chapter 2 ipag-luluto kita

30 0 0
                                    

Nandito na kame sa mall, ewan ko kung anong bibilhin nya dito.

Habang pinag mamasdan ko sya ay lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya bagay naman na hindi ko kayang ipag tapat sa kanya. tsk kainis!!

"Ted ano ba!!?" nagulat ako sa kanya, bigla syang sumigaw eh.

"h-huh?? ano ba un?"

"hindi ka kase nakikinig sa akin eh, kanina kapa naka tulala at nakatingin lang sa akin." pag sabi nya nun ay parang nakaramdam ako ng hiya. ako nakatulalang nakatingin sa kanya?

"ah eh a-ako? n-nakatingin sayo?"

"oo nga! para kang ewan ano po?"

"ha-haha.. ano ba ung sinasabi mo?"

"am wala kang naaalala sa araw na to?" tanong nya.

Ano nga ba ang meron sa araw na to? hmmmm???

"wala?"

"tsk! nakakainis ka talaga!" sabi nya. mukang nagalit ata. siguro merong mahalaga sa araw na to.

"wala talaga akong maisip eh." sagot ko. sa ewan ko naman talaga eh.

"ika walong anibersaryo na po natin ngayon po oh.. nakalimutan mo nanaman po oh."

Oo nga pala!! taon taon ko nalang nakakalimutang universary namin.

"siguro wala akong halaga sayo kaya hindi mo magawang maalala ang aniversary natin bilang mag bestfriend." dag-dag nya at ginawa nya ang papolar na pag papa-cute sa wattpad stories.

"ah eh.. wag ka ng malungkot.. hindi naman sa ganun Che. ah ano lang nakalimutan ko lang pero hindi ibig sabihin nun ay wala ka na halaga sa akin... wag ka ng mag pout dyan oh" sabi ko. kase naman eh..

"huh? hahaha joke lang. teka anong problema sa pag pout ko?"

"w-wala.. ikaw talaga hahaha. am anong plano mo? tara kain nalang tayo sagot ko." naguluhan ako dun ah.

"ayaw!"

"amusement park?" tanong ko,ayaw nya kasing kumain eh.

"ayaw!"

"theme park?" ayaw nya rin sa amusement park eh.

"hm hm" sagot nya habang nag l-left ang right ang ulo nya.

Para sakin napaka cute nya habang ginagawa nya un. kahit nga ata simpleng pag kilos lang eh nabibighani na ako. hahaha

"huh? ayaw mo padin?? ammm ano kaya....ahhh alam ko na!!!.." hindi ko natapos ang pag sasalita ko ng sumingit sya.

"ipag luluto kita!!" nakangiting sabi nya sa akin.

ngayon ko lang napansin nasa market pala kame ng mall na to.

"ah mag luluto ka pala!! h-huh?? m-mag l-luto ka?" lagot nanaman ang panlasa ko nito.

"bakit parang ayaw mo? masarap naman lito ko ah." tas bigla syang nag pout nanaman. sino ba nag pauso ng pout? ito ata ang kahinaan ko eh

"ah h-hindi ah.. masarap naman luto mo ah, tara!! ano ba kekelangan natin?

Bigla naman syang napangiti sa sinabi ko.

Tulungan nyo ako!!! kase pag nag luluto sya laging sablay, kung hindi hilaw,sunog. kung hindi maalat, matabang... yari ako dito sa bespren ko nito. ayaw ko naman tanggihan sya. alam ko na tutulungan ko nalang sya para naman hindi gaanong matorture ang panlasa ko. sorry Che ah ang bad ni bespren sayo.

Pag tapos nun ay hindi na kame bumalik sa school at dumiretso na sa bahay nila.

"goodafternoon tita!!" nakangiting bati ko sa momy ni Chellsea.

"oh Ted, ijo.. napadalaw ka?" tanong ni tita sa akin.

"am momy.. ipag luluto ko sya kase 8th aniversary po namin ngayon eh." pag singit ni Che ay hinila na nya ako sa kusina.

"ano ba lulutuin mo Che?" tanong ko.

"sinigang!! diba favorite mo un??" sagot nya.

Sa totoo lang sobrang naaapreciate ko ang mga ginagawa nya.

"ah oo naman! alam mo naman un eh." sagot ko.

Nag simula na kaming mag luto.

"ui Che teka!!" ako

"ano??"

"ang dami mong asin na nilalagay eh. saka patis lang pang kumpleto ng alat nyan."

"ah ganun ba? sige." sagot nya.

"uy bakit mo binuhusan ng patis eh nilagyan mo na ng asin yan eh. adik kaba sa alat?" tanong ko. pano ba naman nilagyan na ng isang katutak na asin tas binuhusan pa ng patis.

"eh sabi mo pang kumpleto ng alat ang patis." sagot nya na tila hindi nya alam kung ano ba ang tama sa mali.

"oo nga, pero may asin na eh.. mag kagalit ba kayo ng kidney mo.?" grabe tong bestpren ko eh. madamihinan nalang ng tubig to para mavawasan ang alat.

Natapos namin ang sinigang. sa tingin ko ayos naman sya. hehe durog nga lang ung gulay kase sinabay nya sa pag papalambot nya ng karne.

"kainan na!!!" sigaw nya ng matapos kaming mag hain.

Humigop sya sa mangkok nya ng sinigang.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"grabe Ted!!! ang sarap ko talagang mag luto" naka ngiti nyang sabi.

"ah hehehe.. oo naman. kaya nga favorite ko ang mga luto mo eh. hehe" nako kung hinayaan ko lang sya malamang umiiyak na ang dila ko ngayon.

"talaga.. yehey!!  yaan mo lagi na kitang ipag luluto. kain na tayo!!" sabi nya ng may galak.

Mukang mali ako sa sinabi ko ah.. igawa mo na ng libingan ang dila mo Ted.

---

vote and comment naman dyan guys.. :(( para sa next chapter

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Bespren"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon