Prologue

6.1K 145 11
                                    

Prologue

MAY ngiti sa mga labi na bumaba na si Erin mula sa taxi na sinakyan niya. Ngayon ay nakatingala siya sa mataas na condominium building kung saan doon nakatira si Randall, ang lalaking mahal niya, ang nag-iisang lalaki na pinag-alayan niya ng lahat-lahat.

Huminga muna siya nang malalim bago pumasok sa loob. Nasa elevator na siya nang maalala niyang ilabas na ang duplicate key na binigay mismo ni Randall sa kanya. Gusto niya kasi na sorpresahin ito. Ilang sandali pa ay tumunog na ang bell ng elevator hudyat na nasa 15th floor na siya. Pagkabukas ng pinto ng elevator ay akmang hahakbang na siya palabas nang matigilan siya sa nakita.

Paano ay si Randall ang nasa harapan niya ngayon. May kaakbay itong babae na halos ay lumuwa na ang dibdib. Ang mga kamay ng babae ay nasa pagitan ng mga hita ng binata at hinahaplos iyon. Parang walang pakialam ang mga ito kung sakali na may makakita sa mga ito. Naririnig pa nga niyang umuungol ang binata at akmang papasok pa sa loob ng elevator kung hindi lang siya nagsalita.

Ang kumag! Hindi talaga ako napansin!

"Masarap ba? Mas magaling ba siyang humalik? Mas malambot ba ang kamay niya na humahaplos dyan?" Ininguso pa niya ang kamay ng babae na nasa pagitan ng hita ng binata. Wala talagang plano na alisin iyon.

"E-erin!" Parang nagulat pa ang binata nang makita siya. Mabilis na inilayo nito ang babae at iniharang ang katawan sa pagitan ng pinto ng elevator para hindi iyon magsara. "Let me explain, please..."

"Hayop ka!" Hindi napigilan ang magtaas ng boses dahilan para mag-echo iyon sa hallway. Hindi na rin niya napigilan ang umiyak. "Anong explain-explain 'yang sinasabi mo dyan? Sapat na ang nakita ko para makipagkalas na sa 'yo!"

"Erin—"

"Damn you!" Binato niya ang susi na hawak sa binata at tumama iyon sa mata nito dahilan para saglit itong pumikit para kusutin ang mata. Pero hindi pa rin umaalis ang lalaki sa pagitan ng pinto ng elevator kaya naman binigyan niya ito ng mag-asawang sampal at hindi pa siya nagkasya doon dahil tinuhod niya ang pagitan ng mga hita nito.

Mabilis itong napalayo at namilipit sa sakit habang hawak ang nasaktang harapan. Ginamit naman ni Erin ang pagkakaton kaya naman gigil na pinindot niya ang close button. Bago nagsara ang pinto ay narinig niyang minura pa siya ng babae pero wala siyang pakialam. Sa ayos at asal ng babae kanina ay mas 'di hamak na mas puta ito kaysa sa kanya.

Walanghiya ka, Randall! Binigay ko sa 'yo lahat pero gaganituhin mo pala ako! Kuyom ang mga kamao na bulong niya. Ilang sandali pa ay pinayapa niya ang sarili at marahan na hinaplos ang kanyang impis niyang puson. Magsisisi ka Randall dahil kahit na kailan ay hindi mo malalaman na nagkaroon tayo ng anak! Akin lang ang batang ito! Hinding-hindi ka niya kikilalanin kahit na ano ang mangyari...

Sweet Surrender (Published under PHR)Where stories live. Discover now