Siguro tawagan ko naman sila Mommy at kuya --

" Chef.Leondale, May VIP customer daw!" Napatigil ako sa pagdidial nang skype name nila nang biglang pumasok si Meldy sa loob , napakunot ang noo ko nang sabihin niya yung VIP customer , ang VIP rooms kasi ay para lamang sa celebs. At malalaking tao sa publiko ..

May VIP customer ba ako ? Wala naman nag pa book ah ?

" Sino ?" Takang tanong ko parin at saka sinara ang laptop , siguro mamaya ko nalang sila tatawagan pag uwi ,

" Hindi po namin alam , nandoon lang sila sa labas nang restau at hindi bumababa , may lumapit pa na bodyguard daw siya at pinapasabing VIP daw ang amo niya !" Mas lalong nanliit ang mata ko , sino?

At dahil curious na ako , lumabas na ako nang locker at binalik ang apron ko at saka tinignan ang labas nang restau, maraming tao sa labas ..

Pero hinanap agad nang mata ko yung sasakyan na sinasabi ni Meldy , at may nakita akong puting posche sa hindi kalayuan , tumambad pa doon ang crest nang royal family , umilaw iyon na animo'y nag sesenyas na nakita na ako nang kung sino man ang nasa loob ,

Lalapit na sana ako sa sasakyan pero halos manlaki ang mata ko nang may lumabas doon na lalaking naka white coat at may dala dalang isang napakalaking bouquet nang red roses !!

Nabalot nang bulong bulungan ang paligid sa biglaang paglabas nang lalaking iyon , noong una ay hindi ko pa makita ang muka niya , pero nung maalala ko yung crest .. yung royal family , Holy!!! dumungaw siya at agad akong napahawak sa bibig ko nang makita ang medyo blonde niyang buhok , ang kulay berde niyang mata at ang malalim niyang dimple ,

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, isang bouquet lang ang dala niya pero halos naglalaman iyon nang libo libong bulaklak !!

" P-Prince S-Stephen .." wala sa sariling wika ko nang makalapit na siya saakin , anong ibig sabihin nang bulaklak na to ?

Yung unang rose na binigay niya , natural lang ang tingin ko doon , pero itong bibigyan niya ako nang maraming bulaklak parang iba na yung meaning eh !

" For you , Milady !" Nakangiting sabi niya , nagulat nalang ako nang maglabas na nang cellphone ang mga customer na nag aantay sa labas , malamang nakilala na siya ..

Hindi ko kinuha yung bulaklak instead kinuha ko yung kamay niya at dinala siya sa loob nang restau, pero as usual naka abang na ang mga non - photographers , kaya naman todo iwas ako na hindi makuhaan !!

Nag salita narin si Prince Stephen na harangan ang mga kumakain na customer , dali dali ko siyang dinala sa locker area , naiwan ang mga body guards niya sa labas kaya naman kaming dalawa lang ang nandito !!

Huminga muna ako nang malalim at saka sumilip sa labas ,nagkagulo na ang mga tao .. pambihira ..

" I-Im sorry !! I-I hope you forgive me , that was quite an entrance i made outside, and i ruined --"

" No , it's alright! You don't know what will happen anyways! So it's fine !" Sagot ko nalang nang mahalatang sinisisi pa niya ata ang sarili niya ,

Yumuko siya habang hawak ang bulaklak niya , tinitigan ko siya, naalala ko yung kapatid niya .. yung P.A na P.S pa !!

Napaka noble talaga nang lalaking ito , ang layo layo sa ugaling magaspang nang kapatid niyang kulutong !

The Prince Wife : Her StoryWhere stories live. Discover now