"Wa-wala..madi--" Natigilan ako pagsasalita dahil bigla niyang hinalikan ang pisngi ko!!


Nanlaki ang mata ko! Sobrang lapit ng mukha niya!

"Sabi ko naman sayo magseselos ako sa dilim.." Bulong niya saka umayos na siya ng upo!

Nakatulala lang ako! A-ano ba Abhie!!


_____


Isang linggo na ang lumipas pero hindi na ulit nagparamdam si Shane, medyo nakakainis. Ewan basta naiinis ako, pagkatapos niyang sabihin na mahal niya ko bigla siyang mawawala.


"Tara na!" Masayang sabi ni Syril, nandito kasi kami ngayon sa mall bibili kami ng libro sa national book store, kung hindi niyo naitatanong sobra na ang kaadikan ko sa mga libro.


"Ano sabi mo sakanya?!" Natatawang tanong ni Syril, ikinuwento ko kasi sakanya yung sinabi saakin ni Shane.


"Wala..hanggang maihatid niya ako tahimik lang ako."


"Haha! Yan kasi pa-crush crush ka pa ha! Ngayong sinabi ng mahal ka niya natameme ka naman."


"Ano ka ba Sy! Kahit naman sino matatameme kapag isang Shane Briones ang nag confess sayo."


"Yiie. Palibasa kasi ang gwapo ni Shane eh.."


"Oo..ah este! Ano ba Syril!!"


"Uyy, nahuhuli ka!" Natatawang pang aasar niya saakin, kainis naman..


Naglakad na kami, pero hindi pa man kami nakakapasok ng national book store nahagip ng mata ko si Shane na kasama ng Mama niya.


"Shane!!" Hinila ko si Syril dahil sa pag sigaw niya! Kaagad humarap saamin si Shane pati ang Mama niya, dahil nga nakita na kami ni Tita Samantha, lumapit na kami sakanila para naman hindi kami masabihan ng bastos.


"Good afternoon po Tita.." Bati ko kaaga namang ngumiti ang Mama niya, ang ganda talaga niya.


"Good afternoon hija, Shane kung gusto mo sumama ka nalang muna sakanila.."

"Ma--"

"Sige na anak, hindi ko naman sasabihin sa Daddy mo. Saka isa pa late na makakauwi ang Daddy mo galing sa office.." Nakangiting sabi ng Mama niya.


Tumango nalang si Shane, may kasama din isang katulong ang Mama niya, mukhang mag-go-grocery sila dahil may tulak tulak na push cart ang Mama niya pati yung katulong.


Humalik muna si Shane sa Mama niya bago kami naglakad.

"Sige po Tita."


Humahagikhik naman si Syril.


Nagulat ako ng bigla akong akbayin ni Shane at bumulong siya sa tenga ko.

"Namiss kita ah." Napalunok ako.


Dumiretso kami sa food court para makaupo kami.

"B-bakit hindi ka nagtetext?" Tanong ko sakanya.


"Grounded kasi kaming tatlo nila Shara." Nakangiting sagot niya.

"Ha?! Grounded?! Eh ang laki laki mo na!" Natatawang sabi ni Syril.

"Syril!!"

"Haha. Natatawa lang ako."

Pero ngumiti lang si Shane, grabe yung ngiti niya nakakalusaw.


"Pinagbawalan kaming lumabas, saka gumamit ng phone at laptop." Dagdag pa niya.


"Wait! Cr muna ako!" Paalam ni Syril saamin saka umalis.

"Bakit?" Tanong ko, so kaya pala hindi siya nakakapagparamdam.. Napansin kong lumunok muna siya bago nagsalita ulit.

"Buntis kasi si Ate." Bulong niya at halata na dismayado siya. Nanlaki ang mata ko.

"Si..si Ate Sabrina?!"

Tumango siya.

"Ayon. Kaya pati kami ni Shara damay, nag aalala lang ako sa Ate ko, bata pa kasi Abhie." Napatingin ako sa kamay niya ng hawakan niya ang kamay ko mula sa ibabaw ng mesa.


"Hindi ko manlang naprotektahan yung kapatid ko.. Yun na nga lang yung pinapagawa saakin ni Dad ni hindi ko pa nagawa.." Halata sa boses niya na malungkot talaga siya.

"Shane.."


"Pakiramdam ko wala akong kwentang kapatid eh.. Ang gago kasi ayaw panagutan ni Kuya Michael si Ate.. Gusto ko siyang saktan Abhie, hindi niya dapat ginalaw si Ate kung una palang wala siyang lakas ng loob na panindigan yung ginawa niya.."


"Shane..ano ka ba, hindi mo naman kasalanan yung nangyari ngayon eh.." Umiling siya.

"Masyado akong naging kampante na mapoprotektahan siya ni Kuya Michael.."

Mas lalong humigpit ang hawak saakin ni Shane.

"Si Shara, hindi ko siya paliligawan kahit kanino pag malaki na siya, baka saktan lang din siya ng iba."

Mahal na mahal ni Shane ang mga kapatid niya, dahil nga sakanya ibinilin ng Daddy niya na maging Kuya sa dalawa kahit na siya ang pangalawang anak, ramdam kong galit siya sa sarili niya dahil nasaktan ang Ate niya ng kung sino.

****

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon