....

Sumuko din si Aisha... (_ _")

Wala na namang imikan hanggang sa makarating sila sa mansion ng mga Estude. Doon na raw kasi titira si Aisha. Hindi na siya nakaangal. Ang ibang gamit niya ay naroon na sa katabing kwarto ni Knight, doon din siya binihisan noong umaga. Napakalaki ng silid na iyon. Puno ng mga damit ang walk in closet niya, madaming accessories, shoes, bags na mga signatured, parang pang-prinsesa lang, hindi naman sa hindi siya sanay sa malaking silid na may walk in closet. Meron din kaya siya nun sa bahay niya! Ang ikinaiinis niya ay wala doon ang mga paborito niyang outfits—leather jackets, hanging blouses, leather tight pants, black accessories. BLACK OUTFITS! Puro malalanding kulay ng damit ang naroon at mga dresses na silk and chiffon. PANG-BARBIE!!!

"Pakingsh*t! Ano ito?" Napabuntong hininga si Aisha nang pagmasdan ng husto ang laman ng closet.

Pero ang pinakaikinaiinis ni Aisha ay ang bahaging puno ng lingeries at costumes na sexy!!!

O_O ???

"Like it?" Nakapasok na pala si Knight sa kwarto niya at nasa likuran lang niya ito as in sobrang lapit.

"Ako mismo ang pumili niyang mga yan, mahilig ka ba sa role playing?" Ngiting ngiti si Knight. Pumunta pa ito sa harapan ni Aisha na may bitbit na lingerie, yung parang pang-jungle ang kulay. Itinapat pa niya iyon sa harap ni Aisha, animo'y tinitingnan kung babagay.

"Hmm... gusto mong subukan?" He smiled playfully. "I'll be your Tarzan." Kumindat pa si Knight.

Kumulo ang dugo ni Aisha. Parang may naalala kasi siya sa Tarzan na yun—si Yance!

PUT*ENANG YANCE YAN! PARE-PAREHAS SILANG MGA MANYAKIS!

Inagaw niya kay Knight ang hawak nitong sexy costume. Pinunit-punit niya iyon pagkatapos ay tinungo pa ni Aisha ang kinaroroonan ng mga lingeries at inihagis ang mga iyon samantalang ang iba ay pinunit-punit din niya. Pinanood lang siya ni Knight na parang galak na galak pa ito sa nakikita..

"I like that! You're WILD!!! Raawr!" Tuya ni Knight.

"Ikaw MANYAKIS KA! Napaka-PERVERT mo." Sinigawan niya ito sa mukha.

"DEFINE PERVERT?" Hamon ni Knight.

"YOU!" Galit na sigaw ni Aisha at dinuraan niya si Knight sa mukha. Naglanding iyon sa pisngi niya.

DUMILIM ang mukha ni Knight. Pinunasan niya ang pisngi niya gamit ang sleeve ng sweatshirt niya. Natakot man si Aisha sa ipinakitang ekspresyon nito ay hindi pa rin siya nagpahalata. LALABAN SIYA!

Humakbang palapit sa kanya si Knight..

Umatras si Aisha pero naka-porma siyang handang umatake.

HAKBANG SI KNIGHT..

ATRAS SI AISHA..

Naramdaman ni Aisha na maco-corner na sya kaiya inatake na niya si Knight.

"Hiyaa!"

Nasangga ni Knight ang suntok ni Aisha.

Sumuntok pa uli si Aisha, nahuli iyon ni Knight at inipit sa tagiliran niya ang braso ni Aisha. Mariin iyon at hindi maigalaw ni Aisha. Sobrang lapit nila sa isa't isa. Itutulak sana ni Aisha si Knight ng isang libreng kamay niya pero nahuli din iyon ni Knight kaya kung titingnan sila ngayon ay kala mo nakayakap si Aisha kay Knight.

"Gustong gusto mo talagang nahahalikan kita 'no?" Bulong ni Knight.

"Pakawalan mo 'ko." Mariin pero mahinang sagot ni Aisha. Parang empty words lang iyon na kabaliktaran ang ibig sabihin.

WHEN MISS GANGSTER MEETS HER MATCHWhere stories live. Discover now