CHAPTER 20
I see him.
November 30, 2010. Imma like a new person. I don’t know kung paano makikitungo sa ibang tao nun, maitago lang ang aking nararamdaman. Hindi na ako makapag-isip ng ayos. Di ako mapalagay. Di ko alam ang aking gagawin. Di ako makapag-focus. Di ako masaya. -_-
Alam mo yung feeling nay un? Parang dati lang yung bawat araw na gugugulin mo sa school ay mas magiging makabuluhan at masaya kase kasama mo sya. Eh ano na ngayon? Anu ng nangyare? Wala na. Di ko na maintindihan kung bakit kailangang magkaganito. Naguguluhan ako. Nasasaktan ako.
Labasan na nun. At ineexpect ko bawat paglabas ko ng pinto. Andun na sya. Inaantay nya ako. Pero nung araw nay un, alam mo? Hanggang expectation nalang ang lahat. Pagkalabas ko ng pinto ng classroom namin, maglalakad ako papunta sa katapat naming room kasi nadun yung mga friends ko na makakasama kong umuwi ng araw nay un, pagkalakad ko papunta dun sa kabilang side, alam mo yung feeling na nakatabi mo sya at nakasalubong at nakatitig lang sya sayo? Tapos parang napatingin nalang ako sa kanya. At hinila na ako nung mga kaibigan ko kasi siksikan nun at labasan na nga. Crowded sa hallway. Ang sakit nga pala ng ganun. Ang sakit masanay sa mga bagay na walang kasiguradon at mawawala rin lang.
