Instant Bakasyon

2.1K 26 1
                                    

Ba ba ba ba ba na na ( Ba ba ba ba ba na na)

Banana ah ah

Potato na ah ah

Banana ah ah

Sa sobrang irita ni D.O. sa ring tone ni Sehun, hindi niya napigilang takpan ang tenga niya kahit sinabihan na siya ng make-up artist nila na huwag gumalaw.

To ga li no potato ni ga ni ba no ba ni ka no ji ga

Ba ba ba banana

Yo plano hu la pa no no tu

Ma banana like a nupi talamu

 Sa sobrang lukot na ng mukha ni D.O., daig pa niya ang pinigang labahin sa sobrang gusot ng mukha niya.

Banana baba Potato ho oh

To ga li no potato ni ga ni ba no ba ni ka no ji ga

Ba ba ba bananaaaaaaaaaaaa

“Sagutin mo na kasi ‘yang phone mo.” Sabi ni Suho sa bunsong humehead bang pa sa ring tone niya.

“Maya na hyung. Nag-eenjoy pa ako.” Tanggi ni Sehun.

Napa-face palm na lamang ang iba habang pinapanuod ang kalbaryo ni D.O.

Lumapit si Kai na katatapos lang lagyan ng BB cream at tinapik-tapik si D.O. sa balikat, “Bata hyung. Pagbigyan muna, pag lumaki na saka natin resbakan.”

Narinig ng buong grupo ang bulong kuno ni Kai sa nakatatanda.

“Tama! Tama!” pag-sang-ayon naman ng lahat.

“Sumbong ko kayo kay Manager.” Angil ni Sehun na nilapitan si Kai, hawak hawak ang cellphone nito at inaambang ihampas ito sa ulo niya.

In a defensive position naman agad si kai.

“Mahiya ka naman Sehun sa mga noona natin dito. Nakikita nila ang pagiging isip-bata mo.” Biro ni Baekhyun na nakaharap pa rin sa salamin para maglagay ng eyeliner.

“Excuse me~” sabi ni Chen na napadaan sa likuran ni Baek at dahil sa ‘di sinasadyang pagkakataon, nabunggo ni ChenChen ang likuran ni Baekhyun.

“Ay! Namaaan~”

Lagpas na tuloy ang eyeliner nito.

“Ingat ingat rin kasi.” Paalala ni Lay.

Medyo, nakakahilo ang ibang miyembro dahil sa pababalik-balik na paglalakad nila sa loob ng dressing room. Goodbye stage na kasi at kahit pagod na sila, on the hype pa rin silang magpakitang gilas at magpakilig ng madlang girls sa Music Bank.

“Sorry~” paulit-ulit na paghingi ng tawad ni Chen kay Baekhyun.

“Nu ka ba, tama na. Okay lang, may 15 minutes pa naman. Chanyeol, paabot naman ng wet tissue.”

“COMIIIIIIINGGG!~”  Galing pa sa rest room si Chanyeol nang marinig niya ang tawag ng Baekkie my labs niya kaya agad naman niyang tinugunan ang pangangailangan sa wet tissue nito.

Tinakpan ni Kris at Luhan ang mga mata ng kanilang mga coordinoona.

“Noona, censored na ang susunod.” Biro ni Kris.

“For our eyes only lang po.” Dagdag pa ni Luhan.

“Baka kung ano isipin nina noona sa’tin.” Singit ni Chanyeol.

“Matagal naman ng duda ang mga tao sa kasarian natin no, ano pang bago?” sagot ni Baekhyun habang binubura ang lumagpas na eyeliner.

Sa gilid, dahil relax at kalmado na ang mukha ni Kyungsoo na inaayos na ang damit,nakaisip ng trip ang dalawang bunso ng K at M.

Temptation Island [ EXO Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon