Chapter1

21 1 0
                                        



Issa

Magiisang buwan na ako dito sa Maynila pero isang tanong padin ang nasa isip ko: ANO BA ITONG PINASOK KO? Binigyan ko lang ng problema sarili ko nung pumayag ako sa gusto nila Nanay at Tatay na mamuhay magisa sa condo at pumasok sa Edinton College. Pano naman magsusurvive ang isang Issa Roque sa mundo ng mga sosyal? Regular usap nga lang ng mga kablock ko straight English na eh, ako eto, trying hard padin kahit taglish lang naman. Tapos lahat sila nakamake up, sexy, nakahigh heels, updated ang gadgets at anak mayaman. Di ko alam lugar ko dito. May kaya naman kami kahit papano, kaya lang sinanay kami ng mga magulang ko sa simpleng pamumuhay. Di kami mahilig magmall o magsine, di pa ako nakapunta ng bar para pumarty, di nahilig magtv, kahit sa damit ayos lang sakin pinaglumaan ni Ate Irish. Ang bonding ng pamilya? Basketball at picnic sa bakuran. Ayun, pagkain lang talaga ang tanging bisyo naming mag-anak. Kaya nga di nakapagtatakang ang laki kong tao eh.

Don't get me wrong. (Naks English! Sabi ko sa inyo nagppractice ako eh.) Mababait ang mga tao sa school. Pero I somewhat feel I don't belong. Di tulad ng maliit na highschool sa probinsya na pinangalingan ko. Sa liit non, everyone knows everyone. At napakawelcoming doon. Iba't ibang klaseng ng tao kami, pero lahat nakikisama at buong classroom, close sa isa't sa. Mula kasi kinder magkakakilala na kaming magkakaklase. Dito, okay naman, di naman sila masungit. Nothing negative pero hindi din positive. Neutral lang. Pero halos wala kasing pakialamanan. Lahat kasi may kanya kanyang barkada. At lahat busy sa kanya kanyang lakad. Ang bibilis pa maglakad. Malamang naman siguro sa lahat ng college sa Manila ganito. Sa dami ba naman kasi ng estudyante dito, ewan ko lang kung may oras pa kilalanin o kahit mamansin man lang ng iba.

Unti unti naman akong nakakapagadjust pero hindi padin talaga. Okay naman sila, nagkkwentuhan din kami kaso di ko sila kavibes gaano. Iba kasi sila magsalita at manamit. Iba din hilig nila gawin. Pagkakain sila, salad lang! Hala! Eh di pwede sakin yun! Baka mamatay ako pagdi ako nagkanin 3x a day. Di naman ako masyadong lapit sa mga lalaki kaya wala din. Mukang okay pa naman trip nila. Di din ako marunong lumapit sa kanila ng hindi nagmumukang nanlalandi. Ayoko din no, baka mainlove pa ako. Hello, NBSB to. Matagal akong nagpipigil magjowa kasi iniisip ko magtatapos muna ako ng pag-aaral. Sabi nga ni Nanay sakin bago ako umalis, 'Career muna bago love life.' Kaya pagnagkakacrush na ako, inuulit ulit ko yun sa harap ng salamin. Sabi naman nila, pagnakatapos na ako at may magandang trabaho, madali na nun manungkit. Haha. Pero ang totoo, di din karamihan nanligaw sakin. I'm not the girlfriend material. Medyo manang kasi ako manamit. At macho pa kasi ako sa kanila gawa ng kakabasketball ko. Pero linawin ko lang ha, MAGANDA PO AKO.

Sinubukan ko naman magfit in. Kinilala ko lahat ng girls sa room pero wala eh. Who knows, baka magreshuffle daw next sem. Sana makakita na ako ng kaibigan na maiintindihan ako. Pero ngayon, kahit anong subok ko magfit in, wala talaga. Di na ako masaya. Kailangan ko ng kaibigan na kapareho ko ng wave length. Kailangan talaga ng kaibigan pangboost ng morale ko. Nakakabaliw kasi ako dito. Probinsyana pa naman ako tapos ako lang mag-isa. Malayo kasi sa condo yung bahay ng kamag-anak ni Tatay dito. Sayang din kasi yung bestfriend kong si Jenna, dapat sabay kami dito mag-aral sa Manila eh. Kaya lang di siya kayang paaralin sa Maynila ng mga magulang niya. Yan tuloy, ako lang nagdurusa dito.

Dear StrangerWhere stories live. Discover now