NAGTATATALON SI AISHA nang makita niya ang resulta ng exams niya! For the first time, pumasa siya! Para siyang batang nagtatatakbo palabas ng eskwelahan, naabutan niya si Knight sa may parking lot.

"Nakapasa ako! Sabi ko sayo makakapasa ako eh!" Nagtatatakbo siya papalapit kay Knight, sa sobrang tuwa niya ay napayakap siya dito. Tapos ay natahimik siya, gayun din si Knight.

Ang awkward lang. >///<

Inihampas ni Aisha ang test papers nya sa mukha ni Knight para mabasag ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa. Tapos ay nag-iwas siya ng tingin.

"Sweet ko 'no?" Nakangiti pa niyang sabi dito. "Ayan, tingnan mo!"

Natawa si Knight pero sinipat niya ang mga test papers. PASANG AWA!

Nang makauwi sila sa mansion ay nagbihis lang si Aisha at tinungo na ang kwarto ni Knight. Magre-review kasi sila para sa entrace exam ni Aisha sa St. Thompson University. Isa iyong special exam. Kapag nakapasa siya pwede na siyang mag-kolehiyo.

Walang tao sa kwarto ni Knight. Mas malaki iyon sa kwarto ni Aisha. May mini library at mini office doon si Knight. Naupo si Aisha sa couch para maghintay kay Knight. Ten minutes palang ang lumilipas pero inip na inip na si Aisha.

Binuklat ni Aisha ang dala niyang reviewer. Madami daw leakage sa aklat na iyon, karamihan ng nasa reviewer na yun ay nasa entrance exam. Ipinahiram sa kanya ng kaibigan ng pinsan niya.

Nagpatuloy lang si Aisha sa pagbubuklat ng librong iyon. Napansin niyang may nakaipit doon. Isang CD na kulay puti, halatang tinakpan ang cover.

"PLAYFULLY HEAVEN?" Binasa niya ang nakasulat kamay na title sa cover noon.

"Hmm, maganda kaya ito? Mai-play nga! " ^___^

Isinalang ni Aisha ang CD na iyon sa player na naka-konekta sa 52" LED TV sa kwarto ni Knight. Naupo siyang muli sa couch. Tumugtog ang isang malamyos na musika. Sa malaking screen ay ipinapakita ang tila isang malawak na kakahuyan, tila lumalakad ang kamera na tinungo ang isang gusali sa loob ng kakahuyang iyon.

Umalingawngaw ang...

"Uuugggghhhhh... yeah..... Harder!"

"Harder!!"

"SPANK ME!"

At ipinakita sa screen ang CENSORED.

O_O

Lingid sa kaalaman ni Aisha ay nasa loob na ng silid si Knight. Natulala ito sa pinapanood ni Aisha. Si Aisha naman ay na-shocked sa nakikita niya. >_<. Nabitawan pa niya ang hawak-hawak pa rin niyang reviewer.

"YOU'RE WATCHING PORN? Mind if I join you?" Bulong ni Knight. Sobrang lapit sa tenga ni Aisha. Kaya naman napatayo si Aisha at napatakbo sa harap ng malaking TV at nagpupumilit na takpan iyon. Nakataas ang dalawang kamay niya pati isang paa. Mukha siyang butiking nakakapit sa 52" LED TV.

"Ahahaha!! Hahahahahaha." Natawa tuloy si Knight. Lumapit siya kay Aisha na nakadikit sa TV. Hinila niya ito at pagkatapos tinanggal niya yung CD sa player.

"Gusto mo rin bang pag-aralan yang pinanood mo? GUSTO MO ITURO KO SAYO?" Biro ni Knight kay Aisha. Hindi nakaimik si Aisha. Lulubog na ata siya sa kahihiyan, sa tanang buhay niya ngayon lang siya nahiya! Hinimas-himas pa ni Knight ang braso ni Aisha gamit ang thumb nito. Nakiliti naman si Aisha kaya napaiwas siya dito.

"PERVERT!" Singhal ni Aisha sa gitna ng pamumutla. Grabe, imbis na mamula siya sa nakita namutla pa ata siya.

"Nagustuhan mo ba ang nakita mo? Gusto mo pakitaan kita ng totoo?" He unbuttoned his top. Lumalapit siya kay Aisha habang napaupo naman si Aisha sa couch.

WHEN MISS GANGSTER MEETS HER MATCHWhere stories live. Discover now