Fourth Temptation

3.4K 87 1
                                    

Oakland, California.

Sobrang lamig ng simoy ng hangin at halos kinakain na ng kadiliman ang buong kapaligiran sa Bay Side Area. Ngunit may dalawang bulto ng tao roon ang nakatayo habang pinagmamasdan ang Golden Gate Bridge. Kapansin-pansin ang tulay dahil narin sa ilaw na nakapalibot rito. Lubhang maganda talaga ang tanawin.

"I found your daughter, Paul. She's quite a beauty, eh?" Ani ng lalaking nababalot ng leather jacket at ragged jeans. Naglalaro sa 25 hanggang 35 ang edad nito.

Bumakas sa mukha ng kausap niya ang gulat dahil sa mga tinuran nito.

May kung anong emosyon siyang nakita sa mga mata ng kaharap niya.

Kahit madilim ang buong lugar ay hindi padin natakpan ang pangungulila sa kanyang mga mata.

"But I think she's in danger. You better move fast. A certain person she knows wants to kill her." Dagdag ulit ng lalaki.

Naglabas ng dalawang metallic brief case ang kaharap niya at inilahad ito sa kanya.

Puno ang brief case ng mga pera.
Bundles of dollar bills to be exact.

"Take care of her until I've settle things out. J-j-ust please, promise me her safety, okay?" Iyon lang ang tanging nasabi ng kausap niya na siyang naglahad ng brief case na may lamang pera.

Isa itong banyaga. Nasa edad 50 hanggang 60 kung eestimahin sa bulto nito.

Naiwan roon ang lalaking nakasuot ng leather jacket na kausap ng matanda.

Dumukot siya ng isang stick ng sigarilyo at tahasang sinindihan ito.

Biglang pumasok sa isip niya ang babaeng pinapahanap ng matanda na anak raw nito.

That lady in black that causes trouble everywhere.

That lady who lurks in every bar to drunk herself out.

That lady in which he's bound to protect.

"Be ready, Lady. I'm coming."

●●●●

TRENTA minutos nalang ang natitira at magsisimula na ang pinaghahandaan naming fashion show.

Kasalukuyang nandito ako sa backstage at tumutulong sa pag-aayos ng mga damit ng mga modelo.

Tatlong beses silang magpapalit kaya kailangang double time talaga.

Kahit natatakot ako sa pwedeng mangyari sa akin dahil roon sa sinabi ni Mrs. Domingo ay pinilit ko paring kalimutan na lang. Sa ngayon ay may kailangan muna akong atupagin at iyon ay ang show.

I'll have to make this successful.

"Okay ladies and gentlemen. WE'RE GONNA MAKE THIS . . .?!"

"SUCCESSFUL!" Pabalik na sigaw ng lahat ng naroon sa backstage.

Alam kong kinakabahan sila pero mas lalo naman ako!

Who knows? Baka nandoon sa labas ang gustong sumira sa akin!

Wag naman sana.

I trust God.

Nakita kong nag-aabang ng senyas si Ricky na stage director sa labas. He's waiting for the 'okay' sign na kung handa na ang mga modelo.

I raised my two thumbs up.

"IN 3. . . 2. . . and 1. LIGHTS OUT!"Dumilim na ang buong kapaligiran. Tanging ang ilaw na nanggagaling sa runway ang natira.

"Come on the lights will be back in 5. . .6 . . .7 .. .8!" Matapos sabihin iyon ni Ricky ay bumukas ulit ang mga ilaw at nireveal ang malaking araw na background namin for summer collection.

Guard My BodyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora