Teaser

50.5K 908 51
                                    




Guwapo sana ngunit maldito at isnabero daw si Chance Navida, ayun sa kaibigan/kumare/assistant manager/minsan ay kaaway niyang si Iris Darlene Sonza. Kung makalait naman ang atribidang iyon ay parang wala itong atraso sa kanya. Akalain ba niyang matuklasan niyang siniraan pala siya nito noon sa high school crush niyang si Milla. Sinabi ni Iris dito na may putok siya at patay lahat ng mga kuko niya sa paa!

Sa inis tuloy ay hinalikan niya si Iris sa harapan mismo ng lalaking ka-date nito. Kaso, bakit ganoon? Bakit parang may nararamdaman na yata siyang kakaiba para sa dalaga? Pero paano naman siya mai-in-love sa isang babaeng atribida, pintasera, taklesa, intrigera at parang karpinterong kumain? Nalintekan na!


"Alright, maybe I can't stop you from resigning from your job, pero hindi ka puwedeng mag-resign mula sa puso ko."






June 3, 2019 

I am reposting this story here in Wattpad.

2011 pa ito na-publish sa PHR. Light at cutesy-cutesy lang ang story, walang mabigat na conflict. This is a fast read, walang ligoy at walang mahabang ending. LOL

I hope you all enjoy reading it! Thank you, guuuys! ^_^ ~ ML

This Guy's In Love With You, Mare (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon