Prologue

168K 2.9K 92
                                    

Prologue

Bakas sa mukha ng pamilya Takahashi ang kasiyahan dahil sa ika-pitong kaarawan ng kanilang nag-iisang prinsesa.

Lahat ng mga tao ay abalang-abala pati na rin ang batang babae na nakikipaglaro sa kanyang dalawang kuya.

Mababakas sa kanilang mukha ang kagalakan lalo na at sa araw na ito mismong nakatakdang ipakilala ng royal family ang kanilang mga anak sa publiko.

Bang

Natigil ang kasiyahan dahil sa isang hindi inaasahang mga rebeldeng nakapasok sa mansyon ng mga Takahashi. Nakuha nito ang atensiyon ng lahat pati na din ang mga batang abala sa paglalaro.

Lahat ng tao ay nagsimulang magpanik ng magpaputok nang sunod-sunod ang mga armadong lalaki ng nakatakip ng mga itim na maskara na tanging mga mata lamang ang kita.

Dali-dali namang nagsilabasan ang mga sikyuriti ng pamilya.

"Mga anak ko!!" Sigaw ng ina ng mga bata na nangangatog ang mga tuhod dahil sa pangambang masaktan ang kaniyang mga anghel. Tinangkang iligtas ni Mr. Takahashi ang kanyang prinsesa na naiwang nakatayo malapit sa mga kriminal.

Napalingon ang batang babae "MAMA!!!!!!!" Sigaw ng batang babae na hinablot bigla ng mga di kilalang mga lalaki. Pinilit makawala ni Mr. Takahashi, ang ama ng bata sa pagkakahawak ng kanilang bodyguards pati na din ang dalawang lalaking kapatid niya na kanina pa umiiyak ay ganoon din ang ginawa.

"Huwag kayong magtatangkang magpaputok dahil pasasabugin ko ang bungo ng batang ito" sabi ng lalaki na siyang may hawak sa batang babae na walang tigil sa pag-iyak.

Humagulgol ang ina ng mga bata dahil sa kanyang nakikita lumuhod ito at pinagdikit ang mga kamay "P-pakiusap b-bitawan mo ang anak ko p-parang awa mo na" nanginginig na pakiusap ng ginang sa mga rebelde. Ngunit hindi siya pinansin ng mga ito.

Maging ang ginoo na kung tutuusin ay kayang-kayang labanan ang mga rebelde kung hindi lamang ginawang hostage ang kanyang anak ay nagmakaawa din.

Matagal na nag-alinlangan ang kriminal na may hawak sa bata tila ba nagdadalawang isip itong pakawalan ang batang babae ngunit agad itong hinila ng kanyang isang kasamahan at sa hindi inaasahang pangyayari ay nadala ang batang babae.

May natirang isa sa kanila na tila may binabalak na masama at iyon ay ang pagpapasabog ng isang smoke bomb na may pampatulog na naging dahilan upang mawalan ng malay ang lahat ng tao na dumalo sa kasiyahan. 

She's The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon