"Sanay, pero sobra naman yata 'to. Nakakainip."

"Here..."

"What's this?"

Itinaas niya ang cellphone na inabot sa kanya ni Glendon.

"Maglaro ka para hindi ka mainip."

"Seriously?" Tanong niya sa hindi makapaniwalang boses.

"I'm serious." He winked

Tatawa-tawa sya'ng humarap kay Glendon na nagmamaneho.

"You're weird. Yung iba, music ang ino-offer pero ikaw? Paglalaruin mo ako nito?"

"Why not? Try to play the candy crush, game of war or racing in car. Maaaliw ka sa ganyan."

"Bakit nilalaro mo rin ba 'to?" Nakangiti nya'ng tanong.

"Yup!"

"No wonder,alam mo. Pero ayoko pa rin saka malapit na tayo. Thanks na sa offer, baka sa ibang araw malaro ko rin yan."

Ibinalik niya ang cellphone kay Glendon.

"Yeah, you should try it once in a while."

Saktong tumigil ang kotse sa harap ng mall.

"Mauna kana, pupuntahan kita sa loob. Hahanap lang ako ng parking space."

"Ok, pero bilisan mo ha?"

"Opo, Señorita."

Umismid siya kay Glendon. "Wag mo nga akong tawagin sa ganyan, nakakainis ka!" Ngumiti naman ang lalaki na muntikan nang ikalaglag ng puso niya.

"Sige na,baba na bago pa tayo mapansin ng security guard. Bawal dito pumarada ng matagal."

"Sige, basta sumunod ka ha?"

"Yeah."

Mabilis na bumababa si George. Diretso sya'ng pumasok sa mall at nagtungo sa grocery store. Hila-hila niya ang de-gulong na cart habang wiling-wili sa pagpili ng mga kakailanganin sa bahay.

Napatigil siya nang may biglang nag-agaw sa kanya ng cart.

"H'wag ka ngang manggugulat. Muntik ko nang mabato ang mayonnaise na 'to sa'yo."

Ngumiti lang si Glendon. Tuluyan na nitong kinuha ang cart at ito na rin ang humila.

"Ano'ng gagawin mo diyan?" Puna ni George nang makita ito na namimili ng pasta, cheese at kung ano-ano pa.

"I'm going to make carbonara, okay lang bang mangi-alam ako sa kusina mo?"

"Seriously? ngayon ka pa talaga nagpaalam, eh, palagi ka nga nagluluto."

Napakamot si Glendon sa ulo. Natawa naman si George sa reaksyon ng binata. Cute! She thought. Para itong bata na nahuli sa kasalanan. Tuluyan na rin natawa si Glendon hanggang sa nagtawanan na lang silang dalawa pero agad ding tumahimik dahil pinagtitinginan sila ng ibang mamimili.

...
"What can I help you?" George asked as she pull out the chair to sit down.

"Just watch me, that's all you can do."

"Yabang! Sige na kasi, tulungan na kita."

"No need, madali lang naman 'to. Just sit down."

"Siguraduhin mo lang masarap 'yan, yung mapapa wow ako sa sarap." She teased

Kumindat ito sa kanya na biglang ikina-init ng kanyang pisngi.

"Saan ka natutong magluto?"

"Hindi talaga ako marunong magluto but because of Leslie I learned how to."

SeñoritaWhere stories live. Discover now