If Ever Again Chapter 2: Meet Athena Clare

585 11 1
                                    

Athena Claire's POV
Krrrriiiinnggg...

Krrriiiinggg...

Krrrriiinggg...

Ano ba yan nakakainis naman. Gusto ko pa matulog ea, inaantok pa ako. Pinatay ko na lang yung alarm ko. Haisst...kinuha ko na yung cellphone ko at tinawagan si Mommy.

"Hello Mommy, Good Morning."

[Good Morning din anak, so ano have you eat your breakfast?]

" Mommy naman kelan ba ako nagising ng maaga at sa mga ganitong oras ay nakakain na ako? Syempre kagigising ko lang at ikaw talaga ang una kong tinawagan kasi gusto ko lang naman batiin po kayo ng "Happy Mother's Day!"

[Ang sweet mo naman, thank you anak, sorry ha hindi ako umuwi para i-celebrate ang mother's day with you. Ano ba kasing silbi ng mother's day kung wala naman ako sa tabi ng anak ko]

"Mommy naman ea, ang drama mo. Nami-miss tuloy kita."

[Ako din naman ea nami-miss n din kita]



"Kasi naman Mommy hindi lang naman yun lang ang purpose ng mother's day ea. Isine-celebrate ito para mabigyang halaga ang papel na ginagampanan ng isang ina at mapasalamatan sila sa mga ginagawa nila para sa kanilang mga anak.
.
.
.
.
Yung mga sacrifices mo para sa akin, yung pagtupad mo sa responsibilidad mo sa akin, ikaw ang una kong bestfriend, ikaw yung una kong teacher, naging doctor ka na sa akin, make-up artist ko, comedian ko, hairstylist ko, tagapayo ko, Mom lahat ng iyon ipinagpapasalamat ko sa Diyos. Kulang ang isang araw na ito para sa mga nanay tulad mo kaya araw-araw kong ipinadadama sa iyo na mahal na mahal na mahal kita."

[Anak, thank you talaga, mahal na mahal din kita. Kahit anong sakripisyo ko gagawin ko talaga para sayo kasi makita ko lang na maayos ka at masaya ka napapawi na ang lungkot at pagod na nararamdaman ko. I love you anak. Sige mauna na ako malapit na mag-start yung meeting ko]








"I love you most Mommy, ingat!!" Binaba ko na yung cellphone at nagpunta na ako sa banyo para maligo.







Pagkatapos kong maligo, bumaba na ako ng hagdan at
kumain ng agahan.



Pagkatapos kong kumain ay nag-ayos na ako ng aking sarili at sumakay na ako ng kotse ko at pinaandar, papunta ako sa bahay ng pinsan kong sina Joan Faith at Angel para lang mag-bonding, boring kasi dito sa bahay puro mga maids at butlers ang kasama ko dito, wala naman akong kapatid, si Mommy naman nasa sa San Francisco nagtatrabaho sa malaking commercial company namin doon, tapos si Daddy naman hindi ko alam kung nasaan na. Ewan ko ba sa lalaking yun matapos anakan(sorry for the term hah) si Mommy iiwan lang niya. Mula nung malaman ko yun kay Mama kinamumuhian ko na sya. Naiinis ako sa kanya. Kaya eto ako ngayon mag-isa. Buti na lang mabait yung tita ko kaya anytime pwede na akong pumunta sa kanila, dapat feel at home daw ako sa kanila, parang mommy ko na din sya at parang kapatid ko na yung mga pinsan ko.



Madrama man ang buhay ko pero hindi ako katulad nung iba na nagagalit sa kanilang parents na nawawalan na ng time sa kanilang anak dahil sa trabaho, pero ako kasi naiintindihan ko si Mommy. Natutuwa nga ako sa kanya kasi nakalista na ang mga important events ko at namin para nama-manage nya yung schedules nya para hindi matapat sa mga events na yun at everytime na wala syang ginagawa tinatawagan niya ako, minsan kapag hindi talaga sya makakauwi naiintindihan ko naman sya, sino ba naman kasi ako na wala naman sa posisyon nya na pilit pinagsasabay ang trabaho at pagiging ina tapos pag-aalaga pa sa sarili, iisa lang naman sya at hindi nya magagawa yun ng sabay-sabay talaga at one time, kaya ini-intindi ko sya. Mahirap din naman kasi ang trabaho niya dun kaya ako bilang anak ay pinagbubuti ko na lang ang sarili ko at ang pag-aaral ko.

Fourth year college na ako this coming school-year at almost twelve years ng ganito ang takbo ng buhay ko. Sanay na ako pero masaya naman.





Habang nasa ganito akong pagmu-muni muni ay di ko namalayang nakarating na pala ako sa bahay ng mga pinsan ko at agad naman akong sinalubong ni Faith.

"Hai bhest couz!!!(sabay yakap niya sa akin)good morning!!!"

"Good morning din bhest couz, si Angel asan?" sabi ko naman habang naglalakad kami paloob ng mansion nila.

Oo mansion talaga to kasi ang laki-laki talaga at ang lawak-lawak.

"Nasa loob pa, naliligo kagigising lang kasi," sabi niya.

"Uhhh...okay," sabi ko habang tatango-tango.




Maganda din itong kabuuan ng bahay nila pero hindi naman sa nagmamayabang mas malaki at mas maganda pa din yung mansion namin. Malalaki talaga yung mga bahay namin kasi ang yaman-yaman ng lolo namin, at nang mamatay ito ay ipinamana lahat kina Mommy ang kayamanan at ari-arian nila apat lang kasi silang magkakapatid pero namatay din yung isa kaya tatatlo na lang sila. Ipinamana kay Mommy ang tatlong kumpanya dito sa Pilipinas at isang pinakamalaking kumpanya sa San Francisco, kay Tita (mommy nila Faith) ipinamana sa kanya yung dalawang malls at tatlong resorts, at sa isa kong tito na tumandang binata ang dalawang malalaking villages at labindalawang ektaryang lupain sa probinsya namin.

"So saan tayo ngayon?" tanong ko kay Faith.

"Sa resort namin sa probinsya, di ka pa nakakapunta dun di ba?
Magka-camping tayo sa isang isla dun isasama natin si Angel at Mommy kasi Mother's day treat namnin sa kanya at yung dalawa naming maids para naman may kasama tayong matanda di ba?"

"Seems exciting, camping in an island. Island hopping? Game ako dyan. So ilang araw tayo dun?" tanong ko.

"Mga three days camping sa island tas four days stay sa resort."



Umupo naman kami sa sofa at sakto namang bumaba si Angel sa kwarto niya na kaliligo nga lang.


"Hai Ate Athena! Good Morning!" masigla nyang bati. Ate talaga tawag nya sa akin kasi I'm her elder cousin. Panganay kasi si Mommy sa kanilang magkakapatid at sunod yung Mommy nila at yun nga namatay yung pangatlo at bunso si Tito na nasa probinsya.

Si Faith naman di sya tumatawag sa akin ng ate kasi magkasing-edad naman kami kaya bhest cousin ang tawagan namin. Pinipilit nila Tita na tawagin nya akong ate ea ako naman ang may ayaw magmu-mukha akong masyadong matanda kahit na magka-edad lang naman kami.

"Good Morning din Angel."
"Ate samahan mo kami ni ate Faith sa mall mamimili tayo ng mga kakailanganin natin sa camping," sabi niya.

"Ah..okay...kotse ko na lang gamitin natin."
"Oo nga sayang din sa gasolina kapag yung sa akin pa ginamit natin, uso din magtipid ngayon kaya kailangan ko ding makiuso." sabi ni Faith.

"So, pano, tara na?" sabi ko.
"Tara.."
"San kayo pupunta?" tanong ni Tita na kagagaling lang sa balcony.

"Mom sa mall lang mamimili lang ng gagamitin natinsa camping," sabi ni Angel.
"Ah...sige ingat kayo ha, sinong magda-drive?"
"Ay, ako po Tita don't worry mag-iingat naman po ako babalik din po agad kami pagkatapos naming mamimili," sagot ko.
"Sige na Mom, bye!" sabi ni Faith sabay beso namin sa kanya at umalis na kami.

If Ever AgainWhere stories live. Discover now