Lesson #25 The Attackers

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hay nako Mildred! Ikaw ang aga aga mo akong pinapunta dito tapos pahuli huli ka pa!" sabi ko sa kanya nung makalapit siya sa akin pero dedma lang ako!

AY GANON?!

"Cass! Nako! May sasabihin ako sayo!" sabi niya sa akin

"Oo! Alam kong may sasabihin ka sa akin, kaya nga ako nagpunta dito diba?"

"Wag mo na akong basagin ngayon! Importante to! Buhay niyo ni Marco ang nakasalalay dito." bigla akong kinabahan nun!

Buhay namin ni Marco? Oh no! Hindi pwede! 

"At anong meron?"

"Naalala mo yung VIctoria? yung mahaderang babae na nag OJT bilang clown at nag masteral ng cosmetics pero na-singko kasi masyado siyang makapal mag make up?!" seryoso at mabilis na sabi niya..

"Pffft-HAHAHAHAHA!!!!" My god! Hindi ko napigilan ang sarili ko na matawa dahil sa mga pinagsasasabi niya!

"Cass! Makinig ka nga sa akin! Hindi ako nagbibiro!!"
 napatigil ko sa pagtawa ng sabihin niya yun.

Hindi pa pala siya nagbibiro sa lagay na yun?!

"Weh?"

"Oo nga." sabay tango tango niya. 

Tumahimik na ako nun. Ngayon ko lang nakita na seryoso ang kaibigan ko sa ganitong bagay.

"So, naalala mo nga si Victoria? Yung maha-"

"Wag mo nang sabihin yan. Baka matawa lang ako ulit." sabay tawa ko ng mahina.

Kasi nakakatawa talaga siya!

"Eh kasi naman, wala na akong naisip na magandang deskripsyon para sa kanya! Hindi ko naman pwedeng sabihing maganda siya dahil kasinungalingan yun! Bawal magsinungaling! Hindi ko din pwedeng sabihing Pangit dahil makakasakit ako! HAHAHAHA!" sabi niya at hindi na din niya napigilan ang sarili niya sa pagtawa!

My Sexy Tutor (Ang Pagbabalik) OnGoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon