Pero bakit siya nagkaroon nang ties sa kumpanya namin ?

" Bakit nagkaroon nang koneksyon ang mga Royalties sa kumpanya ?" Curious parin na tanong ko , napa ubo si Jas pero hindi yung ubo na nabilaukan .. naubo siya kasi natawa siya ..

" Seriously? 2 years kanang andito ah ? Well hindi ko na aasahan na maipagtatagpi tagpi mo , remember? Kuya Josh is the personal lawyer of the royal family? They trust Kuya Josh , kung merong nakakaalam sa kayamanan nang royal family it's kuya Josh , kaya naman hindi na nag atubili ang mga anak nang king and queen na ipagkatiwala ang mga pera nila sa kumpanya natin , they also have 43% shares sa company natin sa UK"

Halos maapakan ang muka ko sa sinabi niya , p-paano kung ganun nga yung mangyari ? Paano kung bawiin niya yung shares ? Hindi naman siguro .. i mean kung may tiwala sila kay Kuya Josh hindi naman siguro nila basta basta gagawin yun dahil lang sa tinawag kong Prince of Assholes yung .. y-yung ..

" I just dig my own grave ..." wala sa sariling bulaslas ko , tumango si Jasmine sa harapan ko ..

" Yeah, you did .. natatakot din naman ako sa magiging resulta nang ginawa mo , pero let's wish na sana ipagtanggol ka ni Prince Stephen, ako ? Mamaya na ako magpapanic kapag tapos na tayo kumain .. uy ? Ayaw muna akin nalang ah !"

Hindi na ako nakakibo dahil lutang na ako , kumpara sa mga kapatid ko mas mataas sila kesa saakin , at hindi lang repustasyon nila ang nakasalalay kung sakaling bawiin niya ang shares ,

Ang kumpanya na tinatag ni Daddy at nang daddy ni Jas na si Uncle Jefferson ..

Hindi ko pwede hayaang mawala iyon dahil sa ginawa ko ..

I made a terrible mistake !!

*Gulp*

*Brrzzttt*

Agad akong napataas nang tingin nang may marinig akong nag buzzer sa labas nang unit , napatingin ako sa orasan at 9:09pm na nang gabi ,

Napatingin din ako kay Jas na nakalingon lang sandali sa pinto sabay lingon saakin ,

" May bisita ka ?" Tanong niya pero inilingan ko siya kaya naman nagsalubong ang kilay niya ..

" Open it !" Utos niya saakin , tumaas agad ang balahibo ko ..

" p-paano kung magnanakaw ?" Natatakot na sagot ko , inirapan niya ako ..

" Are you bobo ? Nasa tuktok tayo nang Frablo Cecille Condominium kung saan may nakatira na prinsepe , at nangunguna sa isa sa mga pinaka mayamang building sa paris, sa tingin mo ganoon ka low ang security nila dito para basta basta papasukin ang boggy man ? Open the door Jax !" Inis na sabi niya , sabagay may point siya , pero yung bobo eh ! Yan nanaman oo na sige na , hindi na ako nag iisip nang maayos !

Mabait lang siya kapag makikikain , naglakad naman na ako papunta sa pinto at sinilip kung sino ang tao doon , pero walang tao ..

Taka kong binuksan ang pinto at tumingin muna sa kaliwat kanan , walang tao sa pasilyo. No wonder isang beses lang nag buzzer ..

Isasara ko na sana yung pinto nang biglang bumaba yung tingin ko sa tapat nang pinto ..

Napatitig ako doon , isang tangkay nang ..

" Red Rose ?" Takang wika ko at saka umupo para tignan yung rose , may nakatali na sulat doon , naka roll pa yung sulat ..

Inabot ko na yung maliit na color pink na papel , ang bango pa , binuksan ko iyon habang hawak ko sa kabilang kamay ang rose ..

" Hope you like it , it's not a dozen of flowers , because theres only one of you, so one will be enough :) Thanks for today , see you tomorrow night Jax - Stephen "

Namula ako nang wala sa oras sa nabasa ko sa sulat , galing kay Stephen to ...

Para saan ? Bakit niya ako binigyan nang flower ? Tsaka ..

Dahan dahan ako napaangat nang tingin sa katapat kong pinto , 1975 .. nakita ko na siya dati diyan sa loob eh .. topless pa nga eh , bakit hindi nalang siya nagbigay harap harapan at kailangan ilagay pa sa sahig ? Diyan naman siguro siya nakatira kasama si P.A ( Prince of Asholes ) diba ? Or baka no ..

Is that how British do? Hmm ..

Tumayo nalang ako at akmang isasara na ang pinto nang bigla nalang may tumama sa noo ko , napatingin ako sa pinanggalingan nun at kasabay naman nun ang pagsara nang pinto nang 1975 , wtf ?

Napatingin ako sa binato nang kung sino man yun , papel nanaman .. galing nanaman ba to kay Prince Stephen? Pero bakit kailangan ibato ? Ang corny huh ? Naka turn-off enebe !

Lukot na papel siya kaya naman nang pinulot ko at binasa halos manginig agad ako ..

" Meet me tomorrow night at the Rooftop of this building .. if you don't come you know what i can do to your company! You'll pay for this Witch! -BRYAN"

Eto na nga ba sinasabi ko eh .. Karma !! Karma is a bitch !

Pero parang tanga lang hah ? Binato pa talaga saakin ? So ibig sabihin siya yung nagbato ? Ibig din sabihin wala diyan si Prince Stephen? Ugh !

But that Prince of Assholes is threatening me ! The nerve Ugh! Just !! Just .. HOW DARE HE !!!!!!!

 HOW DARE HE !!!!!!!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

( Prince Bryan )

The Prince Wife : Her StoryWhere stories live. Discover now