Chapter1: One of Them

260 3 3
                                    

Chrystin's POV

Yohoo! Here we go again, First day in Highschool Again. Gising na ako pero nakatalukbong parin ako sa Kumot ko. Bagong lipat lang ako sa School na St.Claire's Academy. 3rd year Highschool na ako ngayong pasukan.

"Hoy Abnormal kong Ate! Tumayo kana nga jan!" Sabay pang gugulo sakin ng Kapatid kong si Chrystale.

"Ano ba! Hoy Tala! Lumabas kana nga dito sa kwarto ko!" Sumbat ko sakanya sabay hampas ng Unan.

"Wag ka nga! Late ka na oy!" What?! Late na ako? Matignan nga orasan. What theeee! 6:45 na! Maliligo at kakain pa ako eh.

Naligo na ako agad tapos Nagbihis at Bumaba na. Nakaalis na pala yung magaling kong kapatid. Tsss. Late na talaga ako, 7:05 na eh.

"Hoy Gurang! Kumain kana kasi late kana!" Sigaw saakin ni Mama.

"Di na ako kakain. Bye maaa!" Lumabas na ako ng bahay at narinig ko pang nagsusumigaw si Mama.

Nagmadali akong pumasok tapos Nagvibrate ang phone ko kaya hinalungkat ko sa bag ko. Sa Minalas ba naman may nabangga ako. New Student pa naman ako dito, baka mapagalitan ako nito kasi Late ako. Badtrip!

"Hoy! Tanga kaba!? Tumingin ka nga sa Dinadaanan mo!" Sigaw nya sakin sabay talikod at naglakad na paalis.

"Hoy lalake! Unang-una sa lahat may pangalan ako noh! At Pangalawa sa lahat Hindi ako tanga!" Sigaw ko sakanya pabalik tapos huminto siya. Tumingin siya saakin at tiningnan ako ng masama.

"Pake ko ba sa Pangalan mo ha? Tanga ka naman talaga eh!" Sabay irap saakin. At nagsimula ng maglakad ulit.

Pinigilan ko siya sa paglalakad ng hinawakan ko ang Braso niya.

"Ah-eh. S-sandali nga lang." Pagpipigil ko sakanya. Sungit naman masyado ng lalaking to.

"Pwede ba? Late na ako!" Tapos tinanggal niya kamay ko at Naglakad na siya ulit.

Tinignan ko lng siyang naglalakad palayo. Tama! Late na ako! Takte naman oh! Pumasok na ako sa Classroom ko.

"E-excause me, Im sorry Im late Miss Javier."

"Okay, Are you New here?" Pagtatanong saakin ni Miss Javier. Siya ang adviser namin kaya hindi pa nagsisimula ang Pasukan nakasulat na ang pangalan ng Section at Pangalan ng Adviser namin.

"A-ah, Yes Miss." Pagsagot ko sakanya.

"Okay take your seat beside Mr. Tristan Gomez." Nilibot ko ang buong Classrom at Nakita ko na yung pwesto na Tinuturo saakin ni Miss Javier.

Umupo na ako. Sinilip ko yung mukha ng katabi ko. Siya?! Yung ubod ng sungit!

"Baka matunaw ako nyan?" Pagtatanong niya na ikinagulat ko naman.

"H-ha? A-Ah. Kapal mo!" Pagdedepensa ko.

"Tsss. Ikaw naman Tanga!" Aba! Buiset tong lalaking to ah!

"By the way, New student. Can you introduce yourself to us?" Itinuturo ako ni Miss habang nagsasalita siya.

Tumayo ako at nagpakilala.
"A-ah. Hi Everyone. I'm Chrystin Padillo. I'm from Xavier University. You can call me Tinn." Pagpapakilala ko sa lahat.

"Ahhh, Okay. Class, Respect her ha? And Mr.Gomez.." Sabay point kay Tristan.

"Yes Miss?"

"Can you assist Ms. Padillo?" Para san daw kaya? Pssh.

"Okay Miss." Lecheng Tristan to! Di man lang tinanong? Psssh.

"Hoy Sungit! Para san daw yun?" Pabulong kong tanong sakanya.

FriendsEverWhere stories live. Discover now