Chapter 5

513 6 0
                                    

Chapter 5

Bumalik na nang classroom si Piper at hindi niya pinapansin si Allister. Dumaan ang mga oras at nag-ring na ang bell para sa Recess. Tumayo agad si Piper at sinabi kay Allister  " Sa iba na muna ako sasabay kumain ha...  " at umalis na siya agad. Sa totoo lang wala siyang ibang kasabay na kumain at wala din siyang sinasabi kay Zell. Pumunta na lang siya sa may rooftop. Habang papunta siya doon may mga nakasalubong siyang mga girls na may hawak na magazine at nahulog ito. Pinulot ni Piper at may nakita siyang guy dun sa magazine.

~Rooftop~

Nakakita si Piper nang guy na may kausap sa phone pagkapasok niya sa rooftop. Napakatangkad ng guy na ito parang model lang. Natapos na ang pakikipag-usap nung guy sa cellphone at tumalikod na siya. Ngumiti yung guy kay Piper. Naalala ni Piper yung guy na nasa magazine at nag-isip pa si Piper nang matagal. (Loading...pa eh)

" Ikaw yung nasa magazine!? Tama ba? "  sinabi ni Piper.

" Yup, ngayon mo lang ba nalaman? Naaalala mo pa ba ako? Parang kanina nga lang tayo nag-usap... "  sinabi ni Leo.

"  Leo? Ikaw yung naka-usap ko kanina?!  "  tanong ni Piper.

" Yup...? "  sinabi ni Leo.

" Nababaliw na ata ako...Parang kakaiba yung itsura mo kanina...  " sinabi ni Piper habang may iniisip siyang itsura ni Leo kanina. ( Katamtaman lang yung height, ayos lang din yung mukha at hindi naman ganun kagwapo  )

Tumawa na lang si Leo dahil sa mga pinagsasabi ni Piper. Nagkwentuhan na lang sila at nag-share pa sila nang pagkain. Nalaman ni Piper na second year na din si Leo at kasabay nang pag-aaral model din pala siya ng madami nang kilalang brands. Naging magaan agad ang loob nila sa isa't isa.

~Dismissal~

Nasa may school gate na si Piper at narinig niyang may tumatawag sa pangalan niya. Pagkatingin niya nakita niya si Allister na tumatakbo at hinahabol siya. Hinawakan ni Allister ang kamay ni Piper pero bumitaw agad si Piper dito. Nagulat si Allister sa ginawa ni Piper at samantalang naalala naman ni Piper ang nakita niya kanina sa hallway.

" Kanina ko pa nahahalata ah..Iniiwasan mo ba ako? May nagawa ba akong mali? "  tinanong ni Allister.

" Hindi mo na kailangan malaman pa...basta! Aalis na ako! " sinabi ni Piper.

Pinigilan siya ni Allister at nakita ni Piper na seryosong-seryoso ang face ni Allister. Allister said       " Do you want to cool-off ? "   Nagalit at nagulat si Piper sa sinabi ni Allister dahil, parang inamin na din ni Allister na may nagawa nga siyang mali. Hindi siya makapaniwalang sinabi yun ni Allister. Bumitaw na si Piper kay Allister at umalis na siya. Umiiyak siya at nakabungo siya nang guy. Tiningnan niya kung sino yung nabunggo niya at alam na niya kung sino 'to. Niyakap niya ito.

End of chapter

The Heartthrob + The Nerd = Love? (Book 3 of MHFFAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon