Pinaharurot ni Aisha ang bigbike niya. Napakapit naman si Jin sa balikat niya. Lalo pang binilisan ni Aisha ang pagpapatakbo kaya naman sa bewang na niya napakapit si Jin. Lingid sa kaalaman ni Jin ay sinasadya iyon ni Aisha. Oo na, gusto niya si Jin, sa pagpapanggap nila ngayon pwede kayang mauwi iyon sa totohanan? Nababaliw na ata si Aisha. Kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip niya. Nahawa na ata siya kay NINE BASTOS! Pervert na din ata ang utak niya. Naipapasa kaya ang pagiging pervert sa pamamagitan ng isang halik?

Is that some kind of an infectious disease?

Samantala, si Jin naman ay todo kapit sa bewang ni Aisha. Kanina pa siya naaalangan dito. Hindi naman sa hindi siya sanay sa mabilis na pagpapatakbo ng motor pero sadyang natutukso kasi siya dito. Maganda, cool, sexy. Tsk, sa'n ka pa? Sino ba naman ang ayaw mayakap ang ganitong nilalang?

Nawala tuloy sa konsentrasyon si Jin sa kung nasaang lupalop na sila ng mundo. Nagulat na lang siya nang huminto sila sa pamilyar na lugar. O _ O

"What the fvck!" Bulong niya sa sarili.

May ilang sumalubong na tao sa kanila. Mga gwardya iyon, ang iba ay may pasa pa. Nagtanggal ng helmet si Aisha. "Oh ano? Ano bang iinspeksyunin nyo? Wala akong dalang bomba. Bukas na lang iyon, ireregalo ko sa inyo."

"Ay ma'am, tu-tuloy na po kayo..." Nataranta naman ang mga gwardya na nagmamadaling binuksan ang main gate. Sus kaylalaki ng katawan, takot kay Aisha.

Mabuti na lang at naka-helmet si Jin. Hindi siya makapaniwala. Nandito sila sa mansion nila, ng mga ESTUDE...hindi kaya—

"Oh hey there, b*tch! Better go up here. Everyone is waiting!" Sigaw ng tao sa may veranda sa 2nd floor—si Knight.

Sinagot lang ito ni Aisha ng isang malupet na, "F*CK YOU!" Nang naka-dirty finger pa.

"F-fiancé mo?" tanong ni Jin na naka-helmet pa rin. T*ngina! Bakit naman sa dinami-dami ng tao, kuya pa niya? Oo, tama! Siya ang prodigal son na kasalukuyang nawawala. Hindi kaya palabas lang ito? Pero hindi eh. May ilang sasakyan kasi ng media ang nakaparada sa labas. Buti na lang hindi gaanong kilala si Jin ng ilang reporters. Hindi kasi siya pala-attend ng mga social gatherings noon, um-attend man siya, pormal naman ang bihis niya, yung tipong nerd tingnan? Kaya naman malaya pa rin siyang nakakapag-gala. Hindi katulad ni Knight na masyadong show off kaya kuha nito lahat ng attention ng publiko. Palibhasa takot mawalan ng mana.

"Oo. Huwag mong sabihing natatakot ka sa kanya? Tss. Tanggalin mo na kaya yang helmet mo?" sabi ni Aisha na tinuktok pa yung helmet ni Jin.

Dahan-dahan naman sa paningin ni Aisha ang pagtatanggal ng helmet ni Jin. Slow motion pa. Pwede bang i-pause para matagal-tagal?

*____*

"Tsk! Matunaw ako nyan," tuya ni Jin na nakangisi pa. Natanggal na niya ang helmet niya at naka-hood na siya. Mabuti na lang may hood ang suot niyang jacket!

Napahiya naman si Aisha. "Halika na nga..." at nagpauna nang lumakad si Aisha. Nakasunod naman sa kanya si Jin na nakayuko lang.

"Jin, ngayon lang ako makaka-attend sa mga ganitong bagay..." saglit pang huminto si Aisha na lumingon kay Jin na nakasunod sa kanya tapos ay lumakad muli.

"May media raw. Bwisit! Paano ba sumagot sa mga tanong nila? Pero sisiguraduhin kong hindi na tayo aabot doon kasi ipapakilala agad kita bilang boyfriend ko..."

HINTO.

LINGON KAY JIN.

LAKAD.

"Kaya galingan mo ang pag-arte ha. Bwisit talaga! Kinakabahan ako. Basta bahala na. Galingan mo talaga kundi patay ka sakin!"

WHEN MISS GANGSTER MEETS HER MATCHWhere stories live. Discover now