Ewan ko pero bigla akong naconscious sa itsura ko, simple lang naman talaga ang ayos ko ngayon. Pero magandang tignan, yung simple but elegant na sinasabi nila. At siyempre! Maganda yung nagdadala kaya ganun xD Chos~ Pero yun nga, light lang yung make-up… hindi yung masyadong kolorete sa mukha and more. Nakadirty white ako na cocktail dress at yung heels na binigay ni Yana. Birthday gift daw niya yun e! And that’s it… gusto ko kasi simple lang… cause I believe, simplicity is beauty.

“Naku! Ang sabihin natin, dahil diyan sa itsura niyang yan kaya nain love sa kanya yung Bebe niya… Ayyyiiiieee!”

“Speaking of, grabe alam mo ba kanina pa hindi mapakali yang Bebe Mo… Antagal kasi ng bebe niya! Hahahahaha”

Hmph! So talagang trip nila yang ‘Bebe’ Thingy na yan? At mukhang lahat ng naririnig ko sa kanila may ganyan? Chosera tong mga to!

“Mga pinagsasabi niyo guys! Hindi ko alam kung ano yang mga pinapahiwatig niyo e”

Yan na lang yung nasabi ko, pakiramdam ko nga nang-aaasar tong mga to e!

“Pero Nat, happy birthday ulit! Alam mo wish ko… sana magkababy na rin kayo ni Kokoy… ^_^v”

Napanga-nga ako sa sinabi ni Eunice… with matching gulat, Mga pinagsasabi ng babaeng to! Nakaka--- awkward! Kinilabutan ako bigla… Ganyan ba talaga pagbuntis?

Oo, buntis si Eunice ngayon… ilang months na rin simula nung kinasal sila ng Choco niya, last week lang nila nalaman. At siempre masaya kami para sa kanila.

“Ewan ko sayo!”

“Wahahahaha! Sis namumula ka! You’re so cute! Wahahahaha~”

Isa pa tong si Ella, jusko! Palibhasa kasi lumalovelife kaya ganyan! Langyang babaeng to!~

“Pero agree ako dun girl! Sige! Yun na din ang birthday wish ko para sa inyo!”

Gatong din nitong si Yana! Ang awkward ng pinag-uusapan nila, ni hindi ko nga maimagine e!

“Umayos kayo guys!~ Mga pinagsasabi niyo! Ewan ko sa inyo!”

Tapos tumawa lang sila… Grabe talaga tong mga babaeng to! Seriously, are they still in their minds? Habang nagtatawanan sila, feeling ko naman nagblublush ako… ewan ko kung bakit. Basta ang awkward lang talaga… Ayoko ng ganitong topic, SWEAR!

Sinasamaan ko lang sila ng tingin isa-isa hanggang sa mula sa pagiging mga baliw ay napaayos sila at tsaka ako binigyan ng mga nakakalokong tingin… And dahil sa nagtataka ako kung bakit biglang ganyan. Tinaasan ko sila ng kilay…

“Bakit kayo ganyan makatingin? Hindi ko kayo papatayin mga babae!”

Lalo akong nagtaka nung ngumuso silang lahat sa likuran ko… nakaharap kasi ako sa kanila samantalang lahat sila ay nakaharap din sa akin. At lamang sa malamang e nakikita nila kung anumang nasa likod ko.

Marrying My Mortal Enemy [Complete] [PUBLISHED]Where stories live. Discover now