Si Mikee ay nakangiti lang as usual but Keith is eyeing me with that strange look in his face.

Aminin ko man o hindi ay parang naiilang ako sa klase ng titig nya.

“Keith why do I have this feeling na ayaw mong magkagusto ako kay Mico, is it dahil bakla talaga siya?”

“WHAT!” halos matulig ang tenga ko sa pagduet ni Keith at Mikee.

“Oh no….” bakit ko ba sinabi kina Keith at Mikee baka mapahamak pa si Mico dahil sa kadaldalan ko. baka paalisin pa si Mico sa varsity dahil sa akin.

“I hope hindi nyo e leak ang sinabi ko sa mga teammates ninyo at baka tanggalin si Mico sa team.”, worried na sabi ko sa dalawang parang takang-takang nakatingin sa akin.

“You really think Mico is a gay?” tanong sa akin ni Mikee na sa tingin ko ay may sinusupil na ngiti sa kanyang labi.

“Hmmm sort of kasi naman I saw one sign. It’s just a single sign but a very strong one. He is not interested with girls at parang wala lang sa kanya kung may umiiyak na babae sa harapan nya and as far as I know ay ang mga lalaki ay hindi makakatiis kung magganun ang babae.” Mahabang paliwanag ko sa kanilang dalawa.

“He has his own reason Phoebe but one thing is for sure Mico is not a gay”, seryosong sabi ni Keith.

Kung pwede lang sanang sakalin ko ang sarili ko ay ginawa ko na.

Bakit ba ang dami kong maling akala pagdating kay Mico but deep inside ay masaya ako.

Masaya ako dahil Mico is not a gay, mas mataas ang chance na magiging interesado si Mico sa akin.

Pero kahit ang dami kong maling akala kay Mico ay sigurado ako na hindi mali ang nararamdaman ko na gusto ko siya.

Mico’s POV

I’m bored again.

Bakit ba kasi nasali ako sa screening committee ngayon.

Kasalanan ito ni Kirk kasi naman lumalovelife kaya heto ako taga-salo niya.

Kaya heto ako ngayon listening sa mga aspiring new members ng music club.

So far sa 15 na napakinggan ko ay dalawa lang ang napili ko and all of them are boys.

The audition for this sem is different from the previous kasi binase ang audition sa sikat na reality singing contest na the voice ang blind audition.

That means na hindi namin nakikita ang mga kumakanta, boses lang ang pagbabasehan namin and after that ay susunod ang interview ng bawat isa sa mga napiling top 3.

“Let’s start the interview”sabi ko sa kakapasok na si Josh. Siya kasi ang nagsisilbing floor dirextor namin which means na siya ang nakakaalam sa mga hitsura ng mga nag-o-audition.

Si Introvert at ExtrovertWhere stories live. Discover now