Chapter Nineteen

Magsimula sa umpisa
                                    

Akala ko talaga dati, ang OA, OA nila. Wagas kung makaiyak at makapagdrama. Pero ang totoo pala, sobrang sakit na makita yung taong gusto mo na iwanan ka at hilahin ang isang babae palayo sa akin. At ang masakit pa, kinaiinisan ko yung babae at parang nawalan siya ng concern sa akin. Kinakarma na yata ako ngayon.

"Alam mo, simple lang naman ang solusyon diyan. Kausapin mo siya."

Nagsipagtanguhan yung dalawa kay Helena na halatang sumasang-ayon. Okay lang naman sa akin na kausapin niya kaso baka hindi ko magustuhan yung magiging sagot niya.

"Helena, puwede bang makitulog sa inyo ngayon?"

"Hindi," mariin niyang sagot.

Tiningnan ko si Rizza at umiling din siya. Sinubukan kong magpaawa effect pero walang epekto sa kanila. Bakit ba ang sama-sama ng mga kaibigan ko sa akin? O sadyang hindi lang nila akong kinukunsinti kasi ganoon din ako sa kanila?

"Walang mangyayari sa iyon kung tatakbuhan mo yung problema mo. Ano bang ikinakatakot mo?" tanong ni Adrian sa akin.

"Yung magiging sagot ba niya sa kung ano mang bagay ang bumabagabag sa iyo?" dugtong ni Rizza at napatango ako.

Hinimas ni Rizza yung likod ko at pinagpaliwanagan pa ako ng mas maigi. Panigurado makokonsensya na naman ako sa kung anuman ang sasabihin niya.

"Nandito lang naman kami para bigyan ka ng payo. Pero ang desisyon ay parati pa ring nasa iyo. Alam kong mahirap ito pero kailangan ay may gawin ka. Ano ba'ng gusto mo? Ang iwasan niya at hayaan ang sarili mo na mag-isip ng kung anu-ano at tuluyang mabaliw; o ang malaman ang bagay na bumabagabag sa iyo kahit may posibilidad na hindi mo iyon magugustuhan?"

Hindi na ako sumagot sa kanila. Tumitig na lang ako sa kawalan at ilang sandali pa ay, napagpasyahan ko nang umuwi. Naguguluhan pa rin ako sa desisyon na gagawin ko. Mabuti pa siguro ay itulog ko na lang ito.

Hinatid na ako nila Adrian at Rizza sa amin. Medyo okay na yung paa ko pero nahihirapan pa rin akong maglakad. Nakadagdag pa yung sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Hindi ko alam kung anong kaugnayan nito sa paa ko pero apektadong-apektado ito.

Siguro mas mabuti na tanungin ko na lang si Justin. Baka tuluyan na nga akong masiraan ng bait kakaisip. Maapektuhan pa ang ilan sa mga mas importanteng bagay na dapat na pinagtutuunan ko ng pansin.

Nang medyo malapit na kami sa bahay, nakita ko si Mirachelle na lumabas sa bahay ni Justin. At ang masakit? Mukhang masaya pa sila. Akala ko wala nang mas sasakit sa nararamdaman ko pero mayroon pa pala. Lalo na nung halikan ni Gretchen si Justin sa pisngi. Yung mga luha ko, nangingilid na naman. Naramdaman kong hinawakan ni Rizza ang kamay ko kaya pinilit kong ngumiti. Masyado na silang nape-perwisyo at naaabala dahil sa akin. Nagdere-deretso na lang ako sa paglalakad hanggang makarating sa bahay.

Pagkaalis ni Mirachelle, biglang lumapit si Justin sa amin na parang walang nangyari. Binati niya kami pero hindi ko siya pinansin at inisip na lang na may masamang hangin na dumaan. Ang lakas naman ng loob niyang lapitan ako pagkatapos ng ginawa niya sa akin kanina. Nagmukha akong tanga. Okay lang sana sa harap ng maraming tao, pero sa grupo ni Mirachelle? Mas gugustuhin ko na lang magpalamon sa lupa. At isa pa, yung paghalik ni Gretchen sa kan'ya. Nakakainis.

"Adrian, Rizza, salamat sa paghatid at hindi pang-iiwan. Mag-iingat kayo," paalam ko sa kanila habang kinukuha ang gamit ko.

Pagkatapos ay tumango sila bago maglakad palayo. Binuksan ko na yung gate namin para pumasok. Ngunit, pinigilan ako ni Justin.

"May problema ba tayo Ange? Yung sa kanina..."

"Hindi mo kailangang magpaliwanag. Naiintindihan ko."

Hindi pa rin ako tumitingin sa kan'ya. Baka kasi kapag tumingin ako, mahalata niyang nagsisinungaling ako at tuluyan nang magsipagbagsakan yung mga luha ko. Ayaw ko na rin marinig ang paliwanag niya dahil baka umasa na naman ako.

Pilit niya akong pinapaharap sa kan'ya pero nagmatigas ako. Bakit ba kasi nagkataon pa na injured yung paa ko dahil sa katangahan ko. Hindi tuloy ako makatakbo papasok ng bahay.

Akala ko susuko na siya pero akala lang na naman pala iyon. Bigla niya akong niyakap mula sa likod sanhi para mabitawan ko yung mga gamit ko dahil sa gulat.

"A...anong ginagawa mo?" tanong ko sa kan'ya.

Mas lalong humigpit yung yakap niya sa akin at ipinatong yung baba niya sa balikat ko. Ikinuyom ko ang mga palad ko dahil sa sitwasyon namin ngayon. Gusto kong magalit. Gusto ko siyang suntukin at gusto kong umalis sa pagkakayakap niya pero hindi ko magawa. Masyado akong nanghihina at nanlalambot ang mga tuhod ko.

"Patawarin mo ako Ange. Wala akong magawa. Sana pagkatiwalaan mo ako at sana, huwag na huwag mong iisipin na nilolo ko lang kita. Totoo lahat ng nararamdaman ko sa iyo."

Mas lalong gumulo yung magulo kong isipan. Kung anu-ano na ang tumatakbo sa utak ko. Naghalo-halo na rin ang emosyon na nararamdaman ko. Kulang na lang yata ay masiraan ako ng bait.

Ikinalma ko ang sarili ko at pumikit. Bumilang akong ng hanggang sampu bago bumuntong-hininga. Pagkatapos ay idinilat ko ang aking mga mata bago umalis sa pagkakayakap ni Justin at humarap sa kan'ya.

Tiningnan ko siya sa mata. Gusto kong maniwala na totoo lahat ang sinasabi niya. Pero, kapag nakita na mismo ng sariling mga mata ko, kahit anong pilit ko sa aking sarili na paniwalaan ang mga sasabihin niya, hindi ko magawa.

"Hindi ko alam Justin. Sa totoo lang, gulong-gulo na ako. Minsan talaga, hinihiling ko na sana hindi na lang tayo nagkakilala. Marahil tahimik pa rin ang buhay ko hanggang ngayon at hindi nasasaktan nang ganito."

Umupo ako at pinulot yung mga gamit ko. Ginawa ko na lang na dahilan iyon para hindi niya mahalata na umiiyak ako at hindi niya makita na nasasaktan ako. Ayaw ko siyang bigyan ng ganoong klaseng pagkakataon.

"Sa totoo lang, gusto na rin kita. Gustung-gusto pero hindi ko alam kung ganoon din ba talaga ang nararamdaman mo sa akin. Kaya nga kahit inis na inis ako sa ginawa ni Mirachelle kanina, wala akong magawa. Hindi ko alam kung tama bang magselos ako."

Nang mapulot ko na ang aking mga libro at magkaroon na ulit ako ng lakas ng loob na harapin siya, tumayo na ako. Pinilit ko ring ngumiti upang sabihin yung bagay na alam kong mas lalo dudurog sa puso ko.

"Justin, naging masaya ako na nakapiling kita. Pero ngayon, napagtanto ko na parang gusto ko na lang itigil ang lahat ng ito. Hindi ko kayang may nagdurusa dahil sa akin kung hindi naman akong sigurado na magiging sapat ang kahahantungan ng kung ano mang mayroon tayo. Hindi rin tama na may mag-sakripisyong ibang tao at isa pa, ayaw kong maging sagabal sa pagmamahalan ng ibang tao at kontrabida sa ibang babae," bumuntong-hininga ako bago ko sabihin ang pinakamasakit na bagay na sasabihin ko. "Ayos lang sa akin kung naging pampalipas oras lang ako. Pero sana'y layuan mo na ako at huwag na huwag nang kakauapin. Ibaling mo na lang ang atensyon mo kay Mirachelle upang magkaliwanagan na kayo at magkabalikan. Maraming salamat sa lahat."

Tiningnan ko pa ng isang beses ang buong mukha niya, kung saan nakapinta ang pagkagulat, bago ngumiti nang mapait. Tumalikod na ako para pumasok sa loob ng bahay.

"Ang martyr-martyr mo Ange! Ang brutal-brutal mo sa sarili mo!" sambit ko sa aking sarili.

Dumaan ako sa kusina para magmano kay mama at sabihin na hindi ako kakain ng hapunan. Hindi ko na rin hinintay ang sagot niya at agad nang dumiretso sa aking silid. Inilapag ko na ang mga gamit ko at sinilip ko si Justin kung nasa labas pa rin siya ng bahay namin.

"O ano ngayon napapala mo? Pinapaalis-paalis mo tapos aasahan mong taliwas sa sinabi mo ang gagawin niya? Katangahan iyan," sabi ng puso ko sa utak ko.

Isinarado ko na ang kurtina sa kuwarto ko at pinatay ang ilaw. Hindi na rin ako nag-abala na magpunas at magpalit ng damit. Agad na akong dumapa sa kama ko at isinubsob ang aking mukha sa unan. Mukhang magdamagan akong iiyak.

"Pasensya na unan kung mababasa ka ngayon ng mga luha ko. Ngayon lang ito, pangako. Ito ang una at huling beses."

/———/

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

#11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon