-2-

359 10 9
                                    




Ito na po yung next update.

I hope you like it

~Lia

(P.S: si christian yung nasa multimedia)

--------------------------------------------------------------------------

*Christian's POV*

Hi. I'm Christian James Mendoza. I'm 16 years old. Single but not ready to mingle.

And yes I am the campus heartthrob. Ako yung laging tinititigan ng mga babae sa campus.

Ako din madalas ang dahilan ng mga away kasi hindi mo naman maiiwasan na mahumaling sila sa looks ko.

Sa gwapo ko ba namang ito syempre.

Anyway, kasama ko yung NERD na sinagip ko kanina.

Hindi ko din alam kung ano yung sumapi sa akin na ipagtanggol siya sa mga umaaway sa kanya.

Nasa clinic kami kasi nawalan siya ng malay. Ako ang nagbabantay sa kanya kasi pumasok yung bestfriend niya sa klase. Ako ayaw ko pumasok kaya heto binantayan ko nalang siya

Tiningnan ko naman si NERD.

Maganda naman siya eh. Angelic face. Red lips. Matangos yung ilong. 

Wait what?! AM I SERIOUSLY CHECKING HER OUT?! Hindi to pwede!!

Agad kong inalis ang titig ko sa kanya. Pero may sarili atang isip yung mata ko at binalik ang tingin ko sa kanya.

Napansin ko na suot papala niya ang glasses niya. Dahan dahan ko naman yong tinanggal dahil sa pagkakaalam ko, dapat tinatanggal yun kapag matutulog.

Nilagay ko yun sa may table sa gilid niya lang. I dont know what came into me because I found myself stroking her hair.

Agad ko yun inalis at para bang may magic na inantok ako kaya napasandal ako sa may gilid ng bed niya at nakatulog.

*End of Christian's POV*

*James' POV*

Nagtataka ako kasi hindi  ako sinipot ni Nerdy.

Tama kayo. Nerdy ang tawag ko sa kanya.

Duh. Sa gwapo kong to, magugustuhan kong samahan yung nerd na yun? End of the world na yun kapag nagkataon.

Tama yung mga babae kanina sa classroom. Pinagt'tripan ko lang talaga siya. Napagpustahan naming mag b'barkada.

Eto yung nangyare

-----------Flashback-------------

Bago magpasukan, nagpunta ang mga kabarkada ko na sila Bryan Perez, Kenneth Morales, Alex Fernandez, at Troy Hernandez.

Naglalaro kami ng snake and ladders. Kung sinong matalo, may dare mula sa barkada.

And yes natalo ako sa game.

Kaya ayun, nagusap sila right after ng game tas sabay silang humarap sa akin.

"Nakaisip na kami ng pwedeng dare sayo." Bryan

"Oo nga." Ken & Alex

"Papafall mo ung isang nerd sa school within a span of  3 months as in ligaw and say good things about her, ikaw na bahala. Once she says that she loves you, break her heart. Kapag umatras ka o hindi mo nagawa, Ililibre mo kami ng lunch at break for the whole school year." Troy

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Oct 19, 2016 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

The Campus Heartthrob is my FIANCEE?!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora