"Hello." Kimi kong bati, "may kailangan ka?"

He smiled again. A friendly smile. So I did, I smiled back. I don't want to be rude. Nakapamulsa siyang lumapit sa bench, umikot siya sa kabila at naupo. Dali-dali kong isinilid sa bag ang sketch pad ko. Ayokong may makakita ng ginagawa ko, lalo na't hindi ko siya kilala.

"I'm Alfred." He extended his hands to me, "a-ako..." napakamot siya ng ulo. "Ako nga pala 'yung nakatama ng bola sa'yo sa gym noong isang araw, sorry nga pala."

"Sorry hindi ako nakikipag-kamay."

Medyo awkward siyang tumawa at hinila pababa ang kamay.

"Galit ka pa ba sa 'kin?" He asked.

"Bakit naman ako magagalit sa'yo? Sabi mo nga hindi mo sinasadya 'di ba?"

"Sorry talaga, hindi ko talaga sinasadya." Napakamot siya sa ulo. Siguro kong sa ibang babae. He looks cute but for me? Walang epekto ang charms niya. I feel bad. Ang sama ko, kasi hindi man lang umipekto sa'kin ang pagpapa-cute niya. Pero parang may kakaiba sa kanya.

"Na-isturbo ba kita?"

Gusto ko sanang sagutin ng oo, pero mukhang mabait naman. Umiling na lamang ako. Hindi ako sanay makipag -usap sa iba maliban kay Freya at Clarke. And I don't know how to start a conversation with him. How I wish he noticed me that I don't want his company.

...
"BES! Sama ka sa amin."

I turned my gaze to Freya.

"Saan?"

"Sa labas, may dinner ang basketball team. Sasama ang ibang girls. Sumama kana rin."

"Ano ako, gawin niyong chaperon? 'Wag na!" Inayos ko ang mga libro ko at isinilid sa bag. Katatapos lang ng last subject namin at uwian na.

Nakakabingi ang ingay ng mga kaklase namin. Parang high school lang. Umikot ang magagandang mga mata ni Freya.

"KJ mo talaga. Chaperon agad? Marami tayong girls, kaya sige na bessy! Please, please?" She hold my arms while pleading as if it is effective to me.

"Hay, naku! Tigilan mo ako Freya. Ikaw okay lang sa'yo, kasi nandon ang fiance mo. Eh ako?" I pointed myself, " look at me? Mukha ba akong bagay isama sa grupo?"

Umingos siya sa 'kin.

"Bakit maganda ka naman, ah? Saka, huwag mo ngang i-down ang sarili mo, bes. You're pretty, kaso tinatago mo diyan sa malaking salamin mo at sa palaging naka ponytail mong buhok. Kaunting make over ka lang, bes. Magiging girl crush kana ng buong campus like me."

Ang lakas lang ng hangin ng isang 'to. I rolled my eyes ceilingward. Ayoko pa ring sumama. Mas gugustuhin ko pang magmukmok sa bahay kaysa lumabas.

"Sorry, bessy. It won't work. Hindi pa rin ako, sa.sa.ma. sa.inyo, the end. Ciao! Enjoy the dinner, bes!" Tumakbo ako palabas na tumatawa habang siya ay iiling-iling. Ngunit napahinto ako malapit sa pinto nang makita si Clarke na nakatayo roon kasama ang teammates.

Sandaling nagkatitigan kami. Kimi akong ngumiti, tumango naman siya sa 'kin. Tumungo ako at pinagpatuloy ang paglabas. Binaliwala ko ang mapanuyang tingin ng teammates niya sa 'kin.

I'm not geek. Hindi naman ako manang manamit. I just love wearing round glasses and braces. Parang si Betty Lafea. Malayo na ang agwat ko sa kanila ngunit rinig ko ang pag-uusap at tawanan nila.

Mga lalaki nga, laitero naman! Pagkalabas ng university ay pumara na ako ng taxi diretso sa bahay. This is how my day end in university.

...
Pagkapasok ko nabungaran ko sina mama at papa. May bisita? Napahinto ako sa paghakbang nang mapagsino sila. Sabay natuon ang mga mata nila sa 'kin. Si mama ay tumayo at sinalubong ako.

"Ang aga mo ngayon."

"Maagang natapos ang klase ko, 'Ma."

Lumapit ako sa mga bisita at nagmano isa-isa. Mga magulang ni Clarke ang bisita namin.

"Kay gandang bata. Ilang taon ka na, iha?" Mama ni Clarke.

Ngumiti ako. "Salamat po. 18 na po ako."

"Naku, bagay na bagay kayo ng binata naming si Clarke." Singit ng papa ni Clarke na sinang-ayunan naman ng asawa nito.

Kimi akong ngumiti. Bumaling ako kay papa at naupo sa tabi niya. Papa knows everything about me. Inakbayan niya ako, si mama ay naupo rin sa tabi namin.

"Bagay nga ang mga bata, kumpare."

Lihim kong siniko si papa. Alam naman niya ang lagay namin ni Clarke, pero heto siya't ginagatungan pa ang nais iparating ng mag-asawa.

"Naku, maghahanda na muna ako ng hapunan natin. Dito na kayo maghapunan, mare, pare." Tumayo si mama at pumasok sa kusina.

"So, kamusta kayo ni Clarke, iha? Nagkakasama rin ba kayo sa loob ng campus?" Ang papa ni Clarke.

"Madalang lang, ho. Ahead kasi si Clarke sa 'kin, saka 'yung girlfriend niya ang madalas niyang kasama."

Nakita ko kung paano nangunot ang noo nilang mag-asawa at nagkatitigan pa.

"Girlfriend? May girlfriend si Clarke? Abay, ang batang iyon. Hindi man lang sinabi sa amin." Wika ng papa ni Clarke.

"Sorry po ang daldal ko. Baka magalit si Clarke at nasabi ko sa inyo 'to."

"Naku, huwag kang mag-alala, iha. Ikaw ang gusto naming maging manugang at hindi ang kung sino man."

Naalarma ako sa pagkasabi ng papa ni Clarke, may pinalidad iyon. Ayoko pa naman ng away. Baka parehong magalit ang dalawa sa 'kin kapag nalaman nila na ako ang nagsabi.

"A-ah... tito, mga bata pa naman po kami, natural lang naman na magka-girlfriend si Clarke."

"Tama ang anak ko, kumpare. Hayaan niyo na muna ang binata niyo. Total, may isang taon pa si Carlin sa kolihiyo. At si Clarke, magtatapos na. Saka na natin pag-usapan ang tungkol sa kanila kapag nakatapos na itong anak ko."

Kumabog ang dibdib ko. Ibig sabihin ipinagkasundo kami ng mga magulang namin? And how come na hind alam ng mga magulang ni Clarke ang tungkol kay Freya? Engaged na sila, ngunit walang alam sina tita at tito. Oh, my! May bahagi ng puso ko na masaya at mayroon ding malungkot. I want to be loved by him pero sana iyong kusang pagmamahal. Ayoko manlimos!

Mahaba-habang pag-uusap ang namagitan sa mga magulang namin. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila dahil pagkatapos maghapunan ay bumalik na ako sa aking silid. Hinayaan ko sila na mag-usap. Hinarap ko na lamang ang laptop ko.

I viewed Freya's account, my new uploaded photos siya. I mean marami sila at nagkakasayahan. May mga stolen shot din nila ni Clarke na sobrang sweet. Parang pinipiga ang puso ko, pero ano nga ba ang magagawa ng lihim na pagmamahal ko kay Clarke? Wala. As in wala.

I wipe my tears away. Bakit ba ako nasasaktan gayong wala naman silang ginagawa sa'kin? Pinapahirapan ko lang ang sarili ko. Pareho silang in a relationship at engaged na ang nakalagay. I closed my laptop bago pa muling tumulo ang mga luha ko.

Tumihaya ako sa kama. I removed my eye glass. Inabot ng kamay ko ang maliit na salamin sa loob ng drawer sa gilid ng bedside table ko. I look at myself... sino nga naman ang magkakagusto sa kagaya ko? Aside sa makapal na kilay ko, ang pangit siguro ng braces ko. Saka ang malaking bilog na salamin ko. Makinis din naman ako, matangos ang ilong. Gusto ko kapag nagkagusto sa'kin si Clarke ay sa ganito kong hitsura hindi dahil sa binago ko ang sarili ko.

Ayokong mahalin niya dahil sa nagbago o naging maganda ako. Gusto kong mahalin niya ang lahat ng kapangitan ko. Kung ano at sino ako. Pero asa pa ako! Matigas lang talaga 'tong ulo ko.

Ibinalik ko ang salamin. Kinuha ko ang phone ko, I have his photo in my phone pero nakatago at stolen shot iyon. Mahirap nang mahuli. I am silently obsessed with him. But I know how to distance myself. Mayroon pa akong delecadeza.

"Why can't I get you out of mind? Hindi ko ginustong mahalin ka, kung pwede lang palitan ang puso ko para pain free na ako ay gagawin ko. Ang hirap mong abutin, kasi komplikado.
So here I am, have to be contented looking at you from a distance."

This is how painful to love your best friend's boyfriend. Painful as knife. It stabs you unconsciously.

TBC

The HeartlessWhere stories live. Discover now