"Daddy!" Biglang pumasok si Thalia sa loob ng office. Humihingal pa ito, nakasunod naman sa kanya ang ilang guards na animo ay hinahabol siya. Bawal kasing basta-bastang pumasok sa loob ng home office ni Justavo Estude.

"Let her in!" Ma-awtoridad na sabi ni Justavo sa mga gwardya.

"DADDY! Si Jin! Si Jin ang kumidnap kay Aisha!" Bulalas ni Thalia nang makalapit sa amang si Aston.

"Sigurado ka, iha?!" Hindi makapaniwala si Aston. May relasyon ba sila ng assistant niya na si Jin? Si Jin at si Aisha?

"OO Daddy! Nakasalubong ko sila! Nabangga pa nga nila ako!" Sumbong pa ni Thalia.

"Sino ang Jin na iyon Aston?!" Nakakatakot ang tono ni Justavo. Galit na galit ito.

"Ang assistant ko sa eskwelahan..." tanging sagot ng daddy ni Aisha.

..

..

..

"Jin? Assistant ni Aston Vega?" Pagkukumpirma ni Knight.

"Ibigay mo sa akin ang detalye, Franco! Address, buong pangalan, tirahan. Lahat-lahat Franco! Kung may picture, pati picture i-send mo sa akin!" Hiyaw ni Knight sa telepono habang nagmamaneho.

'Eh Sir, Walang papeles! Mukhang tuso ang assistant ni Aston Vega. Isang buwan pa lang daw ito sa eskwelahan. Kilala lang ito sa tawag na Jin! Wala na raw ang mga dokumentong ipinasa nito noon!' Halatang problemado ang assistant ni Knight.

"Bullsh*t! Saan ko hahanapin yang mga 'yan?!" In-end na agad ni Knight ang tawag at itinapon ang cellpone niya sa sahig ng sasakyan niya. Mabilis ang takbo ng sasakyan niya nang mahagip ng mga mata niya ang isang pamilyar na lalaki. Iyon ang gang na umistorbo sa kanya sa pagkuha kay Aisha noon.

Nagmaniobra si Knight at huminto sa tapat ng pinuno ng gang na si Yance.

"HOP IN!" Sigaw niya dito nang maibaba ang salaming bintana ng sasakyan. Si Yance naman ay tila namamangha pa sa kotseng huminto sa harapan niya.

O__O

"Huh? Naku sorry boss! Alam kong gwapo ako, pero hindi ako GIGOLO." Pagkatapos ay iritang lumakad muli si Yance.

WTF?

Pinaandar naman ni Knight ang sasakyan at huminto muli sa tapat ni Yance. Iritang sinilip ni Yance sa bukas na bintana ang nagmamaneho pero laking gulat niya ng may baril na nakatutok na sa kanya.

"HOP IN or I'll shoot you?!"

Wala namang nagawa si Yance kaya sumakay siya sa sasakyan.

"Easy! Eto na nga, sasama na. Anong serbisyo ho ba ang gusto nyo boss? Pasensya na, pero matinong tao ako." Diretsong sabi ni Yance. Humahanap lang siya ng tyempo para makatakas sa lalaki.

"WHAT THE F*CK! Are you f*cking stupid?! WHERE is AISHA?!"

Napalingon muli si Yance kay Knight at minukhaan ito. "Ikaw yung may baril si ano.. si Knight Estude?"

O__O

"SAAN MO DINALA SI AISHA?!" Muling tanong ni Knight.

"Nawawala si Aisha?!!!"

"DAMN! HAHANAPIN KO BA SAYO kung hindi? F*CKING idiot!"

"Hay! Aba, malay ko! Baliw na babaeng iyon matapos akong paasahin binugbog pa yung mga gang members ko! Bwisit talaga!" Bulalas din ni Yance.

"Huh? Are you by any chance, her lover?" Naiintrigang tanong ni Knight.

"That was before! Binasted nga ako eh! Pucha, kung bakit ba kasi sinunod ko yung advice ng Thalia na yun! Ang type raw kasi ni Aisha eh mga wild! Naisip ko tuloy mag-role play kami! Nag-costume pa nga ako ng Tarzan para talagang wild. Tinutukan ba naman ako ng kutsilyo?" Hindi pa rin makapaniwalang saad ni Yance.

WHEN MISS GANGSTER MEETS HER MATCHWhere stories live. Discover now