Pero tama siya , wala kang paki , pero ano nalang kayang naramdaman niya ? I mean .. parang ang sakit sa ego ? Kasi gusto mo yung tao pero inutusan ka niyang ... wait , anong inutos ni Ana kay Bryan kaya siya pumunta doon ? Just crap !! Ang hirap espelingin ..

" Jax .. there's something i need to tell you " napalingon nanaman ako sa malamig na boses ni Jas , nakatanaw parin siya sa labas ,

" A-Ano yun ?" Kinakabahang tanong ko , pumikit siya at ngumiti ..

" Im getting engaged tonight .." OoO !!! Wala sa sarili ko siyang hinampas kaya napadaing siya ,

" WEH ??? SINO ? SINO ? NIYAYA KANA BA NI AXEL ? EH ? NAKIPAG BALIKAN NA BA SIYA ? KELAN PA ? BAKIT HINDI KO ALAM? SIGE GANYAN KA HINDI KA NAGSASABI F.O NA TAYO F.O --"

" it's not Axel .." napatigil ako sa pagsisigaw nang sabihin niyang hindi si Axel ... k-kung hindi siya sino? Sabi niya dati saakin hindi siya magpapakasal kung hindi lang din naman si Axel ? Tapos ..

" We're here Miladies !"agad akong napalingon kay Kuya Driver nang magsalita siya .. andito na kami sa event .. lumingon ako kay Jas pero nakita ko siyang ngumiti at sinuot ang mask niya saka hinalikan ako sa pisngi na nakatulala lang sa kanya ..

" Later , i aanounce naman !" Nakangiti siya .. pero malungkot ang mga mata niya .. she's not happy ,

Tumango ako at saka sinuot nalang ang mask ko , bumaba na si Jas at akmang bababa na ako nang biglang magring ang cellphone ko kaya naman kinuha ko agad yun sa pouch at hindi muna bumaba ..

Pagkakuha ko nang phone kumunot ang noo ko nang mag appear ang pangalan ni Nathan .. tumawag siya sa cellphone ko at hindi sa skype ?

Napatitig muna ako sa cellphone ko at agad na kinutuban kung bakit dito siya tumawag ..

Agad kong inislide ang answer button ..

" H-Hello Nath--"

" J-Jax .. " Pangalan palang niya sinabi ko pero nangilid na agad ang luha sa gilid nang mata ko .. h-hindi ko gusto yung tono nang boses niya ..

" W-What happen N-Nathan .." nanginginig na ang buong katawan ko at unti unti nang umaapaw ang luha sa mga mata ko ..

" I-It's B-Brylle .. his progress are getting good pero , kaninang umaga .. nag 40/60 s-siya .. i-inaantay ko nalang na lumabas si Bea sa ICU , balak naming sabihin sayo kapag naagapan ni Bea pero ilang oras na silang nasa ICU .. I-I think .. h-he's giving u-up --"

" N-NO , N-NO Gawin niyo lahat Nathan !! Wag kayong titigil , he won't give up , hindi siya pwede sumuko! He needs to wake up f-for me .. p-please , p-please do everything Nathan .. " Hindi ko napigilan at talagang umiyak na ako, napahawak ako sa dibdib ko at umiyak , agad nataranta ang driver kaya lumapit siya saakin at inabutan ako nang tissue ,

" W-We will Jax, pero .. sa ngayon , i don't know .. magtiwala tayong hindi siya bibitaw .." yun nalang ang huling narinig ko dahil nabitawan ko na ang cellphone, im broke .. so broke ..

He can't leave me , hindi pwede , kailangan niyang bumalik saakin , im waiting and he can't leave without saying anything to me ..

" M-Miss Jax " rinig kong sabi nang Driver , tinanggal ko ang maskara ko at nilagay ang dalawa kong palad doon , bumalik ako sa pagsandal sa sasakyan ..

" T-Take me home .." umiiyak na utos ko , wala naman akong narinig na reklamo sa driver at narinig ko nalang ang pag andar nang makina ,

B-Brylle , you idiot! Wake up .. wake up and be with me already! W-Wag mo kong pag antayin .. h-hindi ko na kaya .. h-hindi ka pwede sumuko, Hindi pwede ..

Tahimik ang naging byahe namin pabalik sa Condo na tinutuluyan ko , tumigil narin ako sa pag iyak pero tulala lang ako .. nang huminto na ang sasakyan sa parking lot pinagbuksan agad ako nang driver , balak niya pa sanang ihatid ako sa unit ko pero tumanggi na ako at pinabalik ko na siya sa event para ipaalam na hindi maganda ang pakiramdam ko ..

Hindi naman na siya nag reklamo pero binigay niya saakin ang coat niya kaya naman mag isa akong naglakad sa elevator sa parking lot ..

Walang masyadong tao sa parking lot , 9:30 narin naman kasi nang gabi kaya siguro ganito .. pinindot ko ang 19th floor at tumulala nalang , ano kayang itsura ko ngayon ? Ano nalang sasabihin ni Mom , nila Jas at Kuya ..

*Ting*

Tumikhim ako at umurong sa gilid nang bumukas ang pinto sa lobby floor , hindi ko tinignan kung sino yung papasok dahil nakatulala lang ako sa ibaba ,

Medyo natagalan bago pumasok yung nasa labas kaya naman binaling ko na ang tingin ko sa kanya at agad akong napaayos nang tayo nang makita ko si Bryan , siya to im sure ..

Naka itim siya at balot na balot , naka shades pa kahit gabi naman na -_- .. pero naagaw nang atensyon ko ang hawak niyang beer cans .. sa magkabilang kamay niya pa ..

H-Hindi siya aattend nang event ?

" A-Are you coming? "Tanong ko , hindi ko makita yung mata niya pero feeling ko nakatitig siya saakin , lumunok siya at umiling ..

" I-Im sorry !" Sabi niya at pumasok na sa loob , nagsara naman na yung elevator kaya tahimik nalang kaming dalawa hanggang sa makalabas , una akong bumaba at alam kong nakasunod siya dahil magkaharap lang kami nang unit ,

Pero nang tumapat na ako sa pinto ko bigla siyang nagsalita ..

" What happen ... " Sabi niya, hindi siya mukang tanong .. yumuko ako at tinignan ang sahig at nag umpisa nanaman mag tubig ang gilid nang mata ko ..

" N-Nothing .. i-im just .. " Napakagat ako sa labi ko dahil nanlabo na ang mata ko at tumulo na ang mga luha ko ..

" Your just broken .." Sabi niya kaya napapikit ako at tumango , narinig ko ang pagbukas nang pinto niya kaya akmang bubuksan ko na yung akin nang bigla nalang niyang hinila ang kamay ko mula sa likod ..

" I have beers .. want some? " tanong niya pero hindi siya nakatingin saakin , hindi ko alam kung matatawa ba ako pero parang kailangan ko nga nang beers ,

" S-Sure .. i will just get change .." sagot ko kaya marahan niyang binitawan ang pulso ko at pinunasan ko naman ang luha ko at pumasok na sa loob para magpalit , nag pyjama lang ako at paglabas ko nang unit ko andoon parin siya nakatayo sa harap nang pinto niya ..

" Come in .." nakasimangot na sabi niya , kita mo to kailangan pa iparamdam sayong hindi ka welcome! Tsss

Dahil broken ako hindi ko pinansin ang kagaspangan nang ugali niya at tumuloy nalang sa loob , andyan lang naman yung unit ko sa harap eh .. atlis makakalibre pa nang beer ..

Pero seriously Brylle .. hindi ka pwede sumuko! Hindi pwede gayung nag aantay ako sayo ..

The Prince Wife : Her StoryWhere stories live. Discover now