Palihim niya itong ninanakawan ng sulyap sa salamin. Naka saksak ang earphone sa magkabilang taenga,at naka-pukos ang mga mata sa cellphone. Busy ang kamay nito sa pagpindot-pindot na kung ano.

Ibinalik niya ang pukos ng mga mata sa daan. Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kotse, kapareho lang nun na mag-isa siya. Samantala ang kasama ay tila may sariling mundo.

Ipinilig niya ang ulo. Pumasok sa kanyang balintataw ang mukha ng babae na pilit nya'ng kinakalimutan. His late fiancee. The love of his life. Ang babaeng pinangarap nya'ng makasama habang buhay,ngunit nang dahil sa isang trahedya ay biglang gumuho ang mundo niya.

Leslie,died in a car accident. Medicine student ang babae, umakyat ang grupo nito sa Baguio para sa isang medical mission ngunit nang pababa na sila ay nawalan daw ng preno ang kotse dahilan ng biglang pagkabangga sa puno bago nahulog sa bangin.

It happened 6 years ago, but the memories they've made are still fresh in his mind. Lihim sya'ng napangiti ng mapait. Muli nya'ng sinulyapan ang may sariling mundo na dalaga. Sobrang amo ng mukha nito, sa unang tingin akalain mong di makabasag pinggan pero iyon pala ay kabaliktaran.

Malayong-malayo sa ugali ni Leslie. Georgina is the opposite of her. Nag-iisa lang si Leslie para sa kanya. No one could ever replace her in his heart and life. Si Leslie pa rin ang mamahalin niya hanggang sa huli.

Pumasok ang kotse sa isang pribadong subdivision kung daan naroon ang bahay ng dalaga. Alam niya ang naturang lugar dahil nasa malapitan lang ang lupang binili noong isang linggo upang pagpatayuan niya ng main office ng kanyang security agency.

"Kumanan ka, the blue paint house." Turo ng kasama. Akala niya natuluyan na itong nilamon ng katahimikan.

Pagka-park niya ng sasakyan sa labas ng bahay ay walang imik na umibis ang babae. Binuksan nito ang gate, at ipinasok niya ang koyse. Lumabas siya bitbit ang back pack. Laman niyon ang kanyang kaunting damit. Wala sana sya'ng intensyon na makituloy sa bahay ni Georgina ngunit dahil sa paki-usap ng ninong niya pumayag na lamang siya.

Pwede siyang mag hotel muna. But he can't take the risk because of Georgina's stubbornness. Baka kung saan na naman magsusuot at mapahamak.

"We are not going to live in one roof, kaya pwedi ka nang umalis. Hindi ko na kailangan ng presensya mo."

"May binitawan akong salita sa daddy mo, Georgina. At tumutupad ako sa usapan."

"Correction, it's Señorita. Bodyguard lang kita, hindi porke't close ka sa mga magulang ko ay magiging close ka na rin sa akin. That's, no,no,no! Know your place, Glendon because you are just my puppet..." ikinuyom ni Glendon ang kamao. "Ops! I'm mean a bodyguard."mapanuyang dagdag ng dalaga.

"Insult me all you want, Señorita..."may diing pagkasabi niya. "Pero hindi pa rin ako lalayo sa tabi mo gaya ng ipinangako ko sa ama mo. Kaya masanay kang maging anino ako sa lahat ng aktibidadis mo."

Saktong pinihit ni George pabukas ang pinto, at naunang nagmartsa papasok sa loob ng kabahayan.

"Stupid!"

Nanggigil na sambit niya. Nagmadali na isara ang pinto ng mabilis namang hinarang ni Glendon.

Mula sa glass wall ng bahay ay kitang kita ni Glendon ang naiinis na mukha ng kasama. Malamig ang mga matang tinitigan niya ito na kaagad namang iniwas ng dalaga ang mga mata.

"Ano bang problema mo sa akin?" Hindi mapigilang tanong niya.

"Ikaw ang problema ko!" Binuksan nito ang nakasaradong kurtina, inis na umatras si George sabay bangga sa kanyang balikat na muntikan na nya'ng ikatumba.

SeñoritaWhere stories live. Discover now