagtatrabaho sa isang fast food. I have a lot of friends naman, pero sila yung super duper importante sa buhay ko. Char

Start nung nagtransfer ako ng school (3rd year), I don't know how to manage my time anymore, I really don't care that much sa school works and everything. Sabi nga nila, nagbago na raw ako. Ewan ko sa inyo. Haha

Well, may kasabay naman akong nagtransfer dito sa Augustine Medical School, na galing GU, sina kate at chris. Si kate, classmate ko yan sa GU pero retain siya kaya nalungkot ako at ito namang si chris, ang pagkakaalam ko, nagstop siya ng pagaaral at nagstart ulit sa AMS (1st year). So the three of us get along together, minsan nga lang kami magkakasabay kapag free time talaga naming tatlo.

After 2 days...
--> At School ( break time)

***beep beep!***

Andrew: "Bro may humihingi ng number mo. Ayokong ibigay."

Huminga nalang ako ng malalim. At di siya nireplyan.

Classmate ko si andrew sa AMS, siya yuong madalas kong kasama. Everytime kakain ako sa canteen, magyoyosi sa labas ng school, tatambay sa kubo (sa school). Minsan nga kapag umuuwi ako sa bahay para maglunch, sumasama talaga yan para makayosi or makainom ng isang bote ng beer. Baliw talaga.


"Nakakabaliw dito" agad akong tumayo sa upuan ko sa room, at lumapit sa may bandang aircon para naman kumalma ulo ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crush lang kitaWhere stories live. Discover now