LEVEL 20: Friends, no more

600 11 8
                                    

Ang tagal kong hindi nag-update. Sobra. Nahihiya na ako sa inyo. So ayun, hindi ko na patatagalin pa. Eto na.

--------------

LEVEL 20: Friends, no more

Oenone's POV:

Maaga akong nagising tapos naghanda na din ako papasok sa school. Maganda ang mood ko dahil nga sa "Goodnight" na natanggap ko kay baby Tyrone kagabi. Sana naman walang sumira ang maganda kong araw-- kasing ganda ko.

"GOODMORNING KUYA!"-- masigla kong bati kay kuya Andrei. ^____^

"Morning -_-"-- expressionless niyang sabi habang nag-aalmusal ng tinapay.

Kumuha ako ng isang sandwich tapos pinagkasya ko lahat sa bibig ko. Oo, ganoong kalaki ang bunganga ko. Sabay takbo ko papalabas ng bahay at naglakad na papuntang school. Excited na akong makita ang baby Tyrone ko noh.

Nang makarating na ako sa school, hinanap agad ng mata ko si Tyrone. Sumigaw ako,"BABY TY--"-- pero naputol ang sasabihin ko nang sumingit si Cazie sa unahan ko na siyang ikinagulat ko.

"GOODMORNING BFF!!!"-- bati niya. Nanglaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Ano daw?!?!?! Anong tawag niya sa akin?!?! BFF!?!?!?!

"B-BFF???"-- nagtataka kong tanong sa kanya.

Ngumiti naman siya at parang inosenteng tumango,"Oo. BFF. As in best friends forever!"

EH?!?!?! BFF?!?!

Naguguluhan pa din ako pero parang nabasa ni Cazie ang nasa utak ko.

"Ayo, ang dami nating napagdaanan. Saka bagay tayong maging BFF nuh. Pareho tayo ng taste. HAHAHAHA!!!!"-- parang siya lang ang natuwa sa joke niya. Pero... sige na nga. It's not bad naman na magkaroon pa ng BFF na iba bukod kay Apple at Lychee. ^__^

"O-ok."-- nakangiti kong sagot.

"Shopping tayo???"-- nakangiti niyang tanong. Yung ngiti na mahirap tanggihan.

"Hah?! Eh may klase tayo Cazie ano ka ba."-- naiiling kong tugon.

"Problema ba yun???"-- hinila niya ako palayo sa school. Alam kong magcucutting class kami, at nakita ako nila Apple at Lychee.

"AYO!!! MAY QUIZ PA TAYO SA MATH!!!"-- sigaw ni Apple pero tuloy pa rin si Cazie sa paghila sa akin palabas ng gate ng school.

Wala akong nagawa kundi ang tumingin na lang kila Apple at Lychee habang nalayo ako. Nagkatinginan yung dalawa at napakibit balikat na lang.

Halatang sanay na sanay na si Cazie sa pagcucutting class. Alam niya kung anong oras magCCR yung gwardya ng school kaya mabilis kami nakatakas. Sumakay kami sa kotse niya tapos nagdrive siya papuntang mall. 

"Ayo, are you ready for the prom???"-- sabi niya habang nagdadrive.

O_O

Napapukpok ako ng ulo. Muntik ko ng makalimutan. Prom nga pala namin next week -___- Sayang ang kagandahan ko kung hindi ako ang magiging prom queen.

"H-hindi pa e."-- simple kong sagot.

"Ohh don't worry. We'll buy our dress na."-- ngumisi siya at lalog nilakasan ang music sa loob ng kotse niya.

Maraming kaming ginawa sa loob ng mall. Masaya namang kasama si Cazie. Nanglilibre. BWAHAHAHAHA. De joke, masaya talaga siyang kasama, hindi nakakaboring. Madaldal siya at makulit. Ibang iba sa Cazie na nakilala ko noon. 

Nakakahiya mang aminin pero nilibre niya ako ng dress na isusuot ko para sa prom. Kailangan daw kasi maganda kaming dalawa. Hindi pa siya bumili ng damit niya at ewan ko kung bakit. Dress na pula yung binili niya sa akin. Night gown siya na baloon yung style.

SHET. Ang Ganda ko! [Ongoing series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon