Chapter 8 ♥

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wait, wait." Pinatigil ko kay James yung kotse kasi may something sa gate ng school.

Bumaba ako.

Kyaaaa! May tarpaulin na malaki nakasabit sa school. Picture din namin ni Kyle na naka-japan-japan tapos may nakasulat.

BABY KO OXYGEN KABA? KASI I CAN'T LIVE WITHOUT YOU. I LOVE YOU !

Anong kalokohan ba 'to? Waaah. Mababaliw na'ko talaga promise.

"Tindi talaga ni Kyle kahit korni. Mas magaling pa din akong mag-pick-up-line." Hindi ko namalayan nasa likod ko na si James.

"Papasok na'ko sa loob. Sige na. Ipasok mo na sa parking yung kotse mo." Sabi ko kay James.

"Okay myloves. Wag masyado kiligin." Pang-aasar pa nya.

Aish. Lagot ka sakin Kyle Shin-Woo. Nakakainis kana.

Lakad nako papasok.

Iba na naman tingin ng mga students sakin. Naman naman!

Pagdating ko dito sa may hallway, napatigil ako nang mapansin kong madaming students. Tapos..

Tapos sina Ken, Kit at Jerome nakatayo paharap sa kinatatayuan ko.

Naka-stop lang sya. Tapos biglang may sumipol at biglang lumabas si Kyle. Dun siya tumayo sa tabi ng tatlo.

Napatigil lang ako habang nakatingin sa kanila.

Maya-maya..

♫♫Sorry Sorry Sorry Sorry
Naega naega naega meonjeo
Nege nege nege ppajyeo
Ppajyeo ppajyeo beoryeo baby
Shawty Shawty Shawty Shawty
Nuni busyeo busyeo busyeo
Sumi makhyeo makhyeo makhyeo
Naega michyeo michyeo baby♫♫

Kyaaa! Si Kyle sumasayaw ng sorry sorry ng super junior. Amp!

"Hahahahahaaha."

Napatingin ako sa tabi ko. Si James, makatawa.

"Kumi-KPOP na talaga si Kyle ah. Sabagay koreano naman yan eh. Hahaha."

Hindi ko alam kung matatawa ako kay Kyle. Kasi honestly, ang pangit nya magsayaw. Parang Luiz Manzano. Ang tigas ng katawan.

"Super bongga ni Kyle. Duma-dance ever. Lakas ng tama talaga sayo best." Si Janna nasa tabi ko na din.

Si Kyle nakatingin pa sa'kin habang nagsasayaw. Nakakahiya.

Then natapos ang sayaw. Akalain mong pati ibang tigers nayaya pa nyan sumayaw. Aish.

"I love you baby ko. Sorry sorry na." Nakangiting sabi ni Kyle na hinihingal pa.

"Aaaaaaaaahhhhhhh!"

Mga baliw na 'tong students. Maka-tili, parang wala ng bukas.

Dumiretso na'ko papasok ng room. Nilampasan ko na sina Kyle. Grabe lang. Paano nya nagawa yun? Si Kyle? Kyle Shin-Woo, napasayaw ng ganon?

Earth, what's happening on you?

Hindi pa ako nakaka-move-on sa ginawa ni Kyle..

Pagpasok ko dito sa room, nakita ko ang mga students na may hawak na lobo. Yung lobo na nakita ko din sa labas ng unit ko kanina.

Nagtayuan na naman sila. "CONGRATULATIONS!"

Sino bang nagsabing papakasal kami? Aish. Kyle. Masisiraan ako ng ulo sa'yo.

Dumiretso na'ko sa upuan ko. Bahala yang si Kyle.

Pag-upo ko, napatunghay ako dahil andito na agad sa harap ko si Kyle. "Baby ko.."

"Aaaaaahhhhh!!" Nagtilian ang mga kaklase namin.

Sumimangot ako. Di ko siya pinapansin.

"Baby ko I love you. Sabihin mo lang, pakakasalan talaga kita."

"Kyaaaaa!"

Wala na. Nagtatakbo na naman ako palabas ng room. Kasi kasi naman.

Apektado na'ko talaga.

Apektado na'ko sa ginagawa nya. At, at..

Kinikilig ako. Waaaa. I hate this feeling!


Kyle POV

Kilig na naman ang baby ko.

Nagtatakbo na naman eh. Lam ko na yun. Pag ganun, kinikilig yun.

Napagod ako sa pagsayaw kanina. Ang totoo nyan, suggestion yun ni Ken. Nag-praktis pa kami kaninang maagang-maaga nyan. Aish. Diko din akalaing mapapasayaw ako.

Para kay nobody, gagawin ko lahat.

"Hoy Kyle ayos ah." Napalingon ako. Si Adrian mukhang kakadating lang.

I just smiled at umupo na.

"Kinakausap kita Kyle." Patuloy nya. Masama na tingin sa'kin.

Hindi ko pa din pinansin pero nagulat ako nang higitan niya ako sa kwelyo ko at akmang susuntukin.

"Gago ka pala eh! Lakas mo ding man-trip. Hindi mo ba alam na ginugulo mo lang si Chelsea?"

Sinusubukan ako ni Adrian. Tinulak ko siya para mabitawan nya ako. Nagtakbuhan na sa gitna namin sina Ken para umawat.

Tiningnan ko sya ng masama. "Kung maka-asta ka akala mo boyfriend ka nya!"

"Ano namang pakialam mo?"

"May pakialam ako dahil akin si Chelsea!"

"Kelan pa sya naging sayo?" tanong nya.

"Matagal na. Kaya Adrian, wag ka ng magpaka-hero dyan."

"Kung hindi mo siya iniwan, hindi aabot sa ganito. Pero iniwan mo sya! Tapos ngayon babalik ka!"

Nabubuwisit nako. "Kaya nga sinusuyo ko siya diba?? Diba?" Sigaw ko.

"Tch." Tinalikuran na'ko ni Adrian.

Masyado syang protective kay nobody. Sumo-sobra naman sya. Pasalamat sya kaibigan pa din turing ko sa kaniya.

Tch.

Lumabas nalang din ako ng room. Wala na'ko gana pumasok. Bwisit!

Aminado naman ako nasaktan ko si nobody pero nagsisisi na nga ako diba? Shit lang. Lahat nga ng effort ginagawa ko kahit magmukha pa'kong tanga.

Dahil mahal na mahal ko si nobody. Yun lang yun. 

MPMMN 2: Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon