Chapter 10: Identity

585 20 13
                                    

Okay lang ba siya? Masakit ang ulo niya, ngunit dahil hindi niya type mag inarte ngayon kaya iba ang lumabas sa kanyang bibig.

"Oo naman! Ako pa?!"

Nakita niya ang pagbuga ng hangin ni Jairus na tila nabunutan ng tinik sa narinig. Naramdaman nito ang bapor na paghila ni Miles sa kanya.

"Gwapo." Bulong nito. Ngumiti ito at hinarap ang lalaking tinutukoy. "Magkakilala kayo ni Sharlene?"

"Yes," Preskong sabi ni Jairus dito. "Name's Jairus, and you are?" May nakakaloko pa siyang ngiti sa mukha na siyang nakakapanghina ng tuhod ng sino mang babaeng titig. Maginoong inilahad nito ang kamay upang makapagpakilala ng maayos.

Mabilis na inabot ni Miles ang kamay niya at ngumiti ng malapad. "Miles, teka, parang pamilyar ka." Kunot noong tanong nito na ngayon ay nakapamewang na.

"Nakapunta na kasi ako dito noon."

"Di mo lang siguro naaalala ate, ooder ka?" Tanong niya kay Jairus.

"Just want to check on you, but since I'm here, mag oorder nalang ako."

Di inaasagang tumili si Miles sa gilid nang marinig iyon kay Jairus. Naguumpisa nanaman itong itulak siya sa kung sinu-sinong lalaki, nagbabakasakaling mapukaw ang natutulog nitong amor sa kabilang kupunan. Kung natutulog man, mukhang wala nang planong magising pa si Sharlene upang bumalik sa kapisanan ng kababaihan. Nasanay na nga lang ito sa pagtutulak ni Miles sa kanya. Umiling siya at hinarap na si Jairus.

"Anong gusto mo?"

"What can you recommend?" Umabante ito upang itokod ang mga braso sa counter. Simpleng akto lamang ngunit naging daan upang mapalapit kay Sharlene sa kabila ng harang na pumapagitan sa dalawa.

"aaayy!" Muling tili ni Miles sa likod ni Sharlene. "Umabante pa!" Nangigili nitong sabi sa gilid niya.

"Frapped, coffee jelly best seller namin." Halata namang binabalewala niya ang narinig sa kasama.

"Then I'll have that."

"Okay, 150Php."

"Tas yung blue berry cheese cake narin yung binigay mo sakin dati?"

Mainam na kinalkula pa ni Sharlene ang lahat ng order gamit ang calculator. "295php lahat." Anya matapos makuha ang resulta.

Inabot ni Jairus itong bayad at kinindatan si Miles sa likod ni Sharlene na syang nagpatili nito ulit. Nagpatuloy lang sa kakatrabaho si Sharlene kahit masakita pa ang kanyang ulo habang si Miles ay nangingiti sa kanyang likoran. Nang makaalis si Jairus, pinagmasdan nanaman ni Miles ito sa malayo. Nakaupo lamang siya sa isang sulok katapat ang salaming sumasakop sa coffee Shop.

"Beh, ang gwapo naman ng kaibigan mo." May maaliwalas pa itong ngiti habang tinititigan si Jairus na ngayon ay pinagmamasdan ang kabuoan ng shop. Inaayos ni Sharlene ang inorder nito, maingat na nilagay ang mga sangkap sa isang signature plastic cup ng Babylons. "Ang swerte mo, napapalibotan ka ng mga gwapong lalaki, si Francis, Paul, si Makisig, si Kobi kahit mataba gwapo din naman ah."

Nahinto sa kakatrabaho si Sharlene sa narinig kay Miles. Imbes ang trabaho ang inaatupag, ang attensyon nito ay nasa dalawang taong malabo pa sa 150 eye sight na magkatuluyan ang pinagkakaabalahan niya. Nakataas ang kilay na hinarap niya ito na para bang may nasabing mali.

"Naririnig mo ba sarili mo?" Ngunit sa halip na sumagot, ngumiti lamang ito ng nakakaloko sa kanya. "Tropa ko yun! Pati yang si Jairus!"

To be Your Lady (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon