[54] The Right Partner

Comincia dall'inizio
                                    

My goodness, this isn't a fanfic, universe!!

Once I got out of the van, pinuntahan ko si Sir Edgar na nakaupo sa may front seat. "Sir, kukunin ko na lang po later yung mga gamit ko. Okay lang po ba? I really nee--"

"Go ahead, Zade. Sila na bahala sa gamit mo," he replied with a rare smile. That weirded me out a bit. Bihira ang kasi siyang ngumiti. Oh well, at least he's in a good mood.

"Thank you po talaga, Sir! Thank you!" Pasalamat siya at nakaupo siya sa loob ng sasakyan, kundi nakatikim siya ng isang malaking bear hug mula sa 'kin. Sorry na, adrenaline rush.

Bago ako tumakbo papunta sa ceremony grounds, may pahabol na bilin sa 'kin ni Sir Edgar.

"Tell your boyfriend we said congratulations."

Tumalon naman ang puso ko do'n. Boyfriend, huh.

Depende pa rin yan kung mapapa-wow niya ako sa speech niya.

***

Like I've said before, Andreau Cortez is my favorite book. Siya yung libro na kabisado ko kahit pagbalig-baligtarin man ang orientation, i-rearrange man ang chapters o kahit i-translate pa sa ibang language. At the same time, siya rin yung libro na lagi akong ginugulat kasi every time na binabasa ko siya, may malalaman akong bago. Laging why haven't I noticed before? Moment kapag siya na ang usapan.

He's been writing that book by his lonesome for a long time now. I give him that, buhay naman niya kasi 'yon at taga-basa lang ako. Taga-comment.

But today, this particular Moment, this life changing moment, deserves a new chapter in his book.

Andreau's not going to write that chapter, or the future chapters, alone anymore.

Because finally, I'm here. And we're going to write it together.

Right Timing. Right Moment. Right Partner.

Goodness, we're like a Dream Team here. We're gonna make a bestseller together.

And our first chapter looked like this.

*

Actually, hindi ko na maalala ang minor details bago mangyari ang Moment namin ni Andreau. Ang naaalala ko na lang ay sobrang sakit ng legs ko sa pagtakbo (kasi hello, ang layo rin no'n), basang-basa ng pawis ang likod ko, at halos bumigay na ang lungs ko sa sobrang hingal. I know, that wasn't my glamorous moment. Sana man lang may time ako para makapag-ayos, ano!

Pinadali naman ng universe sa 'kin ang mga ganap kasi madali ko lang nahanap ang pwesto nina Ms. Marisse. Saktong recessional na ng graduates noong makarating ako, at sobrang gulo na sa grounds. Buti naisipan nina Kesh at Dan na magtatalon na parang mga sira ulo para makita ko kung saan silang banda. With aching legs, I slowly walked towards their place as I plucked my phone off my pocket. Itetext ko na sana si Andreau na dito na lang kami magkita sa pwesto nina Ms. Marisse. As in ita-type ko pa lang yung passcode ko nang mangyari na yung Moment.

Ni hindi man lang ako nakapagpunas ng pawis.

"Zades!" I heard a voice, a very distinct, deep voice called me from my side. Walang binatbat ang ilang dosenang Whatsapp voice messages sa totoong boses niya. That alone made my tired legs wobbly. Paano pa kaya kung lumingon ako sa kanya?

I turned my head slowly to my right, eyes looking at the ground. Hindi pa ako prepared na makita siya na nakasuot ng sablay at barong. Lord, masusurvive ko ba 'to? Inaatake na ata ako sa puso sa sobrang kaba.

My god naman, self. I love the man, faults and all, instead of an idea. I'm way past that. Bakit ba hindi ko na lang siya tignan nang diretso?

So I did that. My eyes darted to his face in an instant. The thing that surprised me was, my heart didn't skip a bit when I saw him, but I felt warm and happy when I saw his face.

The Spaces In BetweenDove le storie prendono vita. Scoprilo ora