"Salamat Doc."-agad siyang lumapit sa tabi ni Rhian at hinawakan ang kamay nito. "Panget andito ko, mabuti naman at walang masamang nangyari sayo. Pinag alala mo ko masyado. Wag mo ng uulitin 'to ha?"-paki usap niya kay Rhian habang tulog ito. Di naman mapigilan ni Glaiza ang maiyak.
.
.
.
.
Pinalipat na ng parents ni Rhian sa maayos na kwarto ang kanilang anak. Para hindi sila mag usapan ng mga tao, because of Rhian's popularity bilang boyfriend ng isang actor at anak ng isa sa mayayaman sa Pilipinas.

Pag gising ni Rhian, instead kamustahin siya ng Dad niya sermon ang binungad nito sa kanya. Dahil may mali si Rhian sa nangyaring aksidente.

"My god Rhian! Are you out of your mind? Papatayin mo talaga kami ng mommy mo sa pag aalala sayo? Kapag nalaman to ng mga tao at manews tayo baka sabihin nila pabaya kaming mga magulang sa anak namin. Rhian mag isip ka naman, at ayusin mo yang sarili mo cox your being irresponsible!"-Dave

"Dave tama na yan, masama na nga ang lagay ng anak mo senisermunan mo pa. Mahiya ka naman kay Glaiza, at wag mo naman ipahiya ang anak natin."-pagsaway ni Claire.

"Mom Dad, im so sorry. Hindi ko naman po alam na may truck sa harap. Gulong gulo po ang isip ko that time, because of our break up. Hiniwalayan po ako ni Paulo."-she explained at muli nanamang umiyak. Naawa naman si Glaiza kay Rhian.

"Shhh anak tama na, wag ka ng umiyak. Maayos din ang lahat okay? Sa ngayon magpagaling ka muna."-Claire.

"Kahit ano pa ang irason mo, you must responsible to your action para hindi napapahiya ang pamilya natin! Claire kakausapin ko muna ang head ng Hospital para sa confidentiality na nangyari. Kausapin mo muna yang anak mo."-sabay labas ng kwarto at desmayado sa nangyari sa anak.

"Anak pagpasensyahan mo na ang Dad mo nag aalala lang yun sayo. Wag mo nang uulitin to ha?"-Claire.

"Yes Mom, hindi na po. Mom I want to talk to Paulo gusto ko pong ayusin ang relasyon namin. I wanna go home."-Rhian

"Rhi dumito ka muna, saka muna kausapin si Pau kapag okay kana."-Glaiza.

When True Love Comes Arrived (COMPLETED)Where stories live. Discover now