Kwarto

2.1K 48 0
                                    

Kaede P.O.V

Andito ako sa kwarto ko
Ang ganda sobra ng kwarto ko
Umaga na ngayon siyempre hindi ko na kinuwento sa kanila ang nangyari kagabi kase pagod na ako
So shut up na lang ako!

Nakita ko sa orasan na katabi ng kama ko na 7:00 am na ng umaga
Aba, himala! Ang aga kong nagising
Kaya nag-ayos muna ako ng sarili ko naghilamos, nagtoothbrush saka nagsuklay ako ng buhok ko

Inayos ko na rin ang kama ko
Bumaba na ako
Hanggang second floor kase ang bahay ng Tita ko dito
Kung hinahanap niyo ang asawang hukluban ng Tita ko

Ayon deadbol na
Kaya napunta ang naiwan niyang business sa Tita ko
Nakita ko na nag-aayos ng almusal namin ang Tita ko

"Good Morning Kaede" bati sa akin ni Tita

"Good Morning din po" tugon ko sa kanya

Umupo na ako sa may upuan
Nakita ko ang mga handa sa lamesa
Hindi ko alam kung ano tawag sa mga pagkain namin
Iyong isa may gulay siya na may kung anu-ano

Tapos isda na tinapa ata ito, hindi ko alam
Tapos may sabaw kami na parang tubig lang na nilagyan ng knor cubes
Tapos kanin na akala mo lugaw
Ano ba iyan? hindi naman masarap ang almusal namin 😑

"May problema ba Kaede?" tanong ni Tita sa akin

"Wala po" pilit na ngiti ko
bwisit na iyan

"Ok sige!
Teka kukunin ko lang muna ang tubig sa ref.
Tapos tatawagin ko na si Yuki" sabi niya

Dahil may naisip akong kaabnormalan nag-excuse muna ako sa Tita ko na may kukunin lang ako sa kwarto ko

Umakyat ako sa taas at tumungo sa kwarto ko at hinanap ko ang phone ko
Pagkatapos kong mahanap ang phone ko ay dali-dali na akong bumaba

Nangunot ang noo ng Tita ko na makita niya na hawak ko ang phone ko

"Ano gagawin mo diyan sa phone mo?" takang tanong niya

Alam niyo kung hindi ko lang Tita ito kanina ko pa ito pinolosopo
Kase naman, ano bang ginagawa sa phone siyempre mag-gm, magpopost, magseselfie
Ano ba iyan 😑

"Itetext ko lang po sila Lola na nag-aalmusal na tayo" sabi ko sa kanya

"Ganun ba?
Sige at tatawagin ko na si Yuki pwede ka ng maunang kumain kung nagugutom ka na" sabi ni Tita at umakyat na sa taas

Kaya agad kong pinicturan ang almusal namin buti na lang at may wifi dito
Kaya madali akong nakaconnect kase tinamad akong sabihin sa inyo na kagabi binigay na ni Tita ang password niya sa wifi

Pinost ko agad yung picture
Dating 776 na friend request naging 1,020 na
Ang saya diba!

Tapos tinext ko na si Lola na andito na ako sa bahay ni Tita at sabi ko na sobrang lamig pala dito sa Japan

Tapos nag-gm ako:

Good Morning po

1st Day sa Japan
Grabe ang lamig dito saka ang ganda ng mga tanawin
kaya lang nakakainis kase sila ang puputi nila samantala ako kayumanggi pero proud tayo maging kayumanggi
Dahil Pilipina at Pilipino tayo

Btw GYBF don't skip ok

#Japan <3

Iyan ang tinext ko at ayun nag reply agad sila Margie at Angel
Ang dami ko daw alam 😑
Ang sagot ko na lang sa kanila "e di wow"
Sarap sipain ng mga mukha nung mga kutong lupang iyon
Tapos si Jen sabi niya "enjoy your day"
Sabi ko "oo naman"

Si Lance naman ang nagtext sabi niya Namimiss na daw niya ako
Sabi ko "ako rin"
Siyempre nakakamiss din ang mga kaibigan ko

Tinigil ko na ang pagtetext at pinatay ko na ang wifi ko
mamaya ko na lang titingnan ulit iyong phone ko
Biglang bumaba na si Tita kasama si Yuki at tumungo na sila sa dinning area kung nasaan ako

"Oh?
Bakit hindi ka pa kumakain Kaede?" tanong ni Tita sa akin

"Hindi po kase magandang kumain mag-isa
Kaya hinintay ko na lang kayo bumaba" e di wow Kaede!
Ikaw na mabait hinayupak ka!
Nakakainis kase, kung filipino foods iyan
Baka kumain na ako kanina pa

"Ganun ba?
Ok sige kain na tayo" umupo na sila Tita at nagsimula na silang kumain

Ako, tinitingnan ko lang sila
Like, hello.
Hindi ako marunong magchopstick kabanas naman

"May problema ba Kaede?" tanong ni Tita sa akin

"Hindi po kase ako marunong magchopstick" sabi ko sa kanya

"Kuha ka na lang ng kutsara at tinidor doon sa kusina
Ok lang iyan Kaede first time mo pa lang naman na gumamit ng chopstick
Kapag tumagal ka na dito masasanay ka rin" ngiting sabi ni Tita sa akin

Kaya tumayo ako at pumunta sa kusina malapit lang ang dinning area sa kusina
Pagkakuha ko ay umupo na ako at nagsimula ng kumain pero napangiwi ako sa lasa ng kanin

Bwisit na iyan!
Anong lasa ito? parang ewan lang
pagkain ba matatawag mo dito?!
Nakakasuka, ano ba iyan?!
Pero kailangan kong ubusin ito dahil nakakahiya sa Tita ko
Bwisit na iyan 😣

Habang nginunguya ko ang pagkain
Parang gusto kong isuka ang pagkain ko
Pero kailangan ko itong ubusin para sa anime

Pagkatapos ay nakaraos na din ako
Niligpit ko na ang pinagkainan namin
Si Tita ay pumunta sa kwarto niya may kukunin daw siya
Si Yuki ayun tinarayan ako
Iyong kutong lupang iyon
tarayan ba naman ako!
hinayupak siya

Pasalamat siya at anak sya ng Tita ko
kundi titirisin ko talaga iyong hinayupak na iyon

Kaya hinugasan ko na ang mga ginamit naming mangkok, kutsara, chopstick, platito, baso at tinidor

Pagkatapos ko maghugas ay umakyat muna ako sa kwarto ko dahil gusto kong magpahinga
Sumakit ang tyan ko sa mga kinain ko

Grabe almusal pa lang iyon
Ano kaya mamayang tanghalian
Bwisit papayat ako dito,ehh 😑

My Vampire Master (Editing)Where stories live. Discover now