CHAPTER 11

129K 1K 94
                                    

Chapter 11

Pagtalikod na pagtalikod ni Justavo Estude ay tinungo na ni Knight ang silid niya. Ano pa nga bang magagawa niya kundi sundin ang ama niya. He can't afford to lose all his inheritance! Papasok na sana si Knight nang kwarto niya ng mapatingin siya sa pinto ng kwarto ni Aisha. Sumilay ang isang mapaglarong ngiti sa mga labi niya. Ang 2nd offense pa! Sa pagkakataong ito aasarin lang talaga niya si Aisha, ayaw niya naman kasi talagang pagsayawin ng strip dancing ang babaeng iyon. Pakiramdam kasi ni Knight na kapag nakikita niyang namumula na sa galit si Aisha ay nagdidiwang ang kalooban niya. What makes her mad makes him happy! Is that so bad?

Kumatok siya sa pinto.

Walang nagbukas, nasa loob kaya si Aisha?

Kumatok uli si Knight.

Unti-unti ay bumukas iyon ng may konting puwang lang. Sumilip doon si Aisha. Kaya naman nginitian ito ni Knight ng ubod ng tamis. ^_________^

BLAG! Pabiglang isinara iyon muli ni Aisha! Sapo pa niya ang dibdib niya. Ninenerbyos siya sa presensya ni Knight!

"Uwaaaaahhhh! Panginoon ko! Gisingin nyo na po ako sa bangungot na ito! AYOKO NA! Magpapakabait na po ako LORD," sigaw ni Aisha sa loob ng kwarto niya.

Narinig naman iyon ni Knight kaya lalong ginanahan si Knight na asarin pa ito!

"HOY DUFUS! BUKSAN MO 'TO O SISIRAIN KO 'TO? IKAW DIN KUNG GUSTO MONG MAKALABAG NG ISA PANG RULE SIGE LANG! WALANG KAHIRAP-HIRAP PAG NAGKATAON! YOU'RE MINE! BWAHAHAHAHAHA!" Sinigurado ni Knight na naririnig iyon ni Aisha. Ilang segundo pa ay sumilip mula sa nakaawang na pinto si Aisha.

"Bakit po Master?!" Inis na sambit ni Aisha

BOOM!

Itinulak ni Knight ang pinto! Pumasok siya sa loob at muling isinara iyon at sumandal siya doon sa nakasara nang pinto, nasa bulsa ang dalawang kamay niya.

"Ano...a-no yung isang ni—" nauutal si Aisha tatanungin niya kung ano yung isa pang rule na nilabag niya.

"Rule no. 3: Bawal magka-boyfriend!"

Saglit na napatanga si Aisha, ano ang sabi ni Knight? Napakurap-kurap pa siya. Seryoso ba itong si Knight?

"Pfft! Patawa ka! Hahahahaha." Hindi mapigilan ni Aisha ang sarili. Nagpapatawa nga ata si Knight.

"Anong tinatawa mo dyan? That is rule number 4. And rule number 5 eh bawal gumawa ng mga bagay na hindi ko magugustuhan and act like a real woman! Hahaha sige tumawa ka pa! Hahaha!" Sarcastic na sabi ni Knight na nagpe-fake pa ng halakhak.

Natahimik si Aisha. Inayos niya ang sarili, pinipigilan niyang matawa!

"Hehe...eh anong boypren ba sinasabi mo dyan Knight?" Nangingisi si Aisha.

"MASTER." Pagko-korek ni Knight sa tawag dapat sa kanya ni Aisha. "Si Kingson..." Matipid na dagdag na sabi ni Knight.

"Kingson? Ah si Jin?" Natatawa na naman siya. Si Jin napagkamalang boyfriend niya? Kikiligin na ba si Aisha? Pero hindi bagay sa kanya!

Tiningnan lang siya ni Knight ng masama nang nagtangkang tumawa ng malakas si Aisha. Napakahirap kayang magpigil ng tawa!

"Hindi! Baliw ka ba?"

"What did you just call me, DUFUS?"

"MASTER! Sabi ko nga, master! Hindi ko yun boypren! Ni hindi pa nga ako nagkaka-boypren eh!"

"Talaga? Eh di kung ganon. Ligtas ka!" Tumalikod na si Knight pero bago niya buksan ang pinto, "Halata ngang hindi ka pa nagkaka-boyfriend." Sinulyapan niya si Aisha "Para kang tuod halikan!" At tuluyan na itong lumabas na nakangisi pa habang namula na naman si Aisha!

WHEN MISS GANGSTER MEETS HER MATCHWhere stories live. Discover now