Chapter 55

103K 662 230
                                    

***

Chapter 55 

Someone's POV 


"Sir, anu na pong plano niyo sa kanya? Sa pagkakaalam ko po ay nagtatrabaho din siya sa company ng asawa niya. Pero mukhang hindi po siya, nakakapasok ngayon. Siguro dahil dun sa pagkakaaksidente nung asawa niya." 

Kasalukuyan ko ngayong kausap si Sir Bryan. Alam ko namang may pinaplano siya para sa asawa nito, pero di ko naman alam kung ano. Aaminin ko na medyo tatagilid ako dito... Una sa lahat yung babaeng yun ay wala naman halos kinalaman sa kaguluhang nangyayari sa asawa niya. 

"Well, sa ngayon wala pa... pero gusto kong malaman kung ano ang kahinaan ng isang Lyle Mikael Forhel, and I think, malapit na ako sa bagay na yun..." 

Ngumiti naman ng makahulugan si Sir, that means na may masama siyang pinaplano... At kung hindi ako nagkakamali, masama to~ 

Matagal na akong nagtatrabaho kay Sir Bryan kaya alam ko na halos ang takbo ng isip niya at kung ano ang pinaplano niya. At isa lang ang ibig sabihin ng nakikita ko ngayon... yung Natalie na yun ang magiging daan para magantihan niya si Lyle, ang lalaking naging dahilan kung bakit nawala sa kanya ang babaeng pinakamamahal nito. At ngayon, muli nanamang naulit ang mga nangyari dati, at si Maam Alyssa naman ngayon. 

"Anu na pong gagawin ko ngayon Sir?" 

"Samahan mo na lang ako, ako mismo ang gagawa ng paraan para kusang lumapit sakin ang lalaking yan." 

tumayo na siya at naglakad palabas sa opisina nito. Wala naman akong magawa kundi sundan siya. 

Alam ko namang di ko mapipigilan si Sir sa kung anumang gagawin niya, at wala rin akong magagawa para tulungan sila. Dahil una pa lang, yung Lyle na yun ang may kasalanan ng lahat ng to.

Renzel's POV

Kakarating ko lang ngayon sa condo ko from States, dahil sa vacation ko. Namiss na rin naman daw ako ng Mom ko that's why I went there to visit her, matagal ko na rin naman siyang di nakita kaya sinubukan ko na rin. 

Gusto ko sanang puntahan agad si Natalie pero naisip ko na magpahinga na lang muna at bukas na lang siya dalawin. Sobrang namimiss ko na talaga siya, kaya nga kung maari... ngayon pa lang puntahan ko na agad siya at yakapin ng mahigpit. Di ko na yata kayang di siya makita kahit isang saglit. 

Sana maghiwalay na agad sila... 

>_<

Masama na kung masama pero ganito talaga pag nagmamahal, hahamakin ko ang lahat para mapasakin ang taong mahal ko. Alam kong naging tanga ako noon, pero kakayanin ko ng gumawa ng katangahan para sa kanya ngayon. 

*dingdong* 

Napatayo ako bigla nung marinig ko na may nagdodoorbell. Nagtaka naman ako kung sino ang dadating dahil wala akong inaasahang bisita ngayon at wala rin naman gaanong nakakaalam ng condo ko. 

Marrying My Mortal Enemy [Complete] [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon