❤❤❤BONUS 6: OPLAN MASABI KO SAYO❤❤❤

Start bij het begin
                                    

Halos paiyak na ko dahil nasasaktan din ako nahihirapan na hindi ko masabi sakanya ang lahat ng ito...

"S-Samuel?"

Napadilat ako at napalingon sa nagsalita... Nakangisi ang mga babae kong katropa na sina Megan at itinulak lang nila papalapit si Samiera sa akin at namumula lang siya.

Shit lang. Shit shit shit a-anong gagawin ko nawawala na naman yung sasabihin ko! Ang bilis ng tibok ng puso ko! Agh!

"Guys mag lakad kaya muna kayong dalawa dun kasi mag aayos pa kami tutal wala naman kayong matutulong kaya umalis nalang kayo"

Pagbasag ni Therese sa ka-awkwardan na atmosphere.

Nagtinginan kaming dalawa saglit at agad ding napaiwas...

Hindi ko na alam kung anong naisip niya kasi sumama siya sakin sa paglalakad malapit sa dalampasigan...

***

"N-narinig mo ba yung k-kaninang s-sinabi ko?"

Tanong ko sakanya habang naglalakad kami...

"Hindi eh... Narinig ko lang yung sinigaw mong ayaw mo siyang mawala... M-may girlfriend ka na naman ba?"

Napayuko siya ewan pero parang ang sakit kasing nakikita siyang malungkot

"W-wala... Wala akong babaeng pinaglalaruan simula nung may nagsabi saking babae na maling gawain ang ginagawa ko..."

Ikaw ang nagsabi non, hindi mo ba natatandaan? Sinipa kinurot at piningot mo pa ko kada nahuhuli mo kong may kasamang babae kasi alam mong pinaglalaruan ko lang sila... Ang totoo ginagawa ko silang distraction dahil nahuhulog na ko sayo.

"Ahh t-that's good, s-so yung b-babaeng nagsabi sayo... K-kamusta na kayo... Sana maging kayo kasi alam mo na aalis na ko, dapat pahahalagahan mo yung babaeng yun ah! Wag mong lokohin wag mong paglaruan hindi na kita mabubugbog sa mga kalokohang ginagawa mo... Kaya kung sakaling mahulog siya sayo at mag confess wag mo nang pakawalan..."

Nakikita kong umiiyak siya napahinto kami sa paglalakad... Nakayukong umiiyak siya...

"Samiera..."

Bulong ko sakanya gusto ko siyang yakapin bakit siya umiiyak...

"O-okay lang ako, dont mind my tears nadadala lang ako sa tuwa kasi may gusto ka nang babae... Si-sige Samuel aalis na ko kasi ilang days lang ako—"

Napatikom ko siya sa pagsasalita dahil hinila ko siya papalapit at hinalikan.

Itinulak niya ko papalayo sakanya at humagulgol siya.

"Bakit Samuel! Bakit mo ginawa yun?! Hindi mo ba alam na mas lalo akong nahihirapan!! Wag mo naman akong paasahin! Oo na natalo na ko! Ako na yung talo! Hindi ko na kasi mapigilan na mahalin ka! Leche! Bakit kasi napaka pafall mo... Pati ako naloloko mo!"

Kanina pa niya ko pinaghahampas pero imbis na malungkot ako natuwa ako... Napangiti ako at tuluyang umagos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan... Agad ko siyang yinakap at ikinatahimik niya yun.

"S-Samuel B-Bakit ka umiiyak... At ano ba! Bat mo ko yinayakap! Tigilan mo na nga ako! Hindi ko na mapigilan na mahalin ka—"

"Wag mong pigilan yung sarili mo.

Mahalin mo lang ako at mamahalin lang din kita... Samiera ikaw yung babaeng tinutukoy ko."

Nakalas ang pagkakayakap ko sakanya at litong lito siya.

Tears was still flowing napaupo ako sa buhangin at nakatingala sakanya.

"I loved you ever since we met,

I played with other girls cause i wanted to be distracted naduduwag kasi ako Sam na baka pag sinabi ko sayo yung nararamdaman ko baka pagtawanan mo ko baka akalain mo na hindi ako seryoso at baka ireject mo lang ako...

Pero now hindi na ko matotorpe. MAHAL NA MAHAL KITA SAMIERA ROXAS! Please wag ka namg umalis... Wag kang pumunta ng states, be my girlfriend hindi kita sasaktan hindi kita paglalaruan pagtritripan kita pero hindi kita paglalaruan at iiwan.

Gusto kong mapasakin ka liligawan kita araw araw kahit corni pa yung jokes ko papatawanin kita... S-Sam wag mo lang akong iwanan...

W-wag mong—"

Hindi ko alam na nayakap na pala niya ko...

I was crying scared of losing her scared of losing not even fighting...

"Shh tahan na..."

Bulong niya sakin. Yinakap ko siya nangmahigpit...

"Im sorry Samuel ayoko na..."

Napatingin ako sakanya at lalo akong naiyak tumawa naman bigla siya...

"Ayoko nang pumunta ng states.

Ayoko na ring magpangap pa...

Samuel Perez I love you too. Ako din naduwag sorry ... Pero—"

Hinalikan ko siya sa noo niya napangiti ako at yinakap ko nalang siya.

"Akin ka na. Dahil pinaiyak mo ko dapat sasagutin mo na ko ngayon na rin."

"ANO?! Kapal ng mukha neto! Di ka pa nga nanliligaw eh!"

Nagtinginan kaming dalawa at parehas na napangiti

"HAHAHAHAHAHA"

Parehas nadin kaming natawa...

Maybe love isn't such a bad thing at all, maybe if you take some risks it may lead you to a happily ever after and sometimes it may lead you to your bad ending.

Pero sa natutunan ko,

Mas magandang sumugal at mawalan kaysa sa mawalan nang hindi sumusugal.

You lost a fight cause you didn't fought.

Kaya para sayo na nagbabasa nito babae ka man o lalaki wag kang magpakaDUWAG.

Subukan mong sumugal kahit malabong makakuha ka ng happily ever after. At least diba nag try ka?

Mas maganda nang nag try kahit na epic failure ito.

***

PAKASALAN MO KO MR. ANTIPATIKOWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu