The Memento

18 3 3
                                    

First year College. Naging magkagroup tayo sa programming. Lagi kang naka earphone non samantalang ako naman ay nagbabasa ng wattpad. Di natin kelangan ang isa't isa.

At first, inaasar kita kasi ikaw lang yung lalaki sa group. I even called you apple although you're a mango sa haba ng baba mo. Kinulit kita sa text at chat. Wala pa kong nararamdaman kasi iba yung crush ko non.

Hanggang sa malaman ko na crush mo si Kylie, yung kaibigan ko. Okay lang sakin, nilakad pa nga kita don e. Pero dahil hindi ka naman gwapo, nabasted ka ni Kylie. Kinomfort kita non, medyo nagalit pa nga ako kay Kylie kung bakit nya ginawa yun. Still, wala pa rin akong nararamdaman.

Dun na tayo naging close. Magkachat hanggang 4am. Yung tipong hindi na lang ako yung nangungulit, pati ikaw rin. Yung pati ginagawa mo, sinasabi mo sakin. And vice versa.

***

You: Uy! Hugas lang ako ng plato. Tsaka maglalaba ako.

Me: Sige lang. Pakain mo na rin si Jerome. Kawawa naman e XD

***

Nung naging magclose tayo, dun kita lalong nakilala. Di ka masyadong friendly sa girl (According to you), sakin lang. Aaminin ko, kinilig ako don. Mapang asar pero pikon at pag may utang ako sayo, di mo ko titigilan hanggang di ako nagbabayad (Well, sakin ka lang din ata ganon.) Wala pa kong nararamdaman non hanggang sa moment na nakasimangot ako non kasi magkakagalit kami ng kaibigan ko tas ikaw lang nakapansin.

***

You: Bakit ka malungkot? Smile ka na.

***

Di ako naniniwala sa mga nangyayari sa wattpad pero nung narinig ko yun, dun ako umasa. Umasa na siguro pwede. I asked you to be my bestfriend, pero ayaw mo. Ang dahilan mo? Ewan. Di ko alam. But I treated you parin as a bestfriend. We even have petty fights. Nag aaway tayo kasi di natin pinansin yung isa't isa. Tas ako lang yung nakakaintindi sayo pag nag aaway kayo sa group. Lalo nang tumitindi yung feelings ko sayo pero ayoko. Ayokong umasa.

Buong bakasyon, magkachat tayo. Pagkagising hanggang sa pagtulog, magkausap pa rin tayo. Mapa text o chat. Nagkwekwentuhan lang tayo ng kung ano yung mga nangyayari satin o kaya tungkol sa anime. Dun tayo nagblend. Sa anime. Open tayo sa ecchi tsaka sa hentai. No malice naman kaya okay lang. Di mo ko jinudge non. Narealize ko na lang na unti unti na kong nalulubog sa feelings ko sayo. Ayoko talaga. Di pwede. Alam kong masasaktan mo lang ako ng di mo alam.

Then, nagkaron ako ng ibang pagkakaabalahan. Sumali ako sa isang group. Nakilala ko dun si Haru. Same features kayo, height, body, personality, and syempre yung haba ng baba (Lapitin ata ako non). Nasabi ko non sa sarili ko na, "Ito na siguro yung pwede kong distraction.". Kaya nakipagclose ako non kay Haru (Well, otaku rin kasi sya) to the point na nagkagusto na ko sa kanya. Di na tayo masyadong nagkakausap non. Naisip ko na isama ka sa group. Medyo nakakalimutan ko na yung feelings ko sayo, siguro dahil kay Haru. Sana nga.

Nagtanong ka pa kung sino si Haru, kung paano ko sya nakilala etc. Umasa na naman ako nun na nagseselos ka. Ayun nga, nung nagkakilala na kayo ni Haru. Sobrang magkasundo kayo na hindi. Alam mo yun? Parang may barrier. Pati yung kasama ko sa group, nakakahalata na gusto ko kayong dalawa. Bakit ikaw hindi mo pa rin alam? Manhid ka ba talaga?

Akala ko ayos na ang lahat. Nakakalimutan ko na yung feelings ko sayo. Nagiging mas close na kami ni Haru. Tinanong nya ko kung may gusto ako sa kanya and I honestly answer him yes. Nagdouble date kami sa birthday nya. I even made him a surprise gift for him. Masaya na ko. I know gasgas na tong line na to but yeah, it is true that "After happiness, there is sadness." Akala ko lang pala talaga.

May girlfriend pala si Haru. 2 months pa lang sila. Ang masaklap pa, yung pang pinaka least na tao na aakalain ko ang girlfriend nya. Sya yung nagsabi na may gusto ako kay Haru pati na rin sa kanya. Di ko akalain na ako yung third party. Bakit pa kasi nila kailangan itago? Bakit di sakin sinabi ni Haru? Alam naman nyang may gusto ako sa kanya ah. Nung mga panahon na yun, sarap manapak ng lalake na mahaba ang baba. Di ko talaga sila pinansin, magsama sila. At eto ka na naman. Simisingit sa buhay ako. Ang tulis mong singit. Asdfghjkl!

Umiiyak ako non habang nagrereply ako sayo. In state of shock pa ko non. Ikaw na naman. Ayoko maging dependent na naman sayo.

***

You: Oy! Anong nangyari sayo? Bat ka umiiyak?

Me: HUHUHUHU Na friend zone ako ni Haru. May girlfriend pala sya.

You: E G*go pala sya! Dapat kasi di ka na sumali don! Panget naman non e. 

Me: Mura pa! Sorry naaaaa! HUHUHUHU

You: Iiyak mo lang yan. Wala namang mali sa pag iyak. At least narelease yan nararamdaman mo or mabawasan man lang.

***

Dun sa last line talaga ako natouch. Parang biglang nawala yung sakit na ginawa sakin ni Haru. Bumalik na naman yung feelings ko sayo. Bakit ganon? Sabihin nyo nga, malandi ba ko?

Bumalik na ulit tayo sa dati. Close na naman tayo. Smooth and sailing. Kaso iba ka na. Mas naging open ka na sa ibang babae. Lalo na sa isa kong friend, si Jen. Alam ko naman na wala akong karapatan kasi magkakaibigan lang tayong tatlo tsaka walang malisya yon, pero bakit nagseselos ako sa inyo sa tuwing nag uusap kayong dalawa? Pag nag aasaran kayo?

Sinubukan ko ulit na lumayo sayo. Di na kita chinachat. Wala na tayo communication. I thought it was easy. I let you go. Lakas ko makapag let go, eh wala namang naging tayo.

One day, I never thought na yun na pala yung huling makakausap kita. Nag away tayo non. Dahil sa 5 pesos. Di ko binibigay sayo kasi inaasar kita. Napikon ka tapos pinalayas mo ko sa bahay mo. Sorry ako ng sorry non. Pero di mo ko pinakinggan. Pinairal mo yung pride mo. Lagi mo kong tinatawag na pabebe pero ang totoo, parehas lang pala tayo. 

Siguro di talaga tayo sa isa't isa. Alam ko naman yun e. You like pretty girls and Im ugly. Siguro hanggang dito na lang talaga tayo. Di tayo yung tinatawag nilang 'destiny-to-each-other', 'soulmate', meant-to-be etc. Maybe nagkakilala lang tayo para ma experience natin yung mga bagay-bagay pero hindi talaga tayo para sa isa't isa. Who cares anyway? Its a one sided love.



"And we parted ways."






---

Heeeey! Kamusta? Dahil tinatamad ako magtype sa TO, eto muna.

Charaaaaaan! First time ulit.

Laitin nyo po grammar ko please XD Bangag na ata ako e.

(HOY! YUNG MGA FRIENDS KO SA SCHOOL, WAG KAYONG ANO. FICTION LANG TO. FICTION. DI KAMI TO. LOL HHAHAHAHAHAHA KUNYARI DI NYO ALAM TO!)


PS. Achievement unlock para sa 1K.

-Minekochan♥

The Memento (One shot)Where stories live. Discover now