Chapter 1: Jose Marie Borja Viceral

11.4K 167 4
                                    


[Vice POV]

Ako si Jose Marie Borja Viceral. Dating bakla ngunit simula nung namatay si tatay ay tinalikuran ko na din ang pagiging bakla. Ano nga naman mapapala ko sa pagiging bakla? Puro sakit sa puso at bulsa lang naman. Narealise ko na tama ang lahat ng mga sinabi ni tatay, na wala akong makukuhang tunay na pagmamahal sa mga lalakeng makakarelasyon ko. Kaya heto ako, nagpakalalake at nagsikap na lamang sa buhay. May mga naging karelasyon na akong babae ngunit iniwan din nila ako. Hindi nila ako sineryoso kase ika nga nila "Once a bakla, always a bakla". Kaya nagdecide ako na wag na muna ulit pumasok sa isang relasyon, masasaktan lang naman ulit ako.

Tatlong taon na ang lumipas. Hirap padin akong patunayan sa mga tao na "hindi ako bakla!" ngunit may iba pading hindi naniniwala. Hindi na kase nawala sa sarili ko yung pagiging maarte sa katawan at konting hampas ng balakang. Nakadagdag pa sa paghihinala nila dahil nagtatrabaho ako ngayon sa Comedy Bar. Nung una singer lang ako sa bar, hindi naglaon naging komedyante nadin ako kasama ng mga bakla sa bar. Marami akong napapasayang tao ngunit yung sarili ko parang hindi masaya, parang may kulang... kailan ko kaya mahahanap yung babaeng makakasama ko habang buhay? Kelan ko kaya masasabing "She's the one".

Hay nako tama na nga pag.eemote ko! Kame na pala ni Donna ang sasalang sa stage.

Donna: Hoy Viceral! gora na tayo sa stage!

Vice: Viceral talaga?!

Donna: eh anong gusto mo? Jose?

Vice: cge Viceral nalang! hehehe.. tara na!

Kalahating oras na kameng nagpapatawa sa mga tao. Ang gaganda ng mga ngiti nila samen, halakhak kung halakhak! Ngunit isang ngiti ang pumukaw sa puso't paningin ko.

Isang babaeng mala.anghel ang mukha. Sobrang ganda ng ngiti nya parang sasabog yung puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito, ewan ko kung baket. Oh my god! tumingin sya saken! ngunit nag.iba yung pakiramdam ko nung makita kong tumingin sya sa katabi nya, hinawakan nya yung mukha neto at hinalikan sa labi.

Vice: ayy sayang! (nakatapat pa pala yung mic sa bibig ko)

Donna: uy viceral! anong sayang?

Vice: (natauhan) ayy wala.wala! sabe ko sayang kase hindi ka pa namatay nung nasagasaan ka!!

Donna: aray ha!! (nagtawanan naman yung mga taong nanunuod)

Itinuloy ko nalang ang pagpapatawa ngunit natitigilan ako sa tuwing mapapadako ang paningin ko sa direksyon ng babaeng iyon. May kakaiba akong nararamdaman, ngayon ko lang toh naranasan. Boyfriend nya siguro yung kasama nya, "malamang! hinalikan sa labi eh!"...

Hayyy!!! ang ganda nya talaga....


(A.N: Hi guys!!! I hope magustuhan nyo tong story ko... matagal kong pinag.isipan kung gagawin ko toh... nahihiya kase ako!!! pero I'll do my best para gumanda toh!!!! pls comment kung itutuloy ko pa ba or what... suggest nadin kayo kung anung gusto nyo mangyari para may idea pa ako... first time ko kase eh.... tnx :* )

She's the One (A Vicerylle Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon