CHAPTER 1

261 18 14
                                    

TO LOVE HIM IS A SIN
Written by: ANTROVERT


"Gray gumising ka na nga diyan! Ano ba? Kailangan mong maagang makapunta sa University para maaga kang matapos sa pag-eenroll."

Galit akong napaungol sa talak ni Mama. Ito na e! Nakakainis talaga 'to e! Inis at antok akong napabangon. Nakapikit pa ang isang mata ko habang kinukuha ang aking tuwalya at mabagal na nagtungo sa banyo.

"Gray Scarlet!!! Ano ba!" Galit ulit na sigaw ni mama. Ugh! I hate my complete name.

"Oo po! Gising na po ako! Naliligo na."

Habang naliligo ako ay pakiramdam ko tulog pa ako. Kainis lang talaga e! Ayaw ko namang kontrahin si mama dahil tama naman siya kailangan ko ng maenrol dahil bukas na magsisimula ang pasukan.

Pagkatapos kong makaligo ay tinuyo ko muna ng tuwalya ang aking buhok. Nagbibihis na ako ng itim na loose tshirt at jeans. Pagkatapos ay bumaba na ako para makakain.

"Sa wakas ay bumaba ka rin!" Si mama habang naabutan ko siya sa sala. "Oh hetong pambayad ng tuition at ito ang allowance mo." dagdag niya sabay abot ng pera.

Tumango ako at tinanggap iyon. "Salamat ma."

Tumango siya at tinuro na ang kusina. "O siya! Kumain ka na dun."

"Opo."

***

Nakapila na ako para sa cashier upang magbayad at makuha ko na ang aking schedule ng mapansin ko ang pag gulo ng mga babaeng estudyante rin na unang nakapila sa akin. Nagbubulungan sila at parang kinikilig habang may tinintingnan sa likuran ko. Dahil sa kuryosidad ay nilingon ko kung sino ang pinagkaguluhan nila.

May nakita akong grupo ng kalalakihan na naglalakad palapit sa registrar's office na nasa tabi lang din namin. Ngunit napako ang tingin ko sa isang lalake na naunang maglakad. Walang emosyon ang mukha ng lalakeng 'yon habang nakapamulsa ang dalawang kamay. At ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang mga tattoo sa kanyang braso at may kunti pang guhit na sumungaw sa kanyang dibdib. Allowed pala ang ganyang estudyante rito? Ang may napakaraming tattoo sa katawan Arg! Ano bang paki ko dun?!

Ibinalik ko na ang tingin ko sa harapan ko habang naabutan ko pa rin ang mga babaeng nakapila doon na nakatingin pa rin doon sa lalake. Tss. Ano bang meron sa lalakeng 'yon at halos lahat ng tao ay nasa kanya ang atensyon. Ang kanyang TATTOOS ba? Or whatever!

Nang matapos na akong makapagbayad sa cashier at makuha ang aking schedule ay pumunta muna ako sa cafeteria ng University na ito. Mabuti nalang at maliit lang ang paaralang 'to at hindi ako nahirapang tuntunin ang cafeteria nila dito. Tanghali na rin at nakaramdam na ako ng gutom kaya mas mabuting kakain nalang muna ako. Matapos kong makapag-order ay pumunta na ako sa isang bakanteng mesa para makakain na.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko ng mapansing halos lahat ng nasa cafeteria ay sa akin nakatingin. Nagtaka ako kaya tiningnan ko ang sarili ko. May dumi ba ako sa mukha o ano? Kumunot ang noo ko sa inasal nila kaya hindi ko nalang sila pinansin. Ayaw ko pa naman na tingnan ako o nasa akin ang atensyon. I don't want any attention from them! Gusto ko invisible akong mamumuhay sa paaralang ito.

Akma ko ng isubo ang inorder kong spaghetti nang mapansin ko ang pagtahimik ng buong cafeteria. Taka akong napaangat ng tingin at nakita kong pumasok ang lalakeng walang emosyon ang mukha at ang may napakaraming tattoo sa katawan na nakita ko kanina sa cashier's and registrar's area. May apat na lalakeng nakasunod sa kanya. Lahat ng tao sa loob ng cafeteria ay sa kanya ulit nakatingin. Great! Nagtataka na talaga ako kung anong meron sa taong 'to bukod sa kanyang tattoo.

Ngunit ang mas ipinagtaka ko ay naglalakad silang lima palapit sa mesa ko. What the! Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa pagkain ngunit napatigil ako ng magsalita ang lalakeng cold na nasa harapan na ng mesa ko ngayon.

"Alis." malamig at walang kaemo-emosyon niyang utos dahilan upang kunot-noo akong napaangat ng tingin.

"Anong sabi mo?"

"I said, leave." malamig ngunit may diin niyang sabi.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Bakit naman ako aalis? Ano bang karapatan niya para utusan akong umalis sa mesang 'to! Bastos lang ah? Kumakain yong tao tapos paaalisin niya! At sino ba siya sa tingin niya? huh? Para manduhan ako!

"Bakit ko naman gagawin 'yon?" irita ko ng tanong.

Nanliit ang mga mata niya at kita ko ang pagtiim bagang niya.

"You're at the wrong table." malamig ulit ang pagkakasabi niya ngunit may diin iyon. Ang apat na kasama niya ay masama na rin ang tingin sa akin.

"Oh! Bakit sayo ba ang mesang 'to?" sarkastiko kong tanong.

Malamig lang akong tiningnan ng lalake at nanlaki ang dalawa kong mata nang kinuha ng dalawa niyang kasama ang mga pagkain ko sa mesa at tinapon iyon sa basurahan matapos silang magtangoan. Kumulo ang dugo ko sa ginawa nila sa pagkain ko. Nanliit ang mga mata ko sa kanila at hindi na napigilan ang sarili kong kunin ang bottled water na naiwan at ibuhos iyon sa mukhan ng lalakeng cold. Gulat ang mukha niya pati mga kasama niya sa ginawa ko.

"How dare you! Tinapon mo ang pagkain ko! Ano bang karapatan mong gawin 'yon!" Galit na galit kong sigaw sa lalakeng cold na 'yon matapos ko siyang mabuhusan ng tubig.

Napapikit siya at nagtiim bagang habang tumulo ang tubig sa kanyang mukha patungo sa damit niya.

"Wala kang karapatang gawin 'yon! Sino ka ba sa akala mo huh?" dagdag kong singhal sa kanya.

Nanliit ang mga mata niyang nakatitig lang sakin. "Kung hindi mo 'ko kilala. You better leave now. And make sure hindi na tayo magkikita ulit. Dahil pag nangyari 'yon magsisisi ka." malamig at may diin niyang saad.

Bumilis ang paghinga ko sa sobrang galit at kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Aalis talaga ako! Damn you!" sabay nun ay ang pagwalk out ko palabas ng cafeteria. At napansin kong lahat ng atensyon ng mga tao roon ay nasa akin na pala. Ugh!

To Love Him is a SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon