[54] The Right Partner

Începe de la început
                                    

Kidding aside, ang drama at sobrang cheesy nito pero parang five years ago sa isang TV screen ko lang nakilala si Andreau Cortez, at himalang pinaiyak niya ako sa acting niya. No one makes Zade Pascual cry, so that says something.

Who would've thought I would fall in love with him five years later?

Who would've thought he would fall in love with me, too?

Aba, never kong inimagine na mangyayari yan.

But it did happen.

And I'm more than thankful for it.

A nudge on my shoulder made me realize I was already tearing up. Well, shit. Ayaw palang maging emotional ha? Ito na ba ang epekto ng kaba sa 'kin, nagiging iyakin ako?

"Hindi bagay sa 'yo ang umiiyak, Zade," narinig kong sabi ni Sir Edgar sa tabi. Pasimple ko siyang tinignan, at nagulat ako nang abutan niya ako ng isang pack ng tissue. I hesitated to receive it at first, but he practically shoved it to my hand a beat after. "Baka sabihin ni Andreau na pinahirapan ka namin nang bongga ah. Don't cry. You'll see him in two hours."

Two hours to go before the make or break time. Kakayanin ko kaya?

***

The drive to the campus was officially the longest one I've ever had in my life.

Kanina sa eroplano sobrang agitated na ako kasi ayaw kong malate, pero ngayong ilang minuto na lang ang agwat namin ni Andreau, parang gusto kong hilingin na sana, sana, bumagal ang oras.

Halos masuka na ako sa kakaisip sa gagawin ko kapag nakarating na ako sa campus. Triple shit, baka himatayin ako pag nakita ko siyang nakasablay. Grad pic pa nga lang napanganga na ako, what more kung sa personal pa, 'di ba? (Asa siya, 'di ko ginawang lockscreen yung picture niya. Kahit magmakaawa siya.. still a big NO.)

I was well aware na napansin ng professors ko ang biglang katahimikan ko, at sobrang thank you sa kanila at hindi na nila ako inasar pa. Lalo na si Sir Edgar, na hinihintay kong hiritan ako ng tissue jokes or anything. Buti na lang at nagkwentuhan lang sila about sa mga nakakatawang happenings ng trip namin.

Feel na feel ko ang pagtulala sa may bintana nang biglang magvibrate ang phone na nasa bulsa ko. I jumped a bit in surprise.

From: Kesh
Girl wru na. Malapit na matapos???

To Kesh:

OTW na! 20 mins tops i guess?

May maaabutan pa ba ako?

Paliparin na raw yang sasakyan niyo sabi ni Mars

Mukhang wala na?? Malapit na talaga 'tong matapos!

Seryoso ba? Kaunti na lang swear!

Naku basta makarating ka rito okay na!
He's really waiting for you, girl.

Maybe it was just my nerves talking, pero parang nakuha ko ang hinihiling ko at medyo bumagal nga ang oras nang makapasok kami sa University Avenue. All I could hear was the sound of my heart thumping wildly inside my chest.

From two years of subtle chasing and hidden (and stubborn, I might add) feelings, finally, we're down to minutes.

Wala nang thesis or out of town trips na gagambala.

At last, the right timing's finally on our side.

I only realized I was holding my breath when the car pulled over. Kulang na lang tumalon ako palabas ng van dahil sa sobrang excitement. O kaba. O nagkahalo-halo na. May mini-struggle nga lang bago ako makapunta sa goal ko since medyo malayo sa ceremony grounds ang pinagparkan ng van. No choice ako kundi tumakbo para lang makaabot sa recessional or whatever.

The Spaces In BetweenUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum