SEASON 1: Chapter 1 (WOTP) Fighting Maids

96.6K 1.7K 231
                                    

Author's POV

Naka-uwi na ang lahat sa kani-kanilang bahay pagkatapos nilang mag-celebrate ng pagbabalik ng Kings, Queens at Princesses. Pero hindi kasama ang dalawang mag-bestfriend dahil nga sa nauna na sila.

Kasalukuyang nag-aayos ng gamit ang lahat ng tao sa bagong bahay ng Kings, Queens at Princesses. Magkakasama pa rin sila sa isang bahay kahit noong nasa Japan sila para mag-training si Annie at Thalia. Hindi sila naghiwa-hiwalay kahit saan sila magpunta.

"Guys, LOG (Land of Gangsters) just called. Someone wants to have a fight with the princesses," sabi ni Krissa habang hawak hawak ang telepono.

Tumigil sila Charles, Daniel at Kath sa inaayos nila at napatingin kay Krissa.

"Sino daw, Krissa?" tanong ni Kath.

"Anonymous caller. Pero sabi lalaki daw," sagot ni Krissa sa kanila.

"Lalaki? I'm expecting a girl. You see, for the Gangster Princess title," sabi ni Daniel.

"Let's talk first with our daughters about that," sabi ni Charles.

Umakyat sila sa taas at kumatok sa pintuan pero walang sumasagot.

"I think they're asleep," sabi ni Krissa.

Kumatok ulit si Charles. "Princesses, I know you're both awake. Please open the door." medyo nilakasan niya ang boses nito. Pero hindi pa rin bumubukas ang pinto.

Simula nung iwan sila ni Chael at Luke, naging matigas na ang ulo ni Annie at Thalia. Madali na din silang mainis kapag pinipilit sila sa mga bagay na ayaw nila.

Si Daniel naman ang kumatok sa pintuan. "Annie and Thalia, Come on girls. Open this door. We have something to talk to the both of you about." Ngunit wala pa ring nangyari. Napabuntong hininga na lang ang Kings at Queens.

"Let's get the key na lang. Maiinis na naman ang dalawang iyan kapag pinilit natin sila." sabi ni Kath at nagmamadaling kunin ang susi sa baba. Nang makabalik na si Kath ay binuksan na nila ang pintuan. Nakapatay ang ilaw at sobrang dilim ng kwarto.

Binuksan ni Charles ang ilaw at nakita nila na nakahiga ang dalawang mag-bestfriend sa kama. Lagi na rin magkasama sa iisang kwarto ang magbestfriend at magkatabi sa kama.

Lumapit ang Kings at Queens sa dalawa. Nakatalikod parehas ito sa Kings at Queens. Umupo muna ang kanilang magulang sa sofa doon malapit sa kama.

"Anak, alam naming gising pa rin kayo." sabi ni Krissa pero wala pa ding kibo ang princesses.

"Hindi ba kayo masaya na bumalik na tayo dito sa Pilipinas? Annie at Thalia, nandyan ang Silent Trickers para pasayahin kayo. Sana lang ay huwag niyo silang ipagtabuyan. Please, bumalik na kayo sa dati." sabi ni Krissa kasabay ng pagpatak ng luha nila ni Kath.

Madalas na umiiyak ang kanilang ina dahil sa nangyayari sa kanilang anak. Talagang malaki ang pinagbago ng dalawang magbestfriend maski ang kanilang mga magulang ay nahihirapan at naaawa sa sitwasyon ng kanilang anak.

"Namimiss na namin ung masayahing Annie at Thalia. Hindi ung malungkot at galit na tulad ninyo ngayon." sabi naman ni Kath. Hinawakan naman ni Charles at Daniel ang kanilang asawa sa balikat nito at ngumiti ng malungkot.

"Princesses, we want to inform you that someone wants to have a fight with the both of you. It's up to the both of you kung gusto niyo pumayag. It'll be tomorrow sa LOG at exactly 12 noon. We'll be waiting there. Goodnight, girls. Come on, guys." sabi na lang ni Charles. Hinalikan muna nila ang kanilang anak sa gilid ng noo bago sila lumabas ng pintuan.

Kasabay ng pagsarado ng pintuan ay ang pagbukas ng mata ni Annie at Thalia at tumulo ang kanilang luha.

MORNING 10:00am

SOG Book 2: Wrath of the PrincessNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ