"Bilisan mo Jane!"
Umismid ang dalaga sa pagmamadali ng ina. Hindi naman nila kailangang magmadali dahil hindi naman sila isa sa mga commoner. In fact isa sila sa mga kilalang tao sa Seroñio, ngunit mas lalong kinainis ng dalaga ang bagay na ito. Ayaw niya sa mga taong ngayon ay pumapaligid sakanya. Ang mga taong ito ay walang ibang alam gawin kundi ang magyabang at magmalupit sa mga logostia, ang mga pinakamababang uri sa kanilang caste system. Ang caste system sa Seroñio ay nahahati sa tatlong antas. Ang logostia, ang mergumo, at ang hereditaria. Ang hereditaria ang mga may Royal blood. Sila ang nakatakdang mamuno sa Seroñio. Ang mergumo naman ay pumapagitna lamang. Mas mataas sila sa logostia at mas mababa naman sa mga hereditaria.
"Maupo ka muna sa tabi ni Peter, Jane. Kakausapin ko lang ang mga kaibigan ko."
Mabilis na umalis ang ina ni Jane at tumungo sa isang table sa sulok para makausap ang mga kaibigan. Siya naman ay umupo na den sa tabi ng kaibigan niya. Si Peter.
"Para saan ba itong handaan na ito Pette?"
Ngumiti sakanya ang binata at inabot ang isang papel. Binasa ng dalaga ang nakapaloob at duon napagtanto na kasali ang kanyang pangngalan sa mga maaring mabunot. Nilukot niya ang papel at ngumiti nang mapakla. Alam niyang darating din ang panahon na mangyayari ito. Kaya handa na siya kung sakaling siya ang ikakasal sa prinsipe ng mga hereditaria. Binubunot ang mga napiling babae sa mergumo para ipakasal sa susunod na mamumuno kaya hinanda na siya ng kanyang ina.
Kaya pala nagmamadali ito dahil baka mangyari na ang pinakahihintay niya. Ang maging bahagi ang kanyang anak ng Hereditaria.
Tumunog ang mga instrumento para bigyang pugay ang pagdating ng mga Hereditaria. Nasa isang open silang lugar at makikitang maraming nakapalibot na logostia na nakikinood sa pagtitipon. Hindi sila pwedeng makasama sa pagtitipon dahil tanging mergumo at hereditaria lang ang maaring dumalo. Mula sa kanyang upuan, nakikita niyang isa sa mga nakipagsiksikan sa mga nakapalibot ay si Nico logostia. Ang dahilan ng kanyang pagkamuhi sa kinabibilangan na antas at sa mga nakakaangat pa dito.
Nakilala niya ito noong bata pa siya at naligaw siya sa lugar ng mga logostia. Tinulungan siya neto, inalagaan at ibinalik ng maayos sa mergumo ngunit ito pa ang naparusahan ng mga tao dito. Mabait na bata si Nico. Hindi niya sinisi si Jane sa mga parusang binigay sakanya, bagkus mas naging mabait pa siya dito. Mula noon ay laging binibisita ni Jane ang lalaki. Duon niya laging nakikita ang pagmamalupit ng mga tao sa mga logostia. Nagalit siya dito at handang magrebelde ngunit pinigilan siya ni Nico. Hindi nagtagal ay napamahal siya dito at ganuon din ang lalaki. Itinago nila ito sa lahat dahil ipinagbabawal iyon sa Seroñio. Ang mga babae sa mergumo ay para lang sa mga hereditaria. At ang mga babae sa logostia ay para sa mga mergumo. Nginitian ng dalaga ang binata ng mapakla. Nakatingin ito ngayon sakanya at nakangiti. Ang mga ngiting binibigay ng binata ay tila nakakatunaw ng puso. Sa mga ganoong panahon ay gustong itakas ng dalaga si Nico para magpakalayo layo ngunit hindi rin ito maari. Wala silang ibang mapupuntahan.
Itinuon ng dalaga ang atensyon sa nagsasalita sa harap. Bumati ito at isa isa nang tinawag ang mga pangngalan ng maaring mabunot.
"Sophia Cristine Mergumo,
Helena Mergumo
Crystal Jane Mergumo
Kristina Mergumo
Sarah Mergumo."
Tumayo ang mga natawag at pumunta sa harap. Hinintay nilang makapagbunot ang prinsipe. Ang mga ibang babae ay kinakabahan dahil baka hindi sila mabunot ngunit siya ay kinakabahan dahil baka siya ang mabunot.
Tumingin siya sa gawi ni Nico at nakita niyang sumenyas ito ng halik. May sinasabi ito at nagawa niyang basahin ang mga bibig neto.
"Iloveyou"
Tumulo ang luha ng dalaga kaya agad siyang yumuko para maitago ito. Nang iangat niya ang ulo ay nakatingin sakanya ang prinsipe at kasabay neto ay ang pagbigkas neto ng kanyang pangngalan.
