Our first kiss

100K 1.1K 7
                                    

I love you Lance! Please love me too!

"Pat! Anong ibig sabihin nito?"

Nagulat si Pat sa sigaw ng bestfriend niyang si Kat, ang sarap ng kaniyang pag da daydream eh! Sinulyapan niya ito at lalo siyang nahimasmasan sa itsura niya, di niya alam kung matatawa ito o matatakot. May hawak itong mumurahing pares ng tsinelas at nakatiwarik pa ang mga daliri na parang diring diri sa hawak.

"Hoy, Patricia Louise Navarro! Tinatanong ko kung anong ibig sabihin nito?" -sabay taas sa hawak niya.

Well hindi na siya makapagsalita, dahil di nya alam ang sasabihin. di niya masisi ito sa kaniyang reaksyon. Siya, si Patricia Louise Navarro, nag iisang anak at tagapagmana lang naman ng isang nagmamay ari ng malalaking kompanya sa taltong bansa.Kilala siya bilang isang sosyalera, fashionista at perfectionist. Maarte siya at aminado naman siya doon. Gusto niya lahat ng atensyon ay nasa kaniya.Lahat ng lalake gusto siyang maging kasintahan, wala siyang sinasagot sa mga nanliligaw sa kaniya pero umaasta silang parang nobyo niya at hinahayaan lang naman din niya, magsasawa din sila. Kahit binansagan siyang "The Bitch Princess", di niya iyon pinapansin, kasi simula palang nasa iisang tao lang ang atensiyon niya.

"Ha! Give it back to me Kat." - sabay agaw sa tsinelas.Para sa kaniya isa iyong kayamanan na dapat pag ingatan.

"Wha-t? Duh! Pat, I don't know what to say! My Gosh! alam mo ba kung ano yang hawak mo?"- naiiratang sabi ni Kat.

"Yah! Slippers."simpleng sagot niya.

"Yeah! yan na ba ang uso ngayon? Bat di ako na inform? That's cheap!" nanggagalaiting sabi nito.

"Ah, Kat. maganda naman diba? Bagay sakin. Look!" sabay tanggal sa sapatos niya at sinuot ito.

Lalong di maipaliwanag ang itsura ng kaibigan niya sa ginawa niya!

'Are you kidding me Pat?! Nagsawa ka na ba sa mga mamahalin mong mga tsinelas. "Medyo napalakas ang boses ni Kat.

Medyo nahiya na siya dahil pinagtitinginan na sila ng mga estudyante. Nasa library silang magkaibigan pinilit niya si Kat para magpunta doon. Masyado siyang masaya kaya nainspire siyang mag research ng notes nila na dati naman pinapagawa lang niya kay Kat. Naalala niya ang suot niyang tsinelas, nagningning ang kaniyang mga mata ng maalala niya kung sino nagbigay ng mga iyon..

Flashback

Kat, I have to go! Nandiyan na sundo ko!-at nagmamadaling kinuha ang shoulder bag niya.

Wait Pat! -tawag ni Kat na naguguluhan.

Hindi na niya pinansin ito. Mahalaga ang kaniyang pupuntahan, at lingid sa kaalaman ni Kat iyon. Ayaw niyang ipaalam sa kaibigan ang pinaggagawa niya nitong nakaraang mga buwan dahil siguradong makakarinig siya ng galit dito at baka pagbawalan pa siya nito. Nagi guilty man siya pero hindi na siya papipigil gagawin niya lahat para sa larangan ng pag-ibig. Yes, she's inlove for the first time! Pero ito din ang first time niyang maghabol sa isang lalake. Natawa siya sa sarili niya. Ngayon ay tumatakbo siya palabas ng gate ng kanilang unibersidad, suot ang 4 inches black shoes niya. Tinawagan niya ang driver niya bago pa ang uwian para hindi na niya ito sunduin. Ngayon kailangan niyang magmadali para maabutan ang kaniyang pakay. Ilang buwan na ba siyang sumusunod sa taong gusto niya? Tatlo? Apat? Yes! Stalker siya, ang isang Patricia Navarro ay isang stalker! The Stalker Princess na siya ngayon!

Ouch! natapilok siya, sa bakubakung eskinita na linalakad niya. Ang sosyal na katulad nya ay naglalakad sa ganoon na lugar, ano kaya masasabi ng kaibigan niya pag nakita siya sa ganung sitwasyon. Hindi siguro mai explain ang itsura niya, knowing Katarina Issabelle Fuentes, ang babaeng mas maarte pa sa kaniya, bubungangaan siya nun for sure.

Itumba mo na iyan! Siguraduhin mong walang makakakita.- tinig iyon ng isang lalake.

Napatigil si Pat sa paghakbang. My God! ano bang napasok niya? Bakit kasi nandito siya. Syempre dahil desperada ka na! sagot ng isip niya. Tama ba ang lugar na napuntahan niya? Iyon ang sinabi ng taga inform niya na nandito daw ang ini stalk niya. Parang nagsisisi siyang nagpunta pa sa lugar na iyon, pagod na ang mga paa niya dahil sa kanina pa siya naglalakad tapos ganoon pa masasaksihan niya. Bahagya niyang sinilip ang pinanggalingan ng boses, dalawang lakake ang nakita niya.halatang mga gangster. Nasaan iyong itutumba? akala niya makakasaksi na siya ng krimen. Pero nagulat siya ng binuksan ang drum na nasa harap ng mga ito, may tao dun at nagmamakaawa. Itinutok ng isa ang baril sa ulo ng lalake, Napaatras siya at nangagatal na siya sa takot. Ayaw niyang makita ang susunod na mangyayari. Sa pag atras niya ay bigla siyang natapilok at nabali ang takong ng sapatos niya.Hindi niya nabalanse ang katawan dahil sa nangangatog na ding mga binti niya, matutumba na siya ng biglang may mga bisig na sumalo sa kaniya. At bago siya makasigaw tinakpan na nito ang bibig niya at pinaharap sa kaniya.Tinakpan nito ang kaniyang tenga ng biglang may narinig siya. Putok iyon ng baril! Dalawang beses! Sa sobrang takot niya napasiksik siya sa malapad na dibdib ng lalake. Gusto niyang sumigaw sa takot ng biglang..

Miss alam mo ba itong pinasukan mo?- galit na inilayo siya ng lalake sa kaniya.

I- I'm so- Nanginginig parin ang boses niya.Naiiyak na siya ng biglang napatitig siya sa mga mata ng lalakeng tumulong sa kaniya. Nagulat siya ng mapagsino ito.-" Lance?"

Nangunot ang noo ni Lance.

Lawrence Saavedra? -nagliwanag ang mga mukha ni Pat. Kung sweswertehin ka naman o! Ang saya niya bigla, parang walang kagulohang nangyari.

What is with you Miss! Kasama ka ba nila?- naiiritang tanong nito.

Ha? Me?-nangagatal siya. Syete! ganito pala pag kaharap mo na ang lalakeng pinapangarap mo. Ang dami kung gustong sabihin pero walang lumalabas sa bibig ko. Mag coconfess na kaya ako ng feelings ko? My Ghush! Ano kayang itsura ko! Iyong mga mata niya, nakakatakot mayron siyang Devil Eyes, ang tangos ng ilong niya. Lord! Thank you sa pagkakataong ito na binigay mo! Napadako ang mga
mata niya sa mga labi niya at di na niya napigilan sarili niya. Hinalikan niya ito.

What the f*ck!- nagagalit na singhal ni Lance pagkatapos ng dalawang segundong nagdampi ang kanilang mga labi.

Oh my! Totoo ba un? Hinalikan ko siya? Nagawa ko! Pero ano na?

My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon